Pinagtawanan na lamang ni Ai-Ai delas Alas ang pambubuwisit sa kanya ng isa niyang "best friend."
Sa kanilang chat group sa Facebook kahapon, April 3, 2025, binati si Ai-Ai ng "happy anniversary" ng kanyang kaibigan.
Ang tinutukoy na "anniversary" ng kaibigan ni Ai-Ai ay ang petsa ng kasal ni Ai-Ai sa kanyang ex-husband na si Jed Salang sa Las Vegas, Nevada, labindalawang taon na ang nakalilipas — April 3, 2013.

Read: PEP SCOOP: Ai-Ai delas Alas is now Mrs. Jed Salang, according to sources
Sabi ni Ai-Ai sa caption ng kanyang Facebook post (published as is): "Ang aga aga habang may jetlag ako eto ang chat saken ng isa kong bestfriend.. nawala jetlag ko natawa talaga ko....pero 12 years ago hindi sya nakakatawa...pero its true that time heals all wounds.."
Pag-alala pa ni Ai-Ai, ang journey niya sa buhay kasama ang dating asawang si Jed ang "one of the most heartbreaking experiences of my life."
Matapos lamang kasi ang lagpas isang buwan ay naghiwalay agad sina Ai-Ai at Jed.
Dapang-dapa raw siya noon, pero ngayon ay nababalikan na niya ito nang may ngiti.
Dagdag ni Ai-Ai: "12 years ago, these journey was one of the most heartbreaking experiences of my life.
"It was devastating then, but today, I look back with a bittersweet smile.
"Time has turned the pain into laughter, though there's still a little ache in my heart. It's funny how life teaches you to heal, but the scars still carry a story... @gerijc #timeisthebesthealer #lessonsinlife #colorfullife"

Read: Ai-Ai delas Alas on ex-husband Jed Salang after divorce: “Hindi ko siya kayang maging friend pa.”
AI-AI DELAS ALAS AND CARMI MARTIN: SINGLE LADIES
Isa sa mga unang nag-comment sa post ni Ai-Ai ang kaibigan niyang beteranang aktres na si Carmi Martin.
Si Carmi ay nananatiling single hanggang ngayon.
Sabi niya kay Ai-Ai (published as is), "Hanga ako sa iyo Bess love you"
Sagot ni Ai-Ai, "thank you ves may kirot ha hahah"
Dagdag pa ni Ai-Ai, "mukang ma huhulma ako sa lifeatyle mo single but happy"
Tugon naman ni Carmi, "sa totoo lang..... ANG GAAN AT ANG SAYA."

Pagsang-ayon ni Ai-Ai, "actually parang yun nga ang na finfeel ko ngayun hehe"
Payo pa ni Carmi, "time and prayer will heal your pain. Napaka bait mong tao. God bless you Beshie"
Sabi ni Ai-Ai, "bless you beshie .. ingat always see you soon"

Komento naman ng kaibigan ni Ai-Ai na naka-tag sa post niya (published as is): "Nasaan na kaya si Mr. Salang.
"Hanapin ko Kaya. It's time for a reunion. What do you think Eileen? [laughing emojis]"
Sagot ni Ai-Ai, "hahahaha bwisit ayoko na!!!!.! Hahaha"

Read: PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas confirms divorce from Jed Salang finalized
Sa ngayon, patuloy pa ring nagmu-move on si Ai-Ai sa hiwalayan nila ng estranged husband na si Gerald Sibayan.
Read: Ai-Ai now ready to move forward after closing "that chapter"
