PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EXPLAINER: What fuels cancel culture in South Korea?

Kim Soo Hyun is the latest victim of cancel culture in South Korea.
by Jet Hitosis Erwin Santiago
Published Mar 17, 2025
kim soo hyun kim seon ho lee sun kyun ji soo
Kim Soo Hyun (leftmost) is the latest South Korean celebrity to have been victimized by cancel culture after being involved in a scandal. He joins past victims (L-R) Kim Seon Ho, Lee Sun Kyun, and Ji Soo.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ang artikulong ito ay unang inilathala noong Oktubre 31, 2021. Binago ang ilang nilalaman nito upang maging updated sa mga bagong kaganapan.

Ang South Korean superstar na si Kim Soo Hyun ang pinakabagong target ng nakababahalang cancel culture sa South Korea.

Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya ang Queen of Tears actor matapos mabunyag ang lihim nilang relasyon noon ng yumaong aktres na si Kim Sae Ron.

Read: Kim Soo Hyun's agency issues statement on Kim Sae Ron dating rumors

Ang Garosero Research Institute, isang independent media platform sa South Korea, ang unang naglabas ng balita tungkol sa relasyon nina Kim Soo Hyun at Kim Sae Ron na labis na ikinagulat ng publiko.

Kabilang sa alegasyon ng Garosero ay menor de edad pa lang si Kim Sae Ron nang magkaroon sila ng relasyon ni Kim Soo Hyun.

Labinlimang (15) taong gulang lang daw noon si Kim Sae Ron, habang si Kim Soo Hyun naman ay dalawampu't pito (27).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumagal daw ng halos anim na taon ang relasyon ng dalawa.

Nagsimula umano ang relasyon ng dalawa noong huling bahagi 2015, at nagwakas noong unang bahagi ng 2022.

Noong una ay makailang ulit itinanggi ng kampo ni Kim Soo Hyun, sa pamamagitan ng itinatag at kinabibilangan niyang talent agency, ang Gold Medalist, na may namagitan sa dalawang K-drama stars.

Read: Kim Soo Hyun denies dating claims with late Kim Sae Ron anew

Ngunit matapos maglabas ng mga larawan at iba pang ebidensiya ang Garosero, pati na ang iba pang media news sites, napilitan ang kampo ni Kim Soo Hyun na amining nagkaroon nga ng ugnayan noon ang aktor kay Kim Sae Ron.

kim soo hyun kim saeron
Two of the intimate photos of Kim Soo Hyun and Kim Sae Ron released to the media to prove allegation that the two were involved in a relationship.
Photo/s: Garosero Research Institute
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nilinaw ng Gold Medalist na nasa hustong gulang na si Kim Sae Ron nang maging nobyo nito si Kim Soo Hyun.

Tumagal lamang din daw ng isang taon ang relasyon ng dalawa — mula summer (June to August) ng 2019 hanggang autumn (September to November) ng 2020.

Read: Kim Soo Hyun finally admits past relationship with Kim Sae Ron

Dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Kim Soo Hyun, kaagad naapektuhan ang kanyang career.

Isa-isang nagsipulasan ang mahigit 18 endorsement deals niya at nakabinbin din ang acting projects niya, kabilang na ang drama series na Knock Off na nakatakda sanang ipalabas sa April 2025.

Dahil kilalang malupit ang South Korea society sa mga celebrity na nasasangkot sa mga eskandalo at kontrobersiya, marami ang nangangambang ito na ang simula ng pagbagsak ng showbiz career ni Kim Soo Hyun na ilang taon niyang binuno at pinagsikapan.

Read: Kim Soo Hyun faces backlash for dating rumors with Kim Sae Ron

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WHAT IS CANCEL CULTURE?

Sa depinisyon ng Merriam-Webster.com, ang cancel culture ay ang pagbawi ng suporta sa isang popular na brand o kilalang personalidad, celebrity o pulitiko, “having expressed an objectionable opinion, or having conducted themselves in a way that is unacceptable, so that continuing to patronize that person’s work leaves a bitter taste.”

Tinatawag ding online shaming at call-out culture, bagamat makabago ang terminong cancel culture dahil sa impluwensiya ng social media, matagal nang umiiral ang konsepto ng cancelling—na ang simpleng kahulugan ay iboykot.

Sa Amerika, mas pulitikal ang gamit sa cancel culture, bagamat pinagdedebatehan pa roon kung ang purpose nito ay “to hold people accountable, or a tactic to punish others unjustly, or a mix of both,” ayon sa non-partisan American think tank na Pew Research Center.

Pero kung mayroon mang industriya sa mundo na pagbabasehan ng kadalasang nakapanlulumong epekto ng cancel culture, iyon marahil ay ang entertainment industry ng South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang maliwanag na halimbawa ang sinasapit ngayon ni Kim Soo Hyun, na mabilis na nahusgahan ng publiko at ng entertainment industry dahil sa itinago nitong relasyon.

Kim Soo Hyun with his fans during Eyes on You Fan meet
Kim Soo Hyun with his fans during Eyes on You Fan meet on June 29, 2024.
Photo/s: @soohyun_k216 on Instagram

CULTURE OF CONFORMITY AND HIERARCHY

Paliwanag ni Song Jae-ryong, sociology professor sa Kyung Hee University, masyado raw kasing mataas ang expectations ng publiko sa mga Korean celebrities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay nito, malaki naman ang pagpapahalaga ng Koreans sa pagtalima ng kanilang mga idolo sa nakagisnan nilang depinisyon ng moralidad at kabutihan—at sa pagiging masunurin dito.

Dahil dito, mabilis na kinokondena ng Korean fans ang sinuman o anumang para sa kanila ay hindi kumbensiyonal o hindi pasok sa standards nila ng “good manners.”

“Koreans have a strong tendency to take sides [as a group], putting those from different social groups on the opposite side,” sinabi ni Jae-ryong sa panayam ng Korea Times, na inilathala noong April 22, 2021.

“Because celebrities stand out and draw the public’s attention, people have adverse feelings toward how their lives are different, and tend to be less tolerant of any perceived moral or ethical misconduct,” dagdag ni Jae-Ryong sa artikulong inilathala rin sa website ng South China Morning Post noong April 24, 2021.

Sa ulat tungkol sa 2015 Australian International Business Survey, ipinaliwang ang culture of conformity sa South Korea at kung bakit mahalaga ito sa business etiquette sa lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi rito: "Respect for age and status are very important in Korean culture, with hierarchy affecting all aspects of social interactions.

"Everyone has a role in society as a result of hierarchy — therefore it is vital to respect it.

"Koreans are most comfortable interacting with someone they consider their equal.

"Status is largely determined by someone’s role in an organisation, which organisation they work for, which university they went to and their marital status."

Halimbawa ang konsepto ng K-beauty: Ito ang dahilan kung bakit may demand sa cosmetic surgery. May hinahabol na certain image o branding para magkaroon ng influence at maging admired.

"There is a widely accepted social standard in terms of beauty," sabi ng professor of psychology na si Ng Jinkyung.

"South Koreans will choose to alter themselves—such as through surgery, which we call secondary control—in order to fit with their environment.

"South Koreans derive self-worth from the acceptance of others, in contrast to the western focus on [creating one's own] self-esteem."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa culture of conformity at hierarchy na ito, nagtatakda ang publiko ng istriktong code of conduct para sa kanilang mga iniidolo.

Read: Apo Whang-od, biktima ng cancel culture dahil sa panghihipo kay Piolo Pascual

thin line between expectation versus reality

Kaugnay ng culture of conformity, nagiging detrimental sa career ng artista kapag hindi nasunod ang expectation ng publiko.

Masama rin para sa artista kung taliwas sa nakagawiang image nito on cam ang ikinilos nito off cam.

Pinalala pa raw ito ng mga reality shows at ng iba’t ibang social media platforms, kung saan malayang nasusubaybayan ng mga Korean at ng media ang pribadong buhay ng celebrities.

Ito ay kahit pa binabalewala na nila ang privacy rights ng Korean celebrities.

Sabi ng pop culture critic na si Kim Hern-sik: "Because Koreans value social and ethical norms before privacy, we tend to prioritize the social impact of a person’s actions."

Dahil sa konsepto ng reality show at access sa social media accounts ng stars kunsaan pino-project na candid, casual, at walang arte ang isang artista, tumataas ang expectation na iyon nga talaga ang katauhan nito sa likod ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso ng K-pop idols, hindi kaila na hindi bihira ang puhunan ng talent management companies pagdating sa ilang taong training ng aspiring talents bago nailulunsad sa idol groups ang mga ito.

Matindi ang demand na makapagpasikat ng talents, at marami ding aspiring idols, lalo pa't multi-billion dollar industry ang K-pop na na-invade ang international scene pati na Western countries.

Kasabay nito, kontrolado ang artista dahil sa "specific formula" at "set of conditions" ng mga talent management para sa hinuhulmang next K-pop stars.

"All K-pop stars must present the perfect façade of a supremely talented and gorgeous, single, heterosexual star, seemingly accessible to fans of the opposite sex.

"To maintain this illusion and prevent fans from becoming irrationally jealous, performers are often prohibited from dating, at least at the start of their careers," saad sa isang commentary na may titulong "The Capitalist Control of K-pop: The Idol As A Product."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FANS’ SENSE OF SATISFACTION, VINDICATION

Malaking epekto rin sa cancel culture ang active participation ng fandom sa pagsikat ng isang artista.

Sabi sa Ph.D Dissertation ni Gil Hwa Jeong ng Hankuk University of Foreign Studies:

"Fandoms not only promote their specific subjects but also actively consume them by recreating the original subject with high levels of attachment.

"Popular culture fans consume a specific content, artist, and/or text of mass-produced popular cultural contents in their daily lives.

"When the fans collect specific chosen subjects and share common cultural taste with each other, the fans can build a fandom and kinship."

Dahil sa matinding affinity ng fans, na malaking ambag sa pagsikat ng kanilang mga iniidolo, inaasahang matindi ang impact kapag nasasangkot sa eskandalo ang South Korean stars.

“Also, Korea has a centralized media structure — although it is changing with the emergence of social media and digital media outlets so if the issues are raised by a few media outlets, they spread quickly and have a huge impact,” paliwanag ni Hern-sik sa Korea Times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ng dagsa ng negatibong opinyon ng publiko laban sa isang celebrity online, nagre-react naman ang TV networks at mga negosyante sa pamamagitan ng pagdistansiya sa naeskandalong personalidad.

At sa halip na makonsensiya, nakakaramdam daw ng sense of vindication ang fans kapag nawalan ng projects at endorsements ang isang naeskandalong celebrity, ayon sa isa pang pop culture critic na si Ha Jae-geun.

Lalo pa't aware ang fans sa impluwensiya nila pagdating sa mga iniidolo.

"When the public voices their opinion and forces TV shows to cancel shows or stars to step down, that in itself gives a sense of satisfaction.

"And this sometimes leads them to become harsher critics,” sinabi ni Jae-geun sa Korea Times.

Ang dinaranas ngayon ni Kim Soo Hyun bilang biktima ng cancel culture ay walang kaibahan sa sinapit ng iba pang celebrities na una nang napagitna sa kontrobersiya at tumanggap ng panghuhusga at pamboboykot mula sa mismong mga taong nagpasikat sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yeng Constantino on cancel culture: "I know how it feels to be scared and to be bashed."

HOT STORIES

KOREAN CELEBRITIES who got CANCELled

KIM SEON HO

Noong 2021 ay naudlot ang pag-alagwa nang husto ng career ng aktor na si Kim Seon Ho nang pumutok ang eskandalo tungkol sa kanyang kontrobersiyal na dating history at ang alegasyong sapilitan niyang ipinalaglag ang anak nila ng kanyang ex-girlfriend.

Noong panahong iyon ay nasa tuktok ng kanyang career si Kim Seon Ho nang makilala siya bilang "Nation's Good Boy" nang gumanap siyang mapagpaubayang mentor sa kanyang karibal sa K-drama na Start-Up.

Lalo pang nabigyang-pansin ang wholesome image ni Seon Ho nang bumida na siya sa Hometown Cha Cha Cha, kunsaan ang karakter niya ay jack of all trades at well-loved ng kasama niya sa komunidad, mapamatanda man o bata.

Dagdag pa rito ang nakakatuwang personality niya sa reality variety show na 2 Days 1 Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Seon Ho in Start-Up
Kim Seon Ho

Sa mga sumubaybay sa isyu, lumabas sa ulat ng Dispatch na totoong ipina-abort ni Kim Seon Ho at ng kanyang ex-girlfriend ang kanilang anak noong 2020.

Pero may mga detalyeng nagpapakita na hinaluan umano ng ex-girlfriend ng mga kasinungalingan ang mga akusasyon niya kay Seon Ho.

Sa isang official statement, kaagad na humingi ng paumanhin ang aktor sa dating nobya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-sorry rin siya sa kanyang fans, sa kanyang mga katrabaho, at sa lahat ng naapektuhan ng eskandalo.

Kasunod nito, tinanggal si Seon Ho sa 2 Days 1 Night, kung saan regular cast member siya sa nakalipas na dalawang taon.

Inalis na rin ang aktor sa dalawang pelikulang pagbibidahan sana niya, ang 2 O'Clock Date at Dog Days.

Mabilis din ang naging reaksiyon ng mga brands na ineendorso ni Seon Ho; pinagtatanggal nila ang kani-kanilang global campaign ads na tinatampukan ng aktor.

Kabilang sa mga brand na ito ang Domino’s Pizza, Canon, Food Bucket, online shopping app na 11Street, skincare brand na La Roche Posay, apparel na Nau, face mask na Miima, at iba pa.

Bagamat tinalikuran ng mga kasamahan sa entertainment industry at libu-libong netizens ang nag-unfollow sa kanya sa Instagram, matapang na ipinaglalaban si Seon Ho ng natitira niyang mga tagasuporta laban sa talamak na cancel culture ng South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang buwan ay napatunayang naging biktima lang din si Kim Seon Ho sa pagsisinungaling ng dating karelasyon.

Ito rin ang naging hudyat ng kanyang pagbabalik sa entertainment scene.

Read: Kim Seon Ho to star in his first movie, ads resume, colleagues give good words despite scandal

SEO YE JI

Abril 2021 nang magkakasunod na sumambulat ang serye ng mga eskandalo laban sa 31-year-old actress na bida sa patok na Netflix K-drama series na It’s Okay To Not Be Okay.

Inakusahan siya ng pambu-bully sa isang kaklase noong bata pa, pagsisinungaling tungkol sa pag-aaral niya sa Spain, pang-aabuso sa kanyang empleyado, at pagkontrol sa career ng ex-boyfriend niyang si Kim Jung Hyun (Crash Landing On You).

Bagamat maganda pa rin ang naging kita sa takilya ng huling pelikula niyang Recalled, agad na pinalitan si Ye Ji sa bagong drama na Island.

Nakansela maging ang endorsement deals ng aktres sa health and beauty brand na Inner Flora, sa mask brand na Aer, sa Korean cosmetic na Luna, at sa sunglasses label na Rieti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Seo Ye Ji

JI SOO

Alegasyong school bullying at sexual harassment naman ang mga ibinatong kontrobersiya laban sa 28-year-old River When the Moon Rises star na si Ji Soo.

Kusa na siyang umalis sa pinagbibidahang serye kahit umeere pa ito.

Bukod dito, iniulat ng Korean entertainment website na Soompi na kinasuhan ng production company ng River When the Moon Rises si Ji Soo at ang talent management agency nito ng 3 billion won (PHP136.6 million) na halaga ng danyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napanood din si Ji Soo sa mga K-drama na My First First Love (2019) at Strong Woman Do Bong Soon (2017).

Sa kasalukuyan ay aktibo si Ji Soo sa Philippine showbiz, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte.

Read: Kim Ji Soo says working with Filipino co-stars is "very fun"

Ji Soo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NAEUN

Pambu-bully din sa classmate noong bata pa at pananakot sa isang kasamahan sa girl group ang dahilan ng pamboboykot ng fans sa 27-year-old singer-actress na si Naeun, na dating miyembro ng Apink.

Umalis siya sa SBS drama series na Taxi Driver at kinailangang i-reshoot ng pumalit sa kanya ang lahat ng eksena niya sa serye.

Naeun

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEOLHYUN NG AOA

Dahil sa kawalan ng paninindigan, kinastigo ng fans ang miyembro ng AOA girl group na si Seolhyun, 26.

Hindi raw kasi nito pinigilan ang pambu-bully umano ng bandmate niyang si Jimin sa kasamahan nilang si Mina.

Bagamat nanatili si Seolhyun sa seryeng Day and Night sa kabila ng apela ng fans na umalis siya sa drama series, hindi na naibalik ng singer-actress ang maganda niyang reputasyon.

Na-bash nang todo ang isang video interview niya sa Vogue hanggang dumating sa puntong inalis na lang ito sa YouTube channel ng magazine firm.

Seolhyun

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YUNHO TVXQ

Sa kabila ng pagiging beteranong K-pop idol at miyembro ng pop duo na TVXQ, hindi pa rin nakaligtas sa pamboboykot ng fans si Yunho, 35.

Inakusahan siya ng pagbisita sa isang ilegal na escort bar at sa pagsuway sa social distancing rules laban sa COVID-19.

Dahil dito, tinanggal na si Yunho sa ad campaigns ng mga ineendorso niyang brands, kabilang ang food manufacturing company na Ottogi at ang food delivery app na Yogiyo.

Yunho

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AHN JAE HYUN

Taong 2019 nang idiborsiyo ni Ahn Jae-hyun, 34, ang Boys Over Flowers actress na si Koo Hye Sun.

Isinapubliko ang masalimuot na divorce proceedings, at kasunod nito, itinigil ang mga endorsements ng aktor sa mga brands na tulad ng Merbliss at Giordano.

Tinanggal din si Ahn Jae Hyun sa variety show na New Journey to the West.

Si Ahn Jae Hyun ay napanood din sa K-drama na The Beauty Inside (2018) at Cinderella With Four Knights (2016).

Ahn Jae Hyun

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CANCEL CULTURE VICTIMS

Gayunman, hindi lahat ng nabibiktima ng cancel culture ng Korea ay nakakabalik pang muli sa industriya ni Kim Seon Ho.

Ang ibang Korean celebrities ay tuluyan nang napariwara, samantalang nauwi naman sa trahedya ang panghuhusga at online shaming para sa iba pa.

KIM SAE RON

Isa sa itinuturing na pinakasikat at pinakamagaling na aktres sa South Korea, nagsimula ang dagok sa buhay at career ni Kim Sae Ron nang maaresto siya dahil sa driving under the influence (DUI) noong 2022.

Pinagmulta siya ng 20 million won o PHP860,480 dahil sa pinsalang idinulot ng insidente.

Matapos nito ay nagsimula nang madiskaril ang showbiz career ng aktres.

Nag-backout siya sa kanyang role sa SBS drama Trolley.

Hindi na-renew ang kanyang kontrata sa kinabibilangang talent management agency, ang Gold Medalist.

Pinatawan din siya ng ban ng major TV network sa South Korea, ang KBS.

Higit pa rito, tumanggap ng katakut-takot na pambabatikos si Kim Sae Ron mula sa publiko, partikular na ang South Korean netizens na kilala sa pagiging marahas sa pagkomento tungkol sa mga celebrity na nasasangkot sa kontrobersiya at kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa matinding depression, nagdesisyon si Kim Sae Ron na tapusin ang sariling buhay noong February 16, 2025.

Read: Kim Sae Ron's cause of death revealed

kim sae ron death
Kim Sae Ron

LEE SUN KYUN

Nabigla ang marami sa balitang natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan ang aktor na si Lee Sun Kyun noong December 27, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ito, inimbestigahan ng mga awtoridad si Lee Sun Kyun dahil sa alegasyong gumagamit siya ng illegal substance

Mariin itong itinanggi ng aktor, na nakilala sa kanyang deep voice at isa sa mga bida sa Oscar 2020 best-picture winner na Parasite.

Sinabi ni Lee Sun Kyun na biktima siya ng extortion ng isang bar waitress na nilinlang siya para gumamit ng drugs kaya hiniling niya sa pulis na isailalim sa lie-detector test ang nag-akusa sa kanya.

Lumilitaw na nagsasabi si Lee ng totoo dahil negatibo ang resulta ng lahat ng mga drug test sa kanya.

Isinapubliko ng news site na Dispatch ang text-message exchange ng bar waitress pati na rin ng accomplice.

Makikita ang plano nilang panghuhuthot ng milyun-milyong won kay Lee.

Ayon sa report, naging drug case suspect ang aktor sa loob ng 71 days, pero naging victim of threats siya sa loob ng 105 days.

Kinokondena ng mga nagmamalasakit kay Lee ang mga pulis sa likod ng mga akusasyon laban sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala silang buhay pa sana ang South Koren actor kung pinagbigyan ng mga pulis ang kahilingan niyang gawing pribado ang imbestigasyon habang hindi pa kumpleto ang mga detalye at wala pang matibay na ebidensiya laban kay Lee.

Read: Korean actor Lee Sun Gyun found dead inside his parked car

lee sun kyun
Lee Sun Kyun
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEUNGRI OF BIGBANG

Kasagsagan ng kalulunsad pa lang na solo singing career ng dating BigBang member na si Seungri, 30, nang masangkot siya noong 2019 sa pinakamalaking sex, drugs, and corruption scandal sa K-pop history—ang Burning Sun Scandal.

January ng taong iyon nang mabunyag na si Seungri ang pasimuno sa pagha-hire ng mga prostitute para makaakit ng investors ang Burning Sun, na isa siya sa board members.

Sa imbestigasyon, natuklasan ang iba pang mga krimeng iniuugnay sa illegal na transaksiyon ni Seungri.

Nadamay rin sa eskandalo ang iba pang K-pop idols na sina Lee Jong Hyun ng CN Blue, Choi Jong Soon ng FT Island, at Yong Junhyung ng Highlight.

Naharap sa patung-patong na kaso si Seungri, na kaagad binitiwan ng mga brand na ineendorso niya.

Makalipas lang ang ilang linggo, opisyal nang nagretiro sa entertainment industry ang dating boy band member.

Agosto 2021 nang masentensiyahan si Seungri ng tatlong taong pagkakakulong sa pagkakasangkot sa transaksiyon ng prostitusyon at sa illicit overseas gambling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Seungri

SULLI

Sa loob ng maraming taon, paulit-ulit na kinuyog ng cyber bullies ang dating f(x) member na si Sulli dahil sa pagkakaroon ng sexy at outspoken image.

Tuloy pa rin ang pambu-bully sa singer kahit pa umamin na siyang dumaranas ng matinding depression dahil dito.

Noong Oktubre 14, 2019, natagpuan siyang patay sa loob ng kanyang bahay sa Seongnam-si.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalaunan, kinumpirma ng pulisya na nagpatiwakal si Sulli, 25.

Sulli

GOO HARA

Tulad ng matalik na kaibigang si Sulli, paborito ring batikusin at insultuhin ng netizens si Goo Hara, na dating miyembro ng girl group na Kara.

Sa halip na bigyan ng simpatiya sa inabot na pang-aabuso sa kamay ng dati niyang nobyo, ginawang katatawanan ng cyber bullies ang sinapit ni Hara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nobyembre 24, 2019 nang nadiskubre ang kanyang bangkay sa loob ng bahay niya sa Seoul matapos siyang magpakamatay sa edad na 28.

Goo Hara

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Soo Hyun (leftmost) is the latest South Korean celebrity to have been victimized by cancel culture after being involved in a scandal. He joins past victims (L-R) Kim Seon Ho, Lee Sun Kyun, and Ji Soo.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results