Kakaibang car test ang ipinakita ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero.
Kung sa iba ay pagpapatakbo at pagsukat sa tibay ng sasakyan ang kunsiderasyon nila, para kina Aubrey ay Troy ay idinadaan nila ito sa mas intimate na paraan.
Read: Aubrey, Troy waited eight years before sleeping together
Sa video na ibinahagi nina Aubrey at Troy sa Instagram kahapon, March 6, 2025, ibinida ng mag-asawa ang isang bagong sasakyan.
Sabi ni Troy sa caption, kapag bumibili ng bagong sasakyan, ang madalas na kinukunsidera ay kung matipid ba ito sa gas, pasok sa budget, at maging ang kulay ng sasakyan.
Ngunit may isang bagay pa raw na hindi dapat kalimutan.
Caption ni Troy sa kanyang post: "The Car Test For Hubby
"When buying a new car, there are a lot of things to consider like fuel efficiency, does it fit your budget and even the color but don’t forget this too…"
Sa video ay makikita sina Aubrey at Troy na sinusubukan ang iba't ibang sexual positions na maaaring gawin sa loob at labas ng sasakyan.
Iyon ang ibig tukuyin ni Troy na hindi rin dapat kalimutan.
Read: Aubrey Miles and Troy Montero invest in hybrid car
View this post on Instagram
Sa comments section, unang nagkomento ang kapatid ni Troy na si KC Montero.
Ayon dito, "First it was the Farm, now how do you expect me to ride in that car?"

Ang tinutukoy ni KC na "Farm" ay ang The Farm at San Benito, kung saan madalas magbakasyon sina Aubrey at Troy.
Nag-viral noon ang mga kuhang larawan nina Aubrey at Troy sa The Farm kung saan nakahubad sila.
Read: Aubrey Miles at Troy Montero, binulabog ang social media dahil sa nude photos nila
Tugon ni Troy sa kapatid, "@kcmontero so you still want me to pick you up tomorrow??"

Pabirong sagot ni KC, "@troymontero so I can sit on your seats covered in by sweaty balls. Pass."

AUBREY MILES, TROY MONTERO INTIMATE VIDEOS
Noong January 20, 2025 sa isang event, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Aubrey at Troy kung saan nagkuwento sila tungkol sa paggawa nila ng intimate videos.
Ayon kay Aubrey, bini-video nila ni Troy ang kanilang pagtatalik para manatiling exciting ang kanilang pagsasama.
Nakangiting sabi ng aktres, "We video each other and then kapag nabu-bored siya, isi-send ko sa kanya sa kuwarto tapos nasa baba ako.
"Para naman may excitement."
Read: Aubrey Miles reveals reason for intimate videos with Troy Montero
