PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz reacts to plunder charges

Angelika: "...baka sa susunod nyan ipapatay nyo ako ah."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 29, 2025
Is this Angelika dela Cruz's response to her plunder charge?
Actress-politician Angelika dela Cruz expresses fear for her life after being charged with plunder and administrative cases before the Ombudsman.
PHOTO/S: Angelika dela Cruz on Facebook

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman ang aktres at barangay captain ng Barangay Longos, Malabon City na si Angelika dela Cruz.

Kasalukuyang kumakandidato si Angelika sa bilang bise-alkalde ng Malabon.

Read: Angelika dela Cruz at Bobet Vidanes, tatakbong vice-mayor sa 2025

Angelika Dela Cruz faces plunder, malversation OF FUNDS CHARGES

Kasong plunder o pandarambong ng halagang hindi bababa sa PHP70 million mula sa kaban ng Barangay Longos ang isinampang kaso kay Angelika.

Hiwalay pa rito ang 62 counts of malversation of public funds o paglabag sa Article 217 of the Revised Penal Code; 18 counts of failure to render accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code; illegal use of public funds o paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code; at 64 counts ng anti-graft and corrupt practices act o paglabag sa R.A.3019 dahil sa mga hindi maipaliwanang na mga paggastos, nawawalang kagamitan, at pondo ng barangay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelika dela Cruz denies rumored pregnancy of sister Mika

Ilang reklamong administratibo rin ang inihinain kay Angelika.

Kaugnay umano ito ng pagpapabaya niya sa tungkulin bilang kapitana ng Barangay Longos, madalas na pagliban nang walang official leave, at hindi awtorisadong pagpasa ng kanyang mga tungkulin sa kapatid—ang barangay kagawad na si Erick dela Cruz.

Read: Angelika dela Cruz sends kids to Batangas

Maliban kay Angelika, dawit din sa kaso ang kanyang barangay treasurer at kapatid na si Erick.

Ang nagsilbing barangay treasurer ni Angelika ay sinampahan ng reklamong failure to render accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code at illegal use of public.

Habang ang kapatid naman niyang kagawad na si Erick ay sinampahan ng reklamong grave misconduct.

Angelika SHRUGS OFF plunder charge

Matapos lumabas ang balita tungkol sa patung-patong na reklamo kay Angelika, nag-post ang aktres sa kanyang Facebook nitong Lunes, April 28, 2025, para pasaringan ang mga naghabla sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Angelika, bagamat alam niyang parte na ng sistema sa pulitika ang siraan at pagkakaso ay hindi pa rin nawawala ang pangamba niya sa kanyang buhay at kaligtasan.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila

"haayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ako ah."

Is this Angelika dela Cruz response to her plunder charge?
Photo/s: Screengrab Angelika dela Cruz on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Angelika dela Cruz receives death threat and four bullets

Nagpadala ng direct message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelika via Instagram para hingin ang opisyal niyang pahayag hinggil sa mga reklamo laban sa kanya.

Kaagad naming ilalathala ang kanyang tugon kapag natanggap na namin ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-politician Angelika dela Cruz expresses fear for her life after being charged with plunder and administrative cases before the Ombudsman.
PHOTO/S: Angelika dela Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results