PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rosmar, Rendon declared persona non grata in Palawan

Persona non grata means a person is no longer welcome in a particular place.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 18, 2024
Vloggers Rosmar Tan, Rendon Labador declared persona non grata in entire Palawan
The Provincial Council of Palawan approves resolution declaring social media personalities Rosmar Tan and Rendon Labador persona non grata.
PHOTO/S: Rosmar Tan/Rendon Labador Facebook

Tuluyan nang idineklarang persona non grata sa buong lalawigan ng Palawan ang social media personalities na sina Rosmar Tan, Rendon Labador, at iba pa nilang kagrupo sa Team Malakas.

Nitong Martes, June 18, 2024, sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan ay inirekomenda ni first district board member Juan Antonio Alvarez ang pagpataw ng persona non grata status sa grupo nina Rosmar at Rendon.

Kaugnay ito sa pambabastos ng grupo sa isang empleyado ng LGU (Local Government Unit) ng Coron, sa mismong mayor's office, nang magpunta ang mga ito roon para sa isang charity event.

Sinugod, dinuro, at pinagsisigawan ng grupo, partikular na si Rendon, ang isang tauhan ng munisipyo ng Coron na anila’y nanira sa kanila online.

Read: Vloggers Rosmar and Rendon face potential ban in Coron

Base sa video na ini-upload ng The Palawan Times sa Facebook ngayong Martes,, inilatag ni Alvarez ang mga pangyayari na humantong sa pagsugod ng grupo nina Rosmar at Rendon sa munisipyo ng Coron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang pahayag: "Alam naman natin kung ano ang pinaka-trending ngayon sa social media, at ito nga ang issue sa Coron kung saan nagkaroon ng malaking kabastusan na nangyari sa institution ng munisipyo ng Coron.

"So, ang chronological events nun ay pumunta sila sa coliseum ng Coron para magbigay sana ng ayuda.

"On that day, tsaka po sila humingi ng assistance sa LGU. At bilang LGU, sila naman po ay tinugunan, sila ay in-assist doon sa event nila na biglaan. At same time, hindi na maiwasan na dumagsa ang tao.

"Nagkaroon din po ng insidente na nag-post ang isang staff ng mayor's office na si Jho Trinidad on her personal Facebook page ng kanyang damdamin na hindi raw po nabigyan ng kaunting [tulong yung ibang pumunta].

"Kumbaga, nag-voice out siya ng kanyang damdamin sa nangyayaring event at nabasa po ata ng Team Malakas. At doon nagsimula ang kaguluhan.

"Sinugod po nila Rendon at Rosmar si Jho doon po sa opisina ng mayor, doon nagsisigaw sila at nagduduro-duro. Nabastos na po ang institusyon ng munisipyo ng Coron."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay inihayag ni Alvarez ang kanyang saloobin kaugnay ng pangyayari.

"So, sabihin na natin mali ang pinost ni Ma'am Jho. Pero ito po ay kanyang personal na opinyon, ipinost niya po ito sa kanyang personal na Facebok page, hindi niya po ito ipinost as official opinion or stand ng munisipyo ng Coron.

"Ang reaction po ng Team Malakas ay sumobra. Hindi maganda ang ginawang reaction ng Team Malakas.

"Nadamay ang buong munisipyo ng Coron sa aksyon ng iisang tao na hindi naman dapat. Na-generalize po nila na ang tao ng Coron ay masama.

"Hindi po totoo yan. Kilala ko po ang mga taga-Coron. Lagi po ako nandoon. Lagi ko pong nakakasama ang mga tao ng Coron.

"Ang mga tao ng Coron masayahin, matulungin. Grateful yan sila kapag may mga tumutulong.

"Hindi po fair sa bayan ng Coron, sa mga tao ng Coron, na mabansagan sila ng ganoon klaseng ugali."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Vloggers Rosmar Tan, Rendon Labador face potential ban in Coron, Palawan
Social media personalities Rendon Labador (left) and Rosmar Tan (right) confronting a municipal employee in Coron, Palawan
Photo/s: Screengrab @Rendon Labador Facebook

ALVAREZ REACTS TO ROSMAR, RENDON'S PUBLIC APOLOGY

Bagamat nag-public apology na ang Team Malakas noong June 17, idiniin ni Alvarez na hindi pa rin ito sapat para mapatawad sila sa kontrobersiyal nilang inasal sa mismong munisipyo ng Coron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vloggers Rosmar and Rendon apologize after Coron mishap
Social media personalities Rosmar Tan (front, center) and Rendon Labador (front, rightmost) apologize to the LGU of Coron, Palawan following their heated argument with a municipal employee.
Photo/s: Screengrab @Rosmar Tan Fcaebook

Pahayag niya: "Kagabi po sila ay nag-public apology na. Pero para sa akin po, kulang pa rin ito, kailangan pa rin nilang maturuan ng leksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kausap ko po ang mga konsehal ng Coron, sila ay handa ring maghain ng resolution declaring said Team Malakas as persona non grata sa bayan ng Coron.

"Sabi rin po ni SB [Sangguniang Bayan] John Patrick Mata, ang susunod po nilang gagawing hakbang, e, hihilingin sa Sangguniang Panlalawigan na hindi lang sa Coron [sila ma-persona non grata] kundi sa buong lalawigan ng Palawan.

"Ngayon, sa privilege speech ko na ito, gusto ko pong i-open sa ating kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na gawin po natin ito."

Read: Vloggers Rosmar and Rendon apologize after Coron mishap

Dagdag pa niya: "Masakit po sa damdamin ko na bilang Palaweño, bilang nagmamahal sa munisipyo ng Coron, sa lalawigan ng Palawan, na mangyari ito sa atin.

"Hindi po kasi porket ba tumutulong ka, hindi po porket na nagbibigay kayo ng ayuda ay may karapatan ka nang mambastos ng kapwa mo Pilipino, kapwa mong tao.

"Hindi po yon rason. Hindi mo po puwedeng ipamukha sa kapwa mo tao na dahil tumutulong ka, puwede na kitang duru-duruin, pagsisigawan, at ipahiya sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po dapat natin palampasin yan. Kailangan matuto ang mga gumawa ng mga aksyon na yan.

"Kaya naman po, let us discuss the possibility of also declaring the said personalities persona non grata, not just in the municipality of Coron, but the whole province of Palawan because they have no right to do what they just did."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALVAREZ'S CO-BOARD MEMBERS AGREE

Matapos irekomenda ni Alvarez ang pagpataw ng persona non grata kina Rosmar, Rendon, at buong Team Malakas, mabilis na sumang-ayon at nagbigay suporta ang ilan pa niyang kapwa bokal.

Dahil dito, ipinasa agad ni Palawan vice-governor Leoncio Ola ang resolusyong nagdedeklara kina Rosmar, Rendon, at mga kasamahan nila sa Team Malakas bilang persona non grata sa kanilang probinsiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rosmar Tan reveals earning PHP5M-PHP13M per day from her skin-care brand

POSSIBLE LAWSUIT

Maliban sa persona non grata, may isa ring board member ang nagrekomenda sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na sampahan ng kaso sina Rosmar, Rendon, at iba pa nilang kasamahan.

Pahayag ni third district board member Rafael "Jun" Ortega Jr., pag-aaralan nila kung ano ang maaaring isampang kaso kina Rosmar at Rendon sa ginawa nilang gulo sa munisipyo ng Coron.

Ani Ortega: "Tayo po ay sumusuporta sa panukala ni board member Anton na ideklara sila na persona non grata, hindi lamang sa bayan ng Coron, kundi sa buong lalawigan ng Palawan.

"Dahil ang pambabastos po nila ay hindi lamang sa isang babae, kundi sa isang opisina ng municipal mayor ng Coron at sa mga buong lalawigan ng Palawan.

"Hindi po welcome sa Palawan yung mga ganoong sinasabi na sikat na tao, yung babastusin mo ang Palaweño.

"Ako, tingin ko nga, if I may suggest kay board member Anton, kasi kung persona non grata lang yan, it’s just an expression of sentiment na you are not welcome in Palawan. But, anong epekto nung isang persona non grata ka lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tingin ko, baka pupwedeng pag-aralan natin. Humingi tayo ng suhestiyon sa ating mga legal minds kung pupuwede anong isampa nating kaso dito.

"Dahil tinitingnan ko, baka pupuwede kasuhan ng oral defamation or kung ano pang mas greater offense na mas puwedeng ikaso sa kanila. Para madala yung ganitong mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon ang kampo nina Rosmar at Rendon tungkol sa naging desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na ideklara silang persona non grata.

Wala pa ring pinal na desisyon ang Coron kung kailan mapagtitibay ang persona non grata na nauna nilang inirekomenda sa nasabing grupo nina Rosmar at Rendon.

Read: Netizens call out content creator Rendon Labador for calling comedian Michael V "laos"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Provincial Council of Palawan approves resolution declaring social media personalities Rosmar Tan and Rendon Labador persona non grata.
PHOTO/S: Rosmar Tan/Rendon Labador Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results