Nabigo mang makuha ng pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo ang titulo't korona sa Miss Universe 2024, ay may mauuwi pa rin siyang parangal para sa bansa.
Si Chelsea kasi ang itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Asia sa kasaysayan ng prestigious pageant.

Ito'y matapos magdesisyon ang pamunuan ng Miss Universe na magkaroon ng continental queens, bukod pa ito sa nanalong Miss Universe at runners up.
Read:
- Chelsea Manalo fails to enter Top 12 of Miss Universe 2024
- Chelsea Manalo advances to Miss Universe 2024 Top 30
CHELSEA MANALO WINS FIRST MISS UNIVERSE ASIA TITLE
Sa post-pageant press conference nitong Linggo, November 17, 2024, sa Mexico, kunsaan din ginanap ang grand coronation night ay opisyal na kinilala si Chelsea bilang kasama sa apat na continental queens.
Read: Details of Chelsea Manalo's Miss Universe 2024 finals evening gown
Mismong si Anne Jakrajutatip, ang Thai transgender woman na nagmamay-ari sa Miss Universe Organization, ang naggawad ng Miss Universe Asia kay Chelsea.

Bagay na ipinagpapasalamat naman ni Chelsea, base sa video na ini-upload ng Miss Universe Philippines sa Instagram.
"Hello, maraming salamat. Mabuhay ang Pilipinas! We are making history as first Miss Universe Asia," nakangiting pag-aanunsyo ni Chelsea.
Sa hiwalay na Instagram post ng Miss Universe Philippines, makikita rin ang ilang larawan ni Chelsea habang siya ay sinasabitan ng sash kasama ang tatlo pang hinirang na continental queens.
Sila sina Miss Peru bilang Miss Universe Americans; Miss Nigeria bilang Miss Universe Africa and Oceania; at si Miss Finland bilang na Miss Universe Europe and Middle East.

Dahil sa pagkakahihirang kay Chelsea na Miss Universe Asia nakatakda niyang bisitahin ang buong Asya kung saan magkakaroon ng official trips ang Miss Universe Organization.
VICTORIA KJAER THEILVIG WINS MISS UNIVERSE 2024, THE FIRST CROWN FOR DENMARK
Sa katatapos lang na Miss Universe 2024 coronation night ngayong araw, November 17 (Philippine time), namayagpag ang ganda at galing ng pambato ng Denmark—si Victoria Kjaer Theilvig.
Si Victoria ang kinilala bilang Miss Universe 2024 matapos niyang madaig ang mahigit 120 kapwa niya kandidata mula sa iba't ibang bansa.
Ito ang kauna-unahang Miss Universe crown na naiuwi ng Denmark sa kasaysayan ng prestigious pageant.
Read: Miss Denmark wins Miss Universe 2024
Samantala, kung si Victoria ang kinoronahang Miss Universe 2024, si Chidimma Adetshina ng Nigeria naman ang first runner-up.
Read: Nigeria’s controversy prior to Miss Universe 1st runner-up finish
Nakamit ng bansang Mexico sa katauhan ng kanilang pambato na si Maria Fernanda Beltran Figueroa ang second runner-up.
Read: Miss Universe 2024 winning answer
Third runner-up si Opal Suchata Chuangsri ng Thailand.
Read: Vice Ganda, netizens resort to humor after Chelsea Manalo's loss
Habang fourth runner-up naman si Ileana Marquez Pedroza ng Venezuela.
Read: Miss Universe 2024 judge Michael Cinco binabatikos ng Pinoy fans
