Ligtas sa pangalawang nominasyon para ma-evict sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang magka-duo na sina Bianca De Vera at Mika Salamanca.
Ito'y matapos nilang manguna at magwagi sa task bago ang second nomination, dahilan para sila ang makakuha ng immunity.
Read: Benedict Cua expresses support for best friend Mika Salamanca
Malaking bagay ang immunity sa housemates dahil ito ang magliligtas sa kanila sa nominasyon.
Kaya naman ganoon na lamang ang saya at pasasalamat ng mag-duo na sina Bianca at Mika na sila ang nakakuha nito.
Read: Pinay vlogger Mika Salamanca apprehended in Hawaii for violating quarantine rules
Lalo pa't silang dalawa ang may pinakamababang ranking sa mga housemate na hindi umano nagpapakatotoo sa naganap nilang task noong April 4, 2025.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates
PBB COLLAB EDITION: SECOND NOMINEES FOR EVICTION
Kasabay ng pagkakakuha nina Bianca at Mika ng immunity ngayong Linggo, April 6, ay naganap din ang ikalawang nominasyon.
Sa anim na duo, tatlo rito ang nalagay sa listahan ng nominado.
Ito ang duo nina Charlie Fleming at Kira Balinger a.k.a ChaKira; Michael Sager at River Joseph a.k.a MicVer; at Ralph de Leon at AZ Martinez a.k.a RAZ.

Habang ligtas naman ang magka-duo na sina Brent Manalo at Dustin Yu a.k.a BreTin; Esnyr Ranollo at Josh Ford a.k.a JoshNyr; Will Ashley at Klarisse de Guzman a.k.a WiKla; at ang bagong pasok na mag-duo na sina Emilio Daez at Vince Maristela a.k.a ViLio.
Read: Klarisse de Guzman comes out as bisexual
Sa susunod na linggo na malalaman kung sino ang susunod na lalabas ng Bahay Ni Kuya sa tatlong duo na nominado.
Ito'y makaraang ma-evict sa PBB house ang mag-duo na sina AC Bonifacio at Ashley Ortega.
Read more:
