PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari, Mariel Padilla give detailed account of past feud

Mariel hurt by BB's "talking doll" tag: “It means wala akong utak."
by Bernie V. Franco
Published Mar 14, 2025
Mariel Padilla, BB Gandanghari
Mariel Padilla (L) reveals she was so hurt when sister-in-law BB Gandanghari (R) called her a "talking doll" on Instagram Live: “I reached a point [where] I said, ‘If Robin forces me for us to be okay, I’d rather maghiwalay na lang kami.’”
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram / BB Gandanghari on YouTube

Mahigit isang taon ang itinagal ng hidwaan ng maghipag na sina BB Gandanghari at Mariel Padilla.

Nakatira sila sa iisang bahay ngunit hindi nag-uusap at hindi nagpapansinan sa tuwing may family gatherings.

Pag-amin nina BB at Mariel, nakapag-build pa sila ng magandang turingan bago ang kanilang hidwaan.

Pero paano nangyari ang kanilang away na nagtagal ng isa't kalahating taon?

Read: BB Gandanghari admits she did not like Mariel for Robin before

THE START OF THE FEUD

Bago magpandemya at bago magdesisyon si BB mamalagi sa Amerika, nakabuo sila ng bond ng sister-in-law niyang si Mariel.

Si Mariel ang asawa ng nakababatang kapatid ni BB na si Senator Robin Padilla.

Pero ang magandang ugnayang ito nina BB at Mariel ay naputol noong pandemya.

Nang maganap ang COVID-19 pandemic, parehong nasa U.S. sina BB at Mariel.

Doon namamalagi si BB, samantalang pumunta sa U.S. si Mariel para magsilang ng anak nila ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa YouTube video ni BB na na-upload nitong March 13, 2025, binalikan nina BB at Mariel kung paano nagsimula ang kanilang hidwaan.

Ayon kay BB, tumatawag siya noon kay Mariel, subalit hindi umano ito sinasagot ni Mariel.

Pakiramdam daw noon ni BB ay tinatabla siya ng kanyang hipag na si Mariel.

Iyon ang simula ng kanilang tampuhan na umabot sa away.

Sabi ni BB, sa gitna ng pandemya, nagkaroon siya ng mental breakdown bunsod ng insecurities at uncertainties.

Aniya: “Takot na takot ako nun na mag-isa ako na parang, ‘Oh, my God, hindi na ba ako makakauwi?’”

Kasabay pa nito ang transition period niya para maging trans woman.

Dahil mag-isa sa Amerika sa gitna ng pandemya, nagalit si BB sa mundo. At inisa-isa ang tampo niya sa mga mahal sa buhay.

Naging outlet ni BB ang pagsasagawa ng Instagram Live kung saan ibinahagi niya ang ilang matitinding rebelasyon tungkol sa kanyang buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang bubog ni BB sa pamilya ay nangyari nang lumabas ang bali-balitang natagpuan daw siyang patay sa kanyang apartment sa U.S.

Nabiktima siya ng death hoax.

Read: Subject of a death hoax, BB Gandanghari says of her family: "Wow, naibalita na akong patay, walang DM."

Himutok ni BB, ni wala raw isa sa kanyang pamilya ang tumawag para kumustahin at tiyakin ang kalagayan niya.

Paliwanag naman dito ni Mariel, normal lang ito para sa kanila dahil laging biktima ng death hoax si Robin.

Read: BB Gandanghari feels neglected by brother Robin Padilla

MARIEL rodriguez HURT BY "TALKING DOLL" TAG

Sa isang Instagram Live niya noon, kinastigo ni BB ang kapatid na si Robin. Tinawag din niyang “talking doll” si Mariel.

Dinamdam ito ni Mariel at nagsumbong kay Robin.

Ang dating daw nito kay Mariel: “It means wala akong utak. Wala [akong] utak, nagsasalita lang ako. Yun ang interpretation ko nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was so hurt. Sabi ko talaga nun, 'May relationship tayo.' Parang feeling ko, dun ako nanggagaling na close kami,” sabi ni Mariel tungkol sa kanila ni BB.

Itinanggi naman ni BB na iyon ang pakahulugan niya sa pagbansag kay Mariel na "talking doll."

Ang naunang tampuhan, nauwi sa galit nila sa isa't isa.

Mariel Padilla, BB Gandanghari
Mariel Padilla and BB Gandanghari talk about their past rift that lasted more than a year.
Photo/s: BB Gandanghari on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BB Gandanghari apologizes to brother Robin Padilla

AVOIDING EACH OTHER

Nang pumanaw ang kapatid nina BB at Robin na si Royette Padilla, hindi nakauwi sa Pilipinas si BB.

Ang Zoom ang naging daan niya para “makasama” ang pamilya na nasa Pilipinas.

Pero hindi nag-uusap sina BB at Mariel maging sa Zoom.

Pag-amin ni Mariel, “I reached a point [that] I said, ‘If Robin forces me for us to be okay, I’d rather maghiwalay na lang kami.’”

Apektado rin ang pagsasama nina Robin at Mariel dahil sa sigalot nina BB at Mariel.

Nakauwi sa bansa si BB noong Pasko ng 2022.

Napagtanto raw ni BB na hindi pa tapos si Mariel sa sama ng loob nito sa kanya.

Pero naramdaman ni BB na kailangan na niyang makipag-ayos kay Mariel dahil apektado na ang mga tao sa kanilang paligid, tulad ng ina niyang si Eva Cariño at ang mga anak nina Robin at Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m missing out on something. I can’t even be close to my nieces. It’s time to move forward…” sabi raw ni BB sa sarili.

Pero hindi pa raw handa noon si Mariel.

May isang pagkakataon pa nga na ipinasa ni Robin kay BB ang telepono para kausapin sana si Mariel, subalit binabaan ni Mariel si BB.

Mas naging kumbinsido si BB na hindi pa talaga handang makipagbati si Mariel.

Aniya, “Deep in my head, sabi ko, ‘Hindi pa talaga tapos. Hindi lang sa hindi pa tapos, galit [si Mariel].’”

May isang okasyon pa raw, noong kaarawan ni Mommy Eva, sinabihan sina BB at Mariel na magpanggap na wala silang alitan.

Nauunawaan ni Mariel na kailangang dumating ni BB para makasama ang kanilang ina. Pero hindi ibig sabihin niyon ay makikipagbati na siya.

“I told Robin, ‘It’s Mama’s birthday, I want Mama to be happy. She wants to be with all her children. She [BB] should come, pero wag na akong kausapin. Wag na akong lapitan, wag na akong kausapin.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon din ang kauna-unahang Christmas na hindi nag-abala si Mariel.

“I was really so hurt dun sa 'talking doll,'” pag-amin ni Mariel.

Read: BB Gandanghari recounts life as caregiver in the U.S.

BURYING THE HATCHET

Bumalik sa U.S. si BB na hindi pa rin naaayos ang gusot nila ni Mariel.

Pero ramdam daw niya ang bigat sa pakiramdam na may kaaway sa pamilya.

Nang magkaroon ng sakit si Mommy Eva, hinanap nito kay Mariel si BB.

Alam daw ni Mariel na hindi lingid sa kaalaman ni Mommy Eva na may alitan sila ni BB.

Naisip ni Mariel na nais ng Padilla matriarch na magkaayos sila ni BB.

“I knew it was intentional for her to say BB. So, gusto niyang ayusin," sabi ni Mariel.

Dahil sa mahinang kalusugan ni Mommy Eva, naisip ni Mariel na makipag-ayos na kay BB.

Ani Mariel, “Ayoko ng living in regret. And guilt is the worst feeling. You’re miserable all the time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun din ang pakiramdam ni BB na inusig ng pagsisisi nang pumanaw si Royette.

Nakarating sa kaalaman ni BB na nag-offer si Mariel na siya ang sasagot sa ticket ni BB pauwi.

Iyon ang nakitang opening ni BB para sa pagbabati nila ni Mariel.

Nasabi ni BB sa sarili, “Now she’s ready and now she’s doing it for Mama.”

Dahil sa sakit ni Mommy Eva, mas nagpursigi ang dalawa na tapusin ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

Nang makauwi si BB, nag-sorry si Mariel.

Sagot naman ni BB, kinailangan niya ang panahong iyon para makapag-isip-isip.

Hindi raw madaling maayos kapag may sigalot sa pamilya, kaya dapat maging maingat na hindi maging dahilan ng hidwaan.

Nang magkapatawaran ang dalawa, naging mas magaan ang pakiramdam nila.

Ani BB, “It makes everything sweeter. Siyempre, in every relationship iingatan mo rin, siyempre.”

Sabi naman ni Mariel, “I can say it’s so much more… mas relaxed.”

Napagtanto naman ni Mariel na kailangan pahalagahan ang pamilya at hindi dapat binabalewala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni BB, “In the end, pag nagkaroon ka ng problema, it’s the family, no matter what. Sila yung nandun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Padilla (L) reveals she was so hurt when sister-in-law BB Gandanghari (R) called her a "talking doll" on Instagram Live: “I reached a point [where] I said, ‘If Robin forces me for us to be okay, I’d rather maghiwalay na lang kami.’”
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram / BB Gandanghari on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results