PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda inspired to do another movie after MMFF 2024 success

Vice Ganda plans to stage a big concert at Araneta Coliseum soon.
by Arniel C. Serato
Published Feb 4, 2025
Vice Ganda on 2025 plans
Vice Ganda on And The Breadwinner Is... being MMFF 2024 topgrosser: "Ang dami niyang vinalidate. Ang dami niyang binigay sa akin na realization. At ang pinakamahal yung realization doon na, 'Ay, mahal na mahal pa rin nila ako. Ako pa rin yung pinipili nila. Gusto pa rin nila ako.' Ang sarap sa pakiramdam."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kagagaling lamang ni Vice Ganda sa bakasyon sa Dubai.

Kasama niya ang asawang si Ion Perez sa ilang araw na pagliliwaliw roon.

Vice Ganda and Ion Perez in Dubai
Photo/s: Courtesy: Instagram

Vice Ganda and Ion Perez in Dubai

Pagkauwi ni Vice sa Pilipinas, sabak agad siya sa trabaho.

Balik siya sa paghu-host ng noontime show na It's Showtime at naging guest siya ni TJ Monterde sa unang araw ng three-night concert nito sa Araneta Coliseum noong Biyernes, January 31, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksklusibong panayam ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News, naitanong kay Vice kung kumusta ang biyahe nila ni Ion sa Dubai.

Ayon sa comedian-TV host, sobrang na-relax sila sa ilang araw na pahinga.

Sabi ni Vice, "Ang sarap, ang saya, masarap sa pakiramdam.

"Nakapagpahinga ang katawan, ang isip.

"Nakapag-relax-relax din, kasi siyempre nung filmfest season, ngaragan talaga — katawan, utak, lahat, kaluluwa — ubusan.

"So, nakapag-recharge."

Lumabas na rin ang resulta sa box office ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 kung saan ang pinagbidahan niyang And The Breadwinner Is... ang nangguna.

Ano ang pakiramdam niya?

Sagot ni Vice, "Oh, thank you, Lord.

"Thank you sa ABS-CBN, sa Star Cinema.

"Thank you kay Direk Jun Lana.

"Maraming-maraming salamat sa madlang people. Maraming salamat. Ang sarap."

Read: MMFF 2024: Tatlo o apat na pelikula lang ang kumita sa box office

VICE GANDA'S PLANS IN 2025

Pagkatapos ng matagumpay na MMFF movie niya, ano ang plano ni Vice ngayong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "This year, I'm planning to have a big concert sa Araneta.

"And I'm doing another film again this year.

"Hindi ako mag-i-skip, magpe-pelikula ako ulit."

Para ba ito sa MMFF 2025?

Aniya, "Let's see. Hindi pa natin alam."

Labis daw siyang na-inspire dahil sa tagumpay ng And The Breadwinner Is...sa takilya.

Saad ni Vice, "Na-renew, na-recharge, na-inspire ako lalo.

"Lalo na after nung outcome ng film festival, mas lalong nakakagigil.

"Masyadong ang sarap. Tara, di ba?

"Kilos tayo ulit. Laban tayo ulit.

"Kasi, yun nga, yung outcome ng entry natin sa Metro Manila Film Festival.

"Ang dami niyang vinalidate. Ang dami niyang binigay sa akin na realization.

"At ang pinakamahal yung realization doon na, 'Ay, mahal na mahal pa rin nila ako. Ako pa rin yung pinipili nila. Gusto pa rin nila ako.'

"Ang sarap sa pakiramdam. Kaya lalo akong sumisigla.

"Mas lalo akong inspired and fired up."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya hindi raw siya napagod sa pag-iikot noong MMFF 2024 dahil ito lamang daw ang paraan upang mapasalamatan niya ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Aniya, "O, yun na lang yung tanging magagawa ko para makapagpasalamat nang personal."

Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on And The Breadwinner Is... being MMFF 2024 topgrosser: "Ang dami niyang vinalidate. Ang dami niyang binigay sa akin na realization. At ang pinakamahal yung realization doon na, 'Ay, mahal na mahal pa rin nila ako. Ako pa rin yung pinipili nila. Gusto pa rin nila ako.' Ang sarap sa pakiramdam."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results