Umatras ang It's Showtime host na si Ion Perez sa pagkandidato bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac.
Ito ang inanunsiyo ng asawa ng TV host-comedian na si Vice Ganda makalipas ang isang buwan mula nang maghain siya ng kandidatura para sa 2025 elections.
ION PEREZ confirms withdrawal from 2025 polls
Nitong Lunes, November 4, nag-post si Ion ng video sa TiKTok para ipaalam na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang konsehal ng bayan na kanyang sinilangan.

Aniya sa video, "Sa mga kalugar ko diyan sa Concepcion, una po, maraming salamat sa tiwala at suporta niyo na ibinigay sa akin.
"Pinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo o tutuloy bilang konsehal ng Concepcion."
Ang pag-atras daw ni Ion sa 2025 elections ay hindi nangangahulugang kakalimutan na niya ang pagpasok sa mundo ng serbisyo publiko sa mga susunod pang eleksyon.
Nais lang daw niya ngayong maghanda upang maging karapat-dapat sa posisyong kanyang tatakbuhan.
Kalakip ng kanyang paliwanag ang paghingi ng paumnahin sa lahat ng mga kababayan niyang umasa na sa kanyang pagtakbo.
Saad niya, "Gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapaglingkuran kayo nang tama.
"Muli po, maraming-maraming salamat sa inyong tiwala. Paumanhin po."
ION FILES CANDIDACY
Noong October 1, nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Ion sa tanggapan ng Comelec sa Concepcion, Tarlac.
Read: Marco Gumabao, Enzo Pineda, Ion Perez tatakbo sa 2025 elections
Ngunit bago ito, nanumpa muna si Ion Perez bilang bagong miyembro ng National People’s Coalition (NPC) sa munisipyo ng kanilang bayan.

Isa noon si Ion sa maraming celebrities na nagnanais pasukin ang mundo ng pulitika.
Read:
- Aiko Melendez, Ara Mina, Shamcey Supsup for councilor sa 2025
- Tatlong Yllana brothers, tatakbo sa 2025 elections
- Vico Sotto, Michael Pacquiao file COC for 2025 elections
- Willie Revillame confirms run for senator in 2025 elections
- Isko Moreno at Sam Verzosa, di inasahang magkikita sa isang event
