Gusto nang manahimik at mag-move on ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara mula sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng basketball player na si Kobe Paras.
Ito ang laman ng maikling statement ng Sparkle GMA Artist Center na inilabas Martes ng gabi, April 29, 2025, makaraang magsalita ni Jackie Forster, ina ni Kobe, tungkol sa hiwalayan ng dalawa.
Ang Sparkle ang talent management arm ng GMA Network Inc. na namamahala sa showbiz career ni Kyline.
Read: Kyline Alcantara, iniyakan ang video ni Jackie Forster
Sa statement ng Sparkle, wala itong sinagot ni isa sa mga binitawang paratang ni Jackie laban kay Kyline nang ipagtanggol ng ina si Kobe sa kaliwa't kanang batikos dito mula nang magkahiwalay sila ng Kapuso actress.
Ang tanging sinabi ng Sparkle ay walang ibang gusto ngayon si Kyline kundi mag-move on, manahimik, at irespeto ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay sa kabila ng pinagdaraanan.
Mababasa sa pahayag ng Sparkle (published as is): "Kyline would like to move on with this issue.
"She has chosen to keep her peace and maintain the respect for the people who have been part of her life.
"She hopes we can all move on and put this issue to rest."

timeline of kobe-kyline breakup, according to jackie
Noong Linggo ng gabi, April 27, nag-post ng halos 15-minute video sa YouTube si Jackie upang ihayag na walang cheating na naganap sa relasyon nina Kobe at Kyline.
Taliwas ito sa paniniwala ng ilan na nagloko si Kobe habang sila pa ni Kyline.
Read: Kobe Paras at Kyline Alcantara, 1st week ng April pa naghiwalay
Ayon kay Jackie, matagal nang hiwalay ang dalawa, bago pa lumabas ang mga litrato ng kanyang anak na may kasamang ibang babae.
Read: Netizens ask: Is this Kobe Paras with a non-showbiz girl?
Sabi pa ng dating aktres, ang Sparkle ang ayaw mabunyag ng hiwalayan nina Kyline at Kobe dahil sa endorsement deals.
Read: Kyline Alcantara and Kobe Paras redefine couple fashion

Sa nasabing video, idinetalye rin ni Jackie ang mga pangyayari sa relasyon nina Kobe at Kyline na humantong sa hiwalayan.
Pagbubunyag niya, nakakita ng "red flag" si Kobe kay Kyline simula pa ng 2025.
Sa mga sumunod na buwan, nakitaan din daw ni Kobe ng red flag ang mga magulang ni Kyline nang makitira ang binata sa bahay ng dating nobya.
Ani Jackie: "For the next few months, Kobe had a few more encounters with Kyline's parents that really put him off, and like any other relationship, he wanted to try to get past it."
Read: Kobe Paras unfollows Kyline Alcantara on Instagram
Matapos makipag-break, nagdesisyon si Kobe na lisanin na ang bahay nina Kyline.
Dito na raw kinontak ni Kyline si Jackie at iba pang kaanak ni Kobe para ihayag ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.
Ang claim ni Jackie, hanggang noong Easter Sunday ay nagmamakaawa pa si Kyline na pakiusapan si Kobe bumalik sa bahay ng aktres para sana magkaayos sila.
Bilang response, pinayuhan daw ni Jackie si Kyline ng maaaring gawin para hindi lumala ang sitwasyon.
Kasama raw rito ang hindi sana pag-delete ng mga larawan sa social media at hindi pag-unfollow sa isa't isa.
Sinabihan din ni Jackie si Kyline na kakausapin niya si Kobe para malaman kung kaya pang i-save ang relasyon nito kay Kyline.
"But then Kyline went on to not only do some of those things," pahayag ni Jackie, "she also thought it would be a smart idea to post a video of her singing some sentimental song, only adding fuel to the flames.”
Matapos ng ilang beses pang pakikipag-usap ni Jackie kay Kyline, bigla raw nagbago ang pag-uugali ng dalaga.
Saad ng ina ni Kobe: “She became condescending, bastos, and makes a promise to do what she needs to save her career. Then she posts a cryptic message and again her parents post one, too.
"This is when I told myself I need to believe what I was seeing. I need to stop denying."
Sa huli, naging conclusion ni Jackie: “It really showed that Kyline will do what Kyline wants to do to get what Kyline wants."
Dumagdag pa sa sitwasyon ang umano'y pagpaparinig ng pamilya ni Kyline sa social media na naging daan para mas batikusin pa si Kobe.
Dito na raw napilitang mag-post si Jackie sa sariling social media account, na agad namang pinik-up ng iba't ibang media sites.
Read: Jackie Forster posts cryptic borrowed quotes about "manipulation"
Sa hindi inaasahan, nakatanggap daw ng mensahe si Jackie mula sa talent management ni Kyline.
Aniya: “Suddenly, I get a message from someone from Sparkle Talent basically trying to make me feel bad for my post and excusing what she [Kyline] and her parents are doing."
Pagpapatuloy ni Jackie, "Ceasefire daw. Ceasefire? I didn't know we were at war.”
PHYSICAL ASSAULT AND MONEY ISSUE
Mapangahas din ang ilang binitawan ni Jackie laban kay Kyline at sa pamilya nito.
Walang alinlangang inakusahan ni Jackie si Kyline ng physical assault.
Sinabi nitong sinaktan ng aktres si Kobe nang minsang hindi iniabot ng binata ang kanyang cellphone sa aktres.
Kuwento ni Jackie: “Kyline, he gave you his password to his cellphone. You had it. You always checked his phone. He allowed you to.
“This last time, he was already distant, you were grabbing his phone, and you physically assaulted him, and in a manner that was provoking.”
Hindi maliit na bagay para Jackie ang sinasabi nitong ginawa ni Kyline kay Kobe.
“Why? Why would you do that? Why would you put Kobe in that position?
"Why do you need to be violent?
"I don't think I've ever spanked him as a mother, so to me, it's just very distressing.”
Pinasaringan din ni Jackie ang ama ni Kyline na si Butch Alcantara. May sinabi raw si Butch na trinato nito si Kobe na parang sariling anak.
Buwelta ni Jackie rito: “How am I supposed to feel about those words? You treated Kobe like your son?
"If, according to a handful of people, you aren't exactly a good husband to your wife behind closed doors?
"When I heard that most recently, I started to understand the pattern now.
"What she did to Kobe, it's learned behavior."
Hindi rin pinalampas ni Jackie ang isang akusasyon ng kampo ni Kyline: na ginamit lang ni Kobe si Kyline nang makitira ito nang libre sa bahay ng aktres.
Binira rin ni Jackie ang isa pang akusasyon: na ginamit ni Kobe ang sasakyan ni Kyline para makipagkita sa ibang babae.
Si Jackie sa kanyang video: “Kapal daw ng mukha, gamit pa ang sasakyan niya.
"First of all, pinahiram mo yung car, because his car was getting repaired. He didn't use it to cheat because he didn't cheat.
"And to be honest with you, Kobe doesn't mind taking Grab or Uber because that's the kind of person he is. Hindi siya maarte.”
Read: Kyline Alcantara’s camp reacts to Jackie Forster’s claims
JACKIE FORSTER'S CLAIMS FALSE, ACCORDING TO KYLINE'S CAMP
Hindi nagtagal, rumesbak ang kampo ni Kyline para itanggi ang mga akusasyon ni Jackie kay Kyline.
Sa pamamagitan ng magkakasunod na Instagram Stories noong April 28, nag-post sa social media si Zamantha Rose, ang girlfriend ng kapatid ni Kyline.
Ayon kay Zamantha, hindi niya maintindihan kung bakit may mga sinasabi si Jackie tungkol kay Kyline na malayo raw sa katotohanan.
Kapansin-pansin namang malaki ang pagkakaiba ng statement ni Zamantha sa statement ni Jackie.
Detalyado ang claims ni Jackie, habang generalizions ang isinasagot ni Zamantha.
Hindi maintindihan, halimbawa, kung bakit tinawag ni Zamantha na "untrue" at "deeply misleading" ang mga binigkas ni Jackie, dahil walang paglilinaw na ikinabit ito sa mga binitiwang salita.
At dahil wala ring context ang ipinasok ni Zamantha na "mental health" umano ni Kobe, lalong nakadagdag ng kalituhan sa word war ng dalawa.
Mababasang post ni Zamantha (published as is): "As a mother, I respect your instinct to protect your family.
"However, having lived with Kyline and Kobe, I saw the situation up close, and I can confidently say much of what has been said is untrue and deeply misleading.
"Kobe confided in me before he left, and I listened with empathy because mental health is important.
"His feelings are valid but so is the truth. The narrative being pushed twists facts and unfairly attacks Kyline's character."
Inalmahan din ni Zamantha ang aniya'y pagbibigay malisya ni Jackie sa posts ng pamilya ni Kyline sa social media.
Ayon kay Zamantha, hindi pinasaringan ng mga magulang ni Kyline si Kobe sa mga post nila online, kaya't hindi raw nila maintindihan kung bakit pati relatable quotes na pinost ng ina ng aktres tungkol sa Diyos at sa pagiging positibo sa buhay sa ginawang big deal ni Jackie.
Lalo na raw at sa mga unang buwan ng taong ito nag-post ang magulang ni Kyline, noong panahong wala daw namang problema sina Kyline at Kobe.
Kinontra naman ito ng nauna nang video ni Jackie, nang sabihin nitong Enero pa lang ng taong ito ay may "red flag" nang namataan ang anak na si Kobe at nakakita ito ng ilan pang "red flag" sa mga sumunod na buwan.
Hanggang sa tuluyang nang umalis si Kobe sa pamamahay ni Kyline. Hudyat daw iyon, sabi ni Jackie, na "He's had enough."
Read: Jackie Forster tells netizens: “Sila nga nag-umpisa."
Isa pang inalmahan ni Zamantha ay ang pahayag ni Jackie tungkol sa ama ni Kyline na si Butch Alcantara.
Hindi napabulaanan ni Zamantha ang sinabi ni Jackie. Sa halip, ang isinagot nito kay Jackie ay wala raw itong karapatang balikan ang nakaraang mga problema ng pamilya ni Kyline.
Ipinagtanggol din ni Zamantha si Kyline sa akusasyon ni Jackie na "manipulative or abusive" ang dalaga sa relasyon nila ni Kobe.
Diin ni Zamantha, hindi ganoong klaseng tao ang aktres.
Aniya, "Kyline is not, and has never been, manipulative or abusive. She has been nothing but supportive toward Kobe.
"To publicly damage her reputation with false claims, especially when she has done nothing to deserve it, is deeply wrong."

IS THIS REALLY THE END?
Sa kabila ng pahayag ng kani-kanilang kampo, nananatiling tikom ang bibig nina Kyline at Kobe tungkol sa kanilang hiwalayan.
Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon ng netizens sa katotohanan ng breakup ng dalawa.
Tila naiwan sa ere ang mga sumusubaybay sa kuwentong ito na binuksan sa publiko ng mismong ang mga malalapit din kina Kyline at Kobe.
Kaya't inaasahang hindi rito matatapos ang pag-uusisa at pag-aabang ng netizens sa isang kuwentong wala pang ending.
Read: Kyline Alcantara’s camp reacts to Jackie Forster’s claims
