PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis afraid of daughters dating someone like him

"Ever since naman...gusto mong manligaw sa mga anak mo ay katulad mo ng ugali."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 7, 2025
Paolo Contis fears for daughters dating someone like him
Kapuso actor Paolo Contis reveals greatest fear for three daughters: "Me as a person, ever since naman, the goal is to be a guy na [yung tipong] gusto mong manligaw sa mga anak mo ay katulad mo ng ugali. Sadly, you make mistakes, nagkakamali ka."
PHOTO/S: Screengrab YouLOL on YouTube

Aminado ang Kapuso actor na si Paolo Contis na isa sa kinatatakutan niya ay makatagpo ang kanyang mga anak na babae ng lalaking kagaya niya.

Tatlong babae ang anak ni Paolo sa kanyang mga dating partner.

Dalawa ang anak niya sa estranged wife niyang si Lian Paz—sina Xonia, 14, at Xalene, 13.

Read: Get to know Lian Paz's daughters Xalene and Xonia Contis

Isa naman sa ex-partner niyang si LJ Reyes—si Summer, 5.

Read: Paolo Contis, araw-araw raw nami-miss ang anak kay LJ Reyes

Sa programang Your Honor ng YouLOL Youtube channel, naging panauhin nina Tuesday Vargas at Buboy Villar si Paolo sa episode na lumabas noong Sabado, January 4, 2025.

Paolo Contis fears for daughters dating someone like him
Photo/s: Screengrab YouLOL on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay napag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ni Paolo ng iba't ibang karelasyon.

Read: The celebrities Paolo Contis fell in love with

Dahil mga babae ang anak ni Paolo kay Lian, tinanong siya kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag may nagpaalam na liligawan nito ang mga anak ng aktor.

Tanong ni Tuesday sa kanya, "Yung have three girls, one day, mayroong lumapit sa iyo na binatilyo, 'Tito Pao, kaibigan ko po si Summer, kunwari....Okay lang po ba na paminsan-minsan po pupunta po ako dito?'

"How will you handle it if one day your daughters come to you?"

Read: Paolo Contis says he's now single amid breakup rumors with Yen

Napaisip muna nang bahagya si Paolo bago siya sumagot, "It’s gonna happen anyway at wala kang magagawa."

Sundot na tanong ni Tuesday sa kanya, "Hindi ka natatakot, Pao, na may makilala rin sila na kagaya mo?"

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito, inamin ni Paolo na isa ito sa labis niyang kinatatakutan.

Noong una raw ay gusto ng aktor na ang mahanap na mamahalin ng kanyang mga anak ay kagaya niya ng ugali.

Ngunit dahil sa kanyang pagkakamali at kasalanan sa mga nagdaang relasyon, natatakot na raw siyang may mahanap na kagaya niya ang mga anak.

Saad niya, "[Actually] ayun ang number one na ikinakatakot ko."

Read: Paolo Contis not a fan of being friends with exes

"How do you handle it?" tanong muli sa kanya ni Tuesday.

Tugon ni Paolo: "Sasampalin ko agad.

"Sige [na nga] dahil na-open mo na yung about sa kids, me as a person, ever since naman, the goal is to be a guy na gusto mong manligaw sa mga anak mo ay katulad mo ng ugali.

"Sadly, you make mistakes, nagkakamali ka.

"Now, masasabi ko na kung yung Paolo mga ten or fifteen years ago, ayun ang ipakilala ng anak ko sa akin, naku. Dyusko, Lord, sasampalin ko talaga yon!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: How cheating partners in showbiz redeem themselves—or not

NEEDS TO CHANGE FOR THE BETTER

Sa edad na 40, marami na raw napagtanto si paolo sa kanyang buhay, lalo na sa mga naging kasalanan niya noong kanyang kabataan.

Araw-araw raw pinagsisisihan ni Paolo ang kanyang mga pagkakamali at pinipilit na magbago para maging mabuting halimbawa sa mga anak niya.

Sabi niya, "It’s an ongoing process. I cannot say that [I have changed] pero nandoon ka na sa process ng pagbabago.

"Alam mo ang mga mali mo and tinatama mo na ang mali. I’m 40, and kailangan na yun."

Read: Paolo Contis: LJ Reyes Deserves Joy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Paolo Contis reveals greatest fear for three daughters: "Me as a person, ever since naman, the goal is to be a guy na [yung tipong] gusto mong manligaw sa mga anak mo ay katulad mo ng ugali. Sadly, you make mistakes, nagkakamali ka."
PHOTO/S: Screengrab YouLOL on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results