Hindi natuloy ang church wedding nina Jomari Yllana at Abby Viduya sa Pilipinas na nakatakda sana noong 2024.
Ito ay kasunod sana ng civil wedding nila sa A Little White Chapel sa Las Vegas, Nevada, noong November 5, 2023.

Read: Abby Viduya weds Jomari Yllana in Las Vegas, Nevada
Paliwanag ni Jomari, namatay ang ina ni Abby noong nakaraang taon kaya ipinagpaliban muna nila ang kanilang kasal.
Naniniwala raw kasi sila sa konsepto ng "sukob."
Aniya, "Kasi nagsukob, yung mommy niya passed away."
Sundot na tanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), "Sukob bang matatawag yun?"
Tugon ni Jomari: "Sukob daw, e.
"According to them, to her family, sukob daw, e.
"The mom passed away in the same... Oo, sukob.
"Paano kang magwe-wedding kung namatay haligi ng pamilya?
"So, namatay. Urong. And then pag-urong, ito na, election na."
Patapos na ang termino ni Jomari bilang konsehal sa Parañaque, habang si Abby ang tumatakbo ngayon sa parehong posisyon.
Kailan nila balak ituloy ang pagpapakasal sa Pilipinas?
Sabi ni Jomari, "Kasi may babang-luksa na, babang-luksa after a year.
"I think it's nice to have an election, a wedding, sometime after."
Nakausap ng PEP si Jomari sa presscon ng Motorsport Carnivale 2025 sa Okada Manila, Parañaque City, noong Martes, April 29, 2025.
Ang racing event na ito, na sanib-puwersang ihahatid ng Okada Manila at Yllana Racing ni Jomari, ay nagsimula kahapon, Linggo, May 4, 2025.
May mga kasunod pa itong activity gaya ng tarmac challenge sa Lubang, Mindoro sa June.
Sa May 31, ilulunsad ang Jom's Cup, isang 1/8-mile drag racing event na gaganapin sa Okada Manila's Boardwalk and Gardens.
Sa June 21 at 22, magkakaroon naman sila ng motorsport race sa gabi.
JOMARI YLLANA: THE WEDDING PROPOSAL AND THEIR LOVE STORY
Noong August 20, 2023, masayang ibinalita ni Abby na nag-propose sa kanya si Jomari sa The Peak sa Hong Kong.
Read: Why did Jomari Yllana propose to Abby Viduya in Hong Kong even after wedding plans, pamamanhikan?
Bago iyon, noong February 26, 2023, namanhikan si Jomari sa bahay nina Abby sa Parañaque.
Read: Jomari Yllana asks for Abby Viduya's hand in marriage through pamamanhikan
Ilang beses na ring naikuwento pareho nina Abby at Jomari ang kanilang love story—kung paano naudlot ito at pareho silang nagkaroon ng iba’t ibang karelasyon hanggang sa magkatagpong muli.
Kaya masaya raw sila na mapatunayang "wagas" ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
Ani Abby, "Ano naman, the feeling that we know that it’s forever. It’s the best.
"Like, alam mo yung feeling na you’re home? You’re with the one that you’re meant to be with? Ganun, e."
