PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Rodriguez unbothered by rumors of her dating Gov. Daniel Fernando

Kim and Daniel have yet to address the dating chatter.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 26, 2025
Kim Rodriguez unbothered amid dating rumors with Daniel Fernando
Kim Rodriguez (left) remains unfazed by the ongoing buzz surrounding her and Bulacan Governor Daniel Fernando (right).
PHOTO/S: Kim Rodriguez on Instagram/Daniel Fernando on Facebook

Mukhang deadma ang Kapamilya actress na si Kim Rodriguez, 30, sa mga bumabatikos sa kanya makaraang maugnay ang pangalan niya kay re-elected Bulacan governor at dating aktor na si Daniel Fernando, 63.

Noong April 2025, nagsimulang maintriga ang dalawa matapos kumalat online ang litrato nilang magkasama.

Sa nabanggit na larawan ay makikitang may hawak na bouquet of flowers si Kim, habang nasa tabi niya ang gobernador ng Bulacan.

Kapansin-pansin din ang pagiging malapit ng dalawa dahil nakaakbay si Daniel sa aktres, habang si Kim naman ay nakahawak sa baywang ng actor-politician.

Sa likod nila ay makikita ang isang dilaw na luxury car, na suspetsa ng netizens ay bigay umano ni Daniel kay Kim.

Kim Rodriguez unbothered amid dating rumors with Daniel Fernando
Photo/s: Screengrab @Reddit
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Rodriguez unbothered amid dating rumors with Daniel Fernando
This photo of Bulacan Governor Daniel Fernando and actress Kim Rodriguez is now trending on social media.
Photo/s: Screengrab @Reddit

Read: GMA-7 actress Kim Rodriguez is a certified biker chick

KIM RODRIGUEZ'S TIKTOK VIDEO

Noong May 23, 2025, isang TikTok video ang ipinost ni Kim na tila sagot niya sa mga patuloy na umiintriga sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito ay mapapanod siya habang nili-lip sync ang kantang "Bleeding Love" ni Leona Lewis habang nasa loob ng sasakyan.

Makahulugan ang lyrics ng kanta: "I don't care what they say, I'm in love with you; they try to pull me away, but they don't know the truth."

Bukod sa lyrics, nakakaintriga rin ang inilagay na caption ni Kim: "idc [i don't care]."

NETIZENS REACTION

Kumalap ng samu't saring komento ang TikTok video na ito ni Kim.

May ilang tahasang binanggit ang pangalan ni Daniel, bagay na hindi naman inatrasang sagutin ni Kim.

Komento ng isang netizen: "Dedma sa basher basta may Daniel Fernando."

Reply rito ni Kim: "Pikit [laughing in tears emoji]."

Sabi pa ng isang netizen: "sustentado, sanaol."

Akusasyon ng isa: "Musta naman ang budget namin dito sa bulacan sis? Para sa daan na budget napunta sayo pambili ng FJ."

Dagdag pa ng isa: "sayo pala napupunta kaban ng bayan maem?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung mayroong bumabatikos ay mayroon din namang nagtatanggol kay Kim.

Saad ng isang netizen: "Single naman pala yung Daniel Fernando hayaan na natin sila maging masaya."

Depensa pa ng isa: "Mga tao ng naman oh, why not, Daniel is single naman."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang pahayag sina Kim at Daniel kung may katotohanan nga ba ang espekulasyon tungkol sa kanila.

Nagpadala na rin ng mensahe via Instagram ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim para hingin ang kanyang panig, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot.

Read: Mariposa, sinagot ang isyung "girlfriend" siya ni Daniel Fernando

Hindi ito ang unang pagkakataong na-link sa Kim sa kilalang personalidad.

Noong March 27, 2024, kumalat sa social media, partikular na sa X (dating Twitter), na diumano ay karelasyon ng aktres ang dating PBA player na si Marc Pingris.

Ito ay matapos mapansin ng netizens ang mga larawan kung saan makikita sina Kim at Marc na tila nasa iisang lugar lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi magkasama sa pictures ay gumana ang mapaglarong isip ng ilan dahil sa parehong background nina Kim at Marc, dahilan para magsuspetsa ang mga nakakita nito na marahil ay magkasama ang dalawa.

May isang larawang kuha sa gas station kasama ang crew ng isang sikat na french fries stall.

Pareho ring may kuha sina Kim at Marc sa harap ng tanyag na Sydney Opera House sa Sydney, Australia.

Dahil sa mga larawang ito, marami ang naghinalang may namamagitan sa dalawa sa kabila ng pagiging pamilyadong tao ni Marc.

Kasal si Marc sa dating aktres na si Danica Sotto. Biniyayaan ang kanilang pagsasama ng tatlong anak.

Read: Danica Sotto reacts to netizens' cheating allegation involving husband Marc Pingris and Kim Rodriguez

Ang nasabing intriga ay mabilis namang itinanggi nina Kim at Marc.

Read: Kim Rodriguez Debunks Marc Pingris Affair Rumors

Samantala, walang gaanong impormasyon tungkol sa estado ni Daniel, ngunit walang bali-balitang ikinasal siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Rodriguez (left) remains unfazed by the ongoing buzz surrounding her and Bulacan Governor Daniel Fernando (right).
PHOTO/S: Kim Rodriguez on Instagram/Daniel Fernando on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results