PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar clarifies child support agreement with ex-partner

Buboy: "Pinatawag ako sa VAWC...sinabi sa kanila yung katotohanan."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 6, 2025
Buboy Villar clarifies child support agreement with ex-partner Angillyn Gorens
Buboy Villar (left) on co-parenting terms with ex-partner Angillyn Gorens (right): "Binabayaran ko po yung isang taon ng mga anak ko, dalawa po sila...PHP25,000 po plus yung ibang expenses ng mga bata like school bus po. Minsan po may ibang expenses sila sa school, ako rin po iyon lahat ng gastos sa eskuwelahan."
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube/Angillyn Gorens on Facebook

Aminado ang Kapuso actor na si Buboy Villar na nabawasan nga ang sustentong ibinibigay niya sa kanyang dalawang anak sa dating partner na si Angillyn Gorens.

Ang pag-amin ni Buboy ay nangyari makaraang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angillyn noong March 24, 2025, patungkol sa pagsasapubliko ng aktor sa bago niyang partner na si Khrizza Mae "Isay" Sampiano at kanilang bagong-silang na anak.

Read: Buboy Villar introduces girlfriend, baby boy on 27th birthday

Sa nasabing panayam sinabi ni Angillyn na wala namang problema sa kanya na mayroon nang bagong pamilya si Buboy.

Ang tanging problema lang daw niya ay nababawasan na ang oras at sustento ni Buboy sa kanilang dalawang anak—sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5, lalo na ngayong mayroon na itong anak sa ibang babae.

Pahayag ni Angillyn sa PEP.ph: "We don’t have a problem with them having a baby, but we have a problem with the lack of accountability [from] Buboy for my kids after he had his baby with his new partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nabawasan yung sustento. Dati naman okey siya magsustento para sa dalawang anak namin.

"Pero yun nga lang, hindi talaga kasya ang sustentong binibigay niya ngayon gawa ng parehas yung mga anak namin nag-aaral na, at private school.

"And they both have yayas gawa ng sobrang tanda na ng magulang ko, nasa 70s na sila."

Read: Angillyn Gorens speaks up about Buboy Villar's new partner, baby

BUBOY'S CHILD SUPPORT AGREEMENT WITH ANGILlYN

Sa panayam kay Buboy sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes ng hapon, April 4, 2025, isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon sa kanya ni Angillyn, kabilang na rito ang patungkol sa ibinibigay niyang sustento.

Ayon kay Buboy, nang maghiwalay sila ni Angillyn noong 2020 pagkatapos ng apat na taon nilang relasyon ay may pag-uusap na sila sa kung magkanong halaga ang ibibigay ng aktor sa dalawa nilang anak.

Read: Kapatid ni Angillyn Gorens, tinalakan si Buboy Villar at bagong partner nito

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanilang pag-uusap, magbibigay si Buboy ng PHP60,000 tuwing ika-10 at 25 na araw ng kada buwan.

Kung susumahin, sa isang buwan ay nasa PHP120,000 ang dapat na ipadala ni Buboy na sustento.

Noong una ay naibibigay naman daw ito nang buo ng aktor. Hanggang sa humina raw ang kanyang trabaho kung kaya't unti-unti nang nabawasan ang kanyang ipinapadala.

Aniya, "Wala po itong legal. Ito ay napag-usapan namin. Ayun po yung gusto ni Angillyn.

"Hindi po ako perfect diyan sa pagbibigay ng sustento po kasi bilang artista, hindi naman po ako laging may regular, alam din po yan nung ibang katrabaho ko.

"Like sa sahod ko, hindi naman po ako nakakaipon ng ganun kalaki. Like sumahod po ako ng 70 [PHP70,000], 60 [PHP60,000] po dun ang maibibigay ko.

"O kaya sumahod lang po ako ng 30 [PHP30,000], pinapangutang ko po iyon, Tito Boy, para mabuo ko po yung 60 [PHP60,000] na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan po e nagkukulang talaga, kasi talo talaga sa trabaho. Ang naibibigay ko lang talaga [is kung magkano yung mayroon ako]."

Kapag hindi siya nakabuo ng PHP60,000 agad naman daw itong sinasabi ni Buboy sa mga magulang ni Angillyn.

Ang mga ito kasi ang pinapadalhan ni Buboy bilang sila ang nag-aalaga sa dalawa niyang anak, habang si Angillyn naman ay nasa Amerika at nagtatrabaho.

Saad ni Buboy, "[Nagsasabi ako] sabi ko, 'Mom, pagpasensyahan niyo na po ang naipon ko lang po is 45 [PHP45,000]' ganun."

BUBOY FACES VAWC COMPLAINT VS ANGILYN'S CAMP

Kahit na nagigipit, pinipilit daw ni Buboy na makapagbigay ng sustento, hanggang sa panandalian itong mahinto noong inireklamo siya ng Violence Against Women and their Children (VAWC) ng kampo ni Angillyn noong 2024.

Pagbabalik-tanaw ni Buboy: "Nangyari po ito [VAWC] noong nag-aalangan na po ako doon sa sustento.

"Nag-aalangan po ako kasi hindi ko na kaya yung 60k [PHP60,000] or 120k [PHP120,000] monthly [kasi] dumaan po yung pandemic, walang trabaho, plus lumalaylay po yung show namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati po kasi yung nasa [Tahanang Pinakamasaya] pa po kami, ano po kada-10, 25, nakakapagbigay pa po ako, minsan bago pa nga mag-10 at 25 hanggang sa... boom! Hindi po namin inaasahan [nawala sa ere ang Tahanang Pinakamasaya]."

Isa sa regular hosts ng Tahanang Pinakamasaya si Buboy. Ito ang show na itinapat ng GMA-7 sa naglipat-bahay na Eat Bulaga! nung 2023. Nawala naman sa ere ang Tahanang Pinakamasaya nung sumunod na taon.

Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air

Rebelasyon ni Buboy, nung mga panahong ito ay nagde-date na sila ng kasalukuyan niyang partner na si Isay.

Gayumpanan, hindi raw ito ang tunay na rason kung bakit pumalya siya sa pagbibigay ng sustento

Aniya: "Ako po kasi, Tito Boy, hanggang kaya ko, sasabihin ko po na kakayanin ko, gagawan ko po ng paraan.

"Kung ano po yung binitawan ko sa kanilang salita, pilit ko pong gagawin yun para na rin po sa ikabubuti ng mga anak ko, which is dumating nga po tayo sa time na wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Mama [ko] tumatanda na rin, kailangan ko silang suportahan din, kailangan ko pong mas i-manage yung pera ko.

"'Tapos ayun na po, pinatawag ako sa VAWC, hindi ko po alam kung sino nagpatawag, e. Kung si Angillyn ba o yung parents niya? Basta po may nagreklamo.

"Pumunta po sa bahay namin, sabi ko, 'O, sige po pupuntahan ko ito.'

"Hanggang sa nag-meet po kami kinabukasan sa VAWC diyan sa Quezon City.

"[Dito] ko na po sinabi sa kanila yung katotohanan, kung ano po yung kaya ko bilang isang ama.

"Inamin ko po sa kanila kung magkano po yung kinikita ko bilang isang artista at kung ano po yung regular kong trabaho. Kasi hindi naman po pwedeng umasa lang ako sa raket ko, lalo na hindi naman fixed ang rate ng isang artista.

"Yung legal po [nagtanong] sa akin, 'Boy, ano yung hindi labag sa kalooban mo na ibibigay mong sustento sa mga anak mo, yung talagang mapapanindigan mo?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Ma'am, ito po yung sahod ko po sa isang show, ito rin po iyong sahod ko sa isang show. Ayoko rin po mag-isip na si Angillyn kasi wala naman po akong hinihingi na dun sa nanay.

"Wala naman po akong nire-request dun sa nanay. Kung ano po yung kaya ko, Ma'am, ako na po bahala sa eskuwelahan nung mga anak ko.'

"Binabayaran ko po yung isang taon ng mga anak ko, dalawa po sila, Tito Boy."

Sundot na tanong ni Boy, "Magkano ang kinalabasang napagkasunduan niyo?"

Sagot ni Buboy, "PHP25,000 po plus yung ibang expenses ng mga bata like school bus po. Minsan po may ibang expenses sila sa school, ako rin po iyon lahat ng gastos sa eskuwelahan.

"May mga time din po na nagbabayad din naman po yung mom ni Angillyn kasi nga po minsan nagsasabi nga po ako na, 'Mom, pasensya na po inabot po kami ng cut off. Sana next time maibigay na po para maibigay ko na po sa inyo yung bayad.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mga ganyang bagay pinagpapasalamat ko po kasi mayroon po akong katuwang which is yung parents nga po ni Angillyn."

Isa pang nilinaw ni Buboy ay ang reklamo ni Angillyn na hindi niya regular na pagbisita sa kanilang mga anak.

"Napag-usapan din po [sa VAWC] kung kailan ko madadalaw yung mga anak ko. Sinabi ko po na sa trabaho ko po kasi, minsan Monday to Saturday, may mga trabaho yan.

"Kaya mine-make sure ko na kapag Sunday is my family day talaga. Sinusulit ko po yung oras na yan para sa mga anak ko.

"Ayan po yung sinabi ko doon sa VAWC, na ang kaya ko pong ibigay na oras sa mga anak ko e yung Sunday. Ayan po yung pinakamaluwag ko na buong araw.

"Minsan hindi pa nga buong araw kasi may kasunduan doon sa parents ni Angillyn na iuuwi ko na dapat yung mga bata ng 8:00 P.M. kasi may pasok kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gumagawa po ako ng paraan na kahit may trabaho po ako, pumupunta po ako sa school.

"Minsan galing po akong taping, rerekta na po ako sa bahay nila para sunduin yung mga anak ko sa eskuwelahan.

"Kahit hindi po Linggo, pinapaalam ko po kina Mom [nanay ni Angilyn]."

Tanong pa ni Boy, "May linggo ka bang pumalya, natupad mo ba yung pangako mo na may once a week ka sa mga bata?"

Mabilis na sagot ni Buboy, "Opo, ginagawa ko po.

"Minsan nga lang wala sila kasi may lakad sila...sinasabi ko na, 'Sige okey lang po, next time na lang po.' Kasi pumapayag din naman po sila na anytime madalaw ko yung mga bata."

Sa puntong ito ay hindi na napigilang maging emosyunal ni Buboy nang ikuwento niya kung gaano niya nararamdaman sa higpit ng yakap ng kanyang mga anak ang pangungulila ng mga ito sa kanya.

"Kung pwede nga lang na araw-araw kasama ko yung mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sila na nga lang yung lakas ko, yung nagpapatibay sa akin.

"Minsan sa trabaho namin, nakakapagod. Pero kapag tinitignan ko sila, kapag tinitignan ko yung contents ko, nakikita ko yung mga tawa ng anak ko, nakikita ko yung halik ng anak ko, it [touches] my heart.

"Ayun po yung pakiramdam ko na kasama ko sila, kasama ko sila doon sa trabaho."

Buboy Villar clarifies child support agreement with ex-partner Angillyn Gorens
Buboy Villar turns emotional when he mentions his kids with Angillyn Gorens in his interview with Boy Abunda.
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Buboy Villar speaks up about allegations of Angillyn Gorens

Mapangahas na tanong pa ni Boy, "Kulang sa oras, nahihirapan tayo sa pera, ang tanong siguro ng iba na nagmamasid sa atin ngayon sa ating pag-uusap e: 'Bakit ka pa nagkaanak ng isa?'"

Sagot ni Buboy, "Actually, ang hirap po sagutin niyan pero isa lang po alam ko, nagmahalan po kami ni Isay.

"Yung pagmamahalan na iyon, parang sinabi namin sa isa't isa na, 'Kakayanin natin lahat. Nandiyan ka, inaalagaan mo ako, aalagaan kita.'

"Actually, hindi problema yung nagkaanak kami ni Isay, e. Hindi rin po problema yung pera kasi kaya po iyang pagtrabahuhan, Tito Boy."

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag ang kampo ni Angillyn tungkol sa mga naging pahayag ni Buboy sa Fast Talk With Boy Abunda.

Read: Buboy, kinumpirmang may anak na si Angillyn sa bagong karelasyon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar (left) on co-parenting terms with ex-partner Angillyn Gorens (right): "Binabayaran ko po yung isang taon ng mga anak ko, dalawa po sila...PHP25,000 po plus yung ibang expenses ng mga bata like school bus po. Minsan po may ibang expenses sila sa school, ako rin po iyon lahat ng gastos sa eskuwelahan."
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube/Angillyn Gorens on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results