Labis ang pagdadalamhati ngayon ni Dominique Cojuangco sa pagpanaw ng kapatid niya sa ama na si Patricia Cojuangco Kierulf.
Si Dominique ang nag-iisang anak ng former actress na si Gretchen Barretto at ng negosyanteng si Tonyboy Cojuangco.
Habang si Patricia naman ay anak ni Tonyboy sa dati nitong asawa na si Bingbing Gonzalez.
Sa Instagram nitong Lunes, April 21, 2025, ipinost ni Dominique ang mga litrato nila ni Patricia.
Merong kuha mula sa kanyang kasal noong March 2023 kay Michael Hearn. Merong kuha kasama ang kanyang ina na si Gretchen. Meron ding childhood photos nila ni Patricia.
Read:
- Dominique Cojuangco now married to Michael Hearn
- Get to know Michael Hearn, husband of Dominique Cojuangco
- Dominique Cojuangco's Dreamy Wedding Gown
Ani Dominique, mapalad siya na nagkaroon ng ate na kagaya ni Patricia.

Kaya naman, ngayong wala na ito, labis-labis daw ang kanyang kalungkutan.
Mababasa sa caption ng post ni Dominique, "How blessed am I to have been able to call you my sister in this lifetime?
"My heart is shattered. I’ll love you forever."
PATRICIA'S DEATH
Walang binanggit na dahilan si Dominique kung ano ang ikinamatay ng kanyang ate.
Read: Dominique Cojuangco thanks a lady who recognized her as "parang yung anak ni Gretchen"
Ngunit ayon sa ulat ng ABS-CBN News, noong April 19, sumakabilang buhay si Patricia sa edad na 47.
Read: Gretchen asks Tonyboy: "Paano pag hindi na ako maganda?"
