Tapos nang bumoto ang Kapuso actor na si Khalil Ramos para sa national election ngayong Lunes, May 12, 2025.
Pero may paghihinayang si Khalil dahil ang ibinoto raw niyang partylist ay hindi nabilang dahil sa "overvoting."
Read: Celebrities cast votes for 2025 elections
Sa Instagram Stories ng aktor, ibinahagi niya ang kanyang naging pagkakamali nang mapasobra ang diin ng pagse-shade niya sa kanyang unahang balota.
Nasa unang pahina ng bolota ang choices para sa mga senador, gobernador, bise-gobernador, board member, mayor, vice-mayor, at konsehal.
Ang likod na pahina ay okupado ng pagpipiliang partylists na nagnanais makapasok sa kongreso.
Bagamat marami ang listahan ng mga partylist na ngayo'y tumatakbo, isa lamang ang dapat iboto.
Sa kaso ni Khalil, dahil napadiin ang pagse-shade niya sa unahan ng kanyang balota ay tumagos ang tinta ng marker hanggang sa likod kunsaan naroon ang listahan ng mga partylist.
Ito ang dahilan kung bakit kahit bumoto ng partylist si Khalil ay hindi ito nabilang ng voter machine.
Read: Your step-by-step guide to voting in May 12 Elections
KHALIL WARNS PUBLIC
Dahil sa aksidenteng pagkakamali, agad na pinaalalahanan ni Khalil ang publiko na mag-ingat sa pagshe-shade ng balota upang hindi na magaya pa sa kanya.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Be extra careful when shading your ballots.
"I pressed a bit too hard on the first page, and it left marks on the back, right where the partylist section was.
"Sadly, my partylist vote was invalidated due to "overvoting." Don't make the same mistake. #Halalan2025."

OVERVOTing incidents
Samantala, bukod kay Khalil ay may ilang netizens din ang nakaranas ng kagayang isyu ng balota ng aktor.
Sa X (dating Twitter) may mga netizen na nagpahayag ng kanilang pagkadismasya sa kinahinatnan ng kanilang mga boto dahil lamang sa marker pen.
Tweet ng isang netizen (published as is), "I’ve already cast my vote, but when I checked my receipt, I noticed that my party-list vote was marked as an overvote—even though I selected only one. This suggests there may be a serious issue with the voting machine. #Halalan2025."
Himutok pa ng isa (published as is), "My vote for senators were tagged as OVERVOTE. Kahit pa 12 lang yung nashade ko. It wasn't counted because nag smudge yung ink papunta sa ibang candidate. Take note, smudge lang. It wasn't even that visible. It wasn't also intentional. But it was counted. Anong kagaguhan to???????"
Dagdag pa ng isa (published as is), "Ang daming na-overvote dahil dyan sa ink ng pen at sa quality ng balota. Bumabakat sa harapan ng balota yung tinta. Yung pinsan ko, ganito din ang nangyari. 12 senators naman ang binoto nya pero na-overvote. #Eleksyon2025."
Habang isinusulat nag artikulong ito ay wala pang inilalabas na paliwanag ang COMELEC (Commission on Elections).
