Kinastigo ni Trina Rey ang isang basher na nagbitiw ng di magandang salita tungkol sa ina ni Klarisse de Guzman.
Si Klarisse ay housemate sa reality franchise show na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, habang si Trina ay partner ni Klarisse.
Nitong Martes, April 22, 2025, isang concerned fan ni Klarisse ang nakapag-screenshot ng below-the-belt comment ng basher sa YouTube livestream ng ABS-CBN habang umeere ang PBB.
Read: Klarisse's partner appeals for more support for PBB housemate
BACK STORY ON KLARISSE DE GUZMAN AND DUSTIN YU'S CONFLICT
Sa nasabing episode ng PBB, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ni Klarisse at kapwa housemate na si Dustin Yu.
Nangyari ito sa gitna ng kanilang weekly task kunsaan bawal magsalita.
Nag-ugat ang misunderstanding ng dalawa matapos magpaalala si Big Brother sa natitirang oras na mayroon sila para sa kanilang weekly task.
Bilang si Klarisse ang naatasang task leader, nag-strategize siyang paghiwa-hiwalayin ang mga madalas na magkakasama para iwas-kuwentuhan.
May puntong pinagsabihan ni Klarisse si Bianca de Vera, na malapit kay Dustin.
Read: Bianca De Vera, Mika Salamanca get immunity from 2nd nomination
Sinabihan ni Klarisse si Bianca na pansamantalang maglayo sila ni Dustin upang maiwasang makagawa ng ingay, lalo na't masyado na raw silang komportable sa isa’t isa.
Sumingit si Dustin sa usapan.
Kinontra ni Dustin ang suhestiyon ni Klarisse, at dito na sila nagsimulang magkasagutan.

Umabot sa puntong nagbanta si Klarisse na siya ay magbo-voluntary exit dahil hindi na raw niya maatim pa ang makipag-plastikan sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Read: Charlie Fleming, Kira Balinger evicted from PBB Celebrity Collab
Dahil sa tensyon ng dalawa, marami sa live streaming viewers ang hati ang reaksiyon.
Read: AC Bonifacio and Ashley Ortega reenact PBB eviction meme
basher's below-the-belt COMMENT ABOUT KLARISSE's mom
Kabilang sa mga hindi kumampi kay Klarisse ang isang basher na nagkomento na hindi na kailangang mag-voluntary exit ni Klarisse.
Malapit-lapit na rin naman daw lumabas si Klarisse ng PBB house.
Dinawit din ng basher ang mga magulang ni Klarisse.
Sabi ng netizen sa comments section ng PBB livestream (published as is): "wag ka mag alala klang lapit ka na lumabas susunod na mama mo sa papa mo."
Taong 2023 nang pumanaw ang ama ni Klarisse dahil sa kumplikasyon sa sakit nitong diabetes.
Gaya ng kanyang ama, diabetes din ang sakit ngayon ng ina ni Klarisse na si Esnobie de Guzman.
TRINA REY CLAPS BACK AT NETIZEN
Nakarating kay Trina ang pamba-bash kay Klarisse at sa ina nito.
Sa Facebook nitong Martes, April 22, shinare ni Trina ang screenshot ng comment ng basher.
Ayon kay Trina, hindi tamang idamay ang mga walang kamalay-malay na magulang ni Klarisse kung hindi man pabor ang basher sa inasal ni Klarisse sa PBB house.
Read: Klarisse de Guzman comes out as bisexual
Pagtatanggol ni Trina sa partner niyang si Klarisse (published as is): "You don’t have any idea what we’ve been through and what we’re going through.
"And now you’re messaging me saying sorry, na magulo lang mind mo, and you felt attacked last night?
"Well, Kami, we’re in the right state of mind. Sana before ka nagcomment ng ganyan inisip mo ng 10 times yan. GOSH
"Hindi ako pumapatol sa mga comment ng mga butthurt dyan kasi ang babaw and I even posted last night to still spread kindness, kahit ang sakit for us na makita na ganun situation ni Klang, pero this time [basher's name] YOU CROSSED THE LINE. WALA KANG KARAPATAN IDAMAY SI TITO AT TITA!"
Read: Klarisse de Guzman's mother, partner react to singer coming out
Sa hiwalay na post, sinabi ni Trina na humingi ng paumanhin sa kanya ang basher.
Pero wala raw magagawa si Trina kung kinukuyog ang basher ngayon ng fans ni Klarisse.
Sabi ni Trina: "Not sorry if you’re getting bashed and other peeps who are doing very bad things to other people.
"I want to be kind but that is no longer a trend to have bad habits like others.
"This time I didn't forget that my attitude is also bad when aggravated by the people I love. Not them Honey. Get what you deserve!"
