Emosyunal na humarap sa media ang magkakapatid na sina Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth de Leon ngayong Huwebes ng hapon, April 17, 2025, upang magbigay ng pahayag tungkol sa pagkamatay ng kanilang inang si Nora Aunor.
Si Ian ang tanging biological child ni Nora sa ex-husband na si Christopher de Leon.
Adopted kids naman nina Nora at Christopher sina Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko.

Read: Nora Aunor: Fast facts about Philippine cinema's Superstar
Sa nasabing press conference, si Ian ang naging tagapagsalita ng magkakapatid para basahin ang inihanda nilang pahayag.
Read: National Artist Nora Aunor: "a soul of a nation"
Bungad na pahayag ni Ian: "Unang-una po sa lahat, maraming-maraming salamat po sa mga nagmahal, naniwala, at sumuporta sa aming nag-iisang ina.
"Marami siyang natulungan. Marami siyang minahal. Maraming humanga sa kanya dahil sa kakaiba niyang talento.
"Marami siyang nabago ang buhay dahil sa kanyang kabaitan at pagiging totoo, walang kaplastikan, walang kahit anong negative na ipinakita.
"Basta nagmahal siya nang totoo, at ayun ang malakas makahawa, kaya marami ring nagmamahal sa kanya.
"Hindi po natin maiiwasan ang mga pangyayari sa buhay. May mga plano ang Diyos, may magaganda pa siyang plano na kailangan nating maniwala at manampalataya sa Kanya.
"Sa aming pamilya, in behalf of my siblings, my family, my children, and my wife, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.
"Sa mga nandito na at may mga planong pumunta dito at hindi makapunta, basta alam po namin na nandiyan kayo na sumusuporta at nagmamahal sa aming ina."
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
IAN HONORS LATE MOTHER NORA
Kasunod nito ang pagbabasa ni Ian ng inihanda nilang statement, kung saan binalikan ng magkakapatid ang kabutihan ni Nora bilang isang ina, kapatid, kaibigan, at katrabaho noong siya ay nabubuhay pa.
Read: Nora Aunor's kids take to social media to honor their mom
Sinariwa din niya ang kontribusyon ni Nora sa entertainment industry bilang isang premyadong singer at actress.
Read: Vilma, Maricel, Eugene, Zsa Zsa pay homage to Superstar Nora
Saad ni Ian: "May gusto lang po akong basahin sa inyo...Ito po ay galing sa aming puso.
"It is with deepest sorrow that we confirmed the passing of our beloved mother, Nora Aunor, national artist and the greatest actress in the history of Philippine cinema.
"She passed away peacefully last night, April 16, and surrounded by those who love her the most.
"From the very young age, our mom captivated hearts with her talent, grace, and unmatched voice.
"Over the decades, she built a career that shaped the very soul of our culture. Through songs, through screen, and through every role she brought life with brilliance.
"Her contribution to the arts is immeasurable. Her legacy will live on in every performance, every melody, and every person she inspires."
Taus-puso ring nagpasalamat ang magkakapatid sa lahat ng mga nagpaabot ng mensahe at dalangin sa kanilang pamilya sa gitna ng matinding dagok na kanilang kinakaharap ngayon.
Ani Ian: "We are profoundly grateful to everyone who reached out with love, prayers, and condolences.
"Your messages are powerful testament to how deeply she was cherished not just by us, but an entire nation.
"Thank you for honoring her life, her work, and the last thing, mark, she leaves behind,
"With love and heartfelt thanks, from us, her children, her family, and her friends."
Read: Janine Gutierrez mourns death of two lolas, Pilita and Nora
IAN clarifies nora didn't die during operation
Sa nasabing press conference, naitanong din kay Ian kung ang cause of death ng kanyang ina ay may kinalaman sa operasyon.
Ang diretsong sagot ni Ian sa tanong: "She did not.
"She was being operated on, and after that, she had a hard time breathing, and eventually all things went downhill from there, and that's why they had to do another procedure after that."
Hindi binanggit ni Ian kung ano ang eksaktong cause of death ng ina.
Read: Urban Legends Part 3: Nora Aunor, the Superstar Phenomenon
Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang trusted source na April 10 nung ma-confine sa ospital si Nora.
May hiwalay ding ulat ang PEP Troika na noong Martes Santo, April 16, sumailalim si Nora sa angioplasty, na ayon sa medical website na nhs.uk, ay isang medical procedure kunsaan binubuksan ang baradong coronary arteries o ang main blood vessels na nagsu-supply ng dugo sa puso.
Walang sinabi sa PEP Troika report na ito ang cause of death ni Nora.
Sa pagsasaliksik pa ng PEP, napag-alamang si Nora ay mayroon ding Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), na siyang naging karamdaman ng namayapang Comedy King na si Dolphy.
Ang COPD, ayon sa World Health Organization o WHO website, ay "common lung disease" na nagreresulta sa hirap sa paghinga.
Binanggit din ng WHO na maaaring magdulot ito ng ibang kumplikasyon tulad ng "lung infection, heart problem, weak muscles, and brittle bones."
Hindi pa malinaw kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay ni Nora at kung ano exactly ang nakasaad sa kanyang medical report.
Ang iniulat ng PEP ay nasa paligid ni Nora ang mga anak sa mismong oras na binawian siya ng buhay.
Sina Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth ay naroon. Si Kiko lamang, na nasa Bicol pa, ang wala sa tabi ng ina.
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
Ian de Leon on What It Was Like Having Nora Aunor as a MOM
Sa huli, emosyunal na sinabi ni Ian na nawala man ang kanilang ina, maiiwan ang maraming alaala at aral na itinuro nito sa kanila.
Pahayag niya, "Yung mga naiwan niya sa aming alaala, aral ay hindi mamamatay iyon. Habambuhay naming dadalhin iyon.
"Yung mga aral na ibinigay niya sa amin ay makakarating sa mga anak namin, mga apo namin.
"Yung mga aral na iyon ay walang iba kundi ang maniwala sa Panginoon. Lumapit lang sa Kanya kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay. Kailangan lang nating maging matatag para sa mga mahal natin sa buhay."
Read: National Artist Nora Aunor, inaasahang gagawaran ng state funeral
Bukod sa pagiging malapit sa Diyos, isang katangian ni Nora ang hindi raw makakalimutan nina Ian.
Ito ay ang pagiging matatag sa kabila ng mga hamon ng buhay na kinaharap niya.
Saad ng pinakamatandang anak ni Nora: "Marami kaming pinagdaanan, ngunit naging matatag kami, dahil nakita naming naging matatag siya hindi lang sa sarili niya, kundi para sa amin.
"Kaya naman sa mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya, nagmamalasakit at nakakaintindi sa amin, maraming-maraming salamat po mula sa puso ko at sa mga kapatid ko.
"Nakita namin yung buhay niya, nakita nating lahat kung paano siya namuhay sa harapan ng masa, ng media, ng entertainment industry.
"Nakita rin namin kung paano siya namuhay sa amin, sa pamilya niya, sa personal."
Dagdag pa ni Ian, "Marami kaming natutunan, kaya kami napakasuwerte, napaka-blessed namin kasi nagkaroon kami ng Nora Aunor, Nora Cabaltera Villamayor, bilang isang ina."
Read: Urban Legends Part 2: Nora Aunor's Lucky 12 & Operation: Kumbento
