Hindi napigilang maging emosyunal ni Jackie Lou Blanco nang alalahanin ang namayapang aktor na si Ricky Davao sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin 'To.
Si Jackie Lou ang estranged wife ni Ricky.
May tatlo silang anak—sina Kenneth, Rikki Mae, at Ara Davao.
Pumanaw si Ricky dahil sa cancer noong May 1, 2025. Siya ay 63.
Read: Ricky Davao dies at 63

Read: Anak ni Ricky Davao may pakiusap sa mga dumalaw sa ama sa ospital
Sa ASAP nitong Linggo, May 4, 2025, sa pangunguna nina Gary Valenciano at Jackie Lou, ay nagbigay-pugay sila kay Ricky.
Saad ni Gary sa mga manoood: "I know you’re all watching this and some of you might feel na ang bigat-bigat naman nito.
"But you will see rin in ASAP, it’s not just about entertainment, it’s about not paying tribute, but really showing love to the people who have impacted our lives.
"Nitong Biyernes, isa pa sa ating kasamahan sa industriya ang namaalam, ang award-winning actor and director na si Ricky Davao.
"Now, kasama ko ngayon ang isang taong naging bahagi ng buhay niya, Jackie Lou ulit, just like Tita Pilita."
Ang tinutukoy na "Tita Pilita" ni Gary ay ang Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales, ina ni Jackie Lou.
Read: Pilita Corrales last moments, inalala nina Jackie Lou at Monching
Sumakabilang buhay si Pilita sa edad na 87 noong April 12.
Read: Ang trait na namana ni Ara Davao kay Mamita Pilita Corrales
JACKIE LOU DESCRIBES RICKY AS "very masAyahin at mahilig kumanta"
Makaraang ihatid sa huling hantungan ang kanyang inang si Pilita, muling nagluluksa si Jackie Lou dahil sa pagpanaw ni Ricky.
Ganunpaman, babaunin daw ni Jackie at iba pang nagmamahal sa aktor ang masasayang alaala nito.
Read: Ricky Davao, pumanaw kapiling ang kanyang pamilya
Bilang malapit kay Jackie Lou, tinanong siya ni Gary kung anong klaseng tao si Ricky.
Paglalarawan ni Jackie Lou, masayahing tao si Ricky. Napakabuti rin daw nitong ama sa kanilang mga anak.
Bagamat nagkahiwalay sila, hindi raw ito naging hadlang upang gampanan ni Ricky ang tungkulin bilang ama sa kanilang mga anak.
Maging sila raw ay nanatiling magkaibigan, bagay na ipinagpapasalamat ng aktres.
Pagbabalik-tanaw ni Jackie Lou: "Si Ricky very masayahin, mahilig kumanta. Ang biro nga namin ng mga anak ko, e, parang mayor, e.
"Kasi talagang he had such good energy. Laging tumatawa, laging nagpapatawa.
"You know, even if Ricky and I were separated for years, we got to a point na naging maayos kami.
"We were able to celebrate all our children's birthdays together, we have trips together.
"We may not have ended up together, but we co-parented, and we had so much love for each other bilang naging magkasama kami at sa mga anak namin."
Kasunod nito, hinandugan ng makabagbag-damdaming awitin nina Zsa Zsa Padilla, Lyka Estrella, at Carmelle Collado si Ricky na labis na nagpaiyak kay Jackie Lou.

Read: Zsa Zsa Padilla, Mark Meily pay tribute to Ricky Davao
JACKIE LOU-RICKY RELATIONSHIP
Taong 1989 nang magpakasal sina Jackie Lou at Ricky.
2011 nang sila ay magdesisyong maghiwalay matapos ang 22 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Sa isang panayam ni Jackie Lou sa Fast Talk with Boy Abunda noong June 9, 2023, naibahagi niya ang panghihinayang sa pagkakahiwalay nila ni Ricky.
Saad noon ng aktres: "Kung meron akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky— kung mababago ko siya.
"Only because I can see how affected my children were. Although they are very understanding, pero you know they have been affected in many ways.
"So, sana hindi na lang para hindi sila naapektuhan in those ways."
Read: Jackie Lou Blanco's Daughter's Gay Revelation
RICKY'S NEWFOUND LOVE
Bago pumanaw ay masaya si Ricky sa nakarelasyon nito ng mahigit tatlong taon na si Mayeth Malca Darroca.
Pinaniniwalaang sina Ricky at Mayeth ay naging magkasintahan noong 2022.

Base sa impormasyong nakalagay sa IMdb, si Mayeth ay isang television producer.
Kabilang sa naka-credit sa kanyang proyekto ay ang mga mini-series na Titser at Bayan Ko, na parehong ipinalabas sa GMA Network.
Read: Ricky Davao’s girlfriend pens heartfelt message for late actor
Habang si Jackie Lou naman ay nananatiling single ngayon.
