Mas tumindi ang hinala ng netizens na may espesyal na ugnayan nga sina Kapuso actress Bea Alonzo at Puregold scion Vincent Co.
Ito'y matapos maispatan ang rumored couple sa reposted Instagram Stories ni Heart Evangelista ngayong Lunes, June 2, 2025.
Sa litrato, makikitang tila nasa isang bar sina Bea at Vincent, Heart at asawa nitong si Senator Francis "Chiz" Escudero, kasama ang iba pang mga kaibigan.
Read: PEP Most Influential 2024 Most In-Demand Endorser: Heart Evangelista
Ngunit ang nakatawag-pansin sa maraming netizens ay ang pagiging sweet nina Bea at Vincent sa larawan.
Makikita si Vincent na nakayapos kay Bea na nasa kanyang harapan.
Read: Bea Alonzo: A leading lady in her lush oasis
Kapansin-pansin din ang kamay ni Bea na nakahawak sa braso ni Vincent habang nakasandal ang aktres sa kanya.
Maliban sa mga pangalang naka-tag sa post, walang caption na inilagay si Heart,

BEA ALONZO-VINCENT co SIGHTINGS
Hindi ito ang unang beses na naispatang magkasama sina Bea at Vincent.
Noong May 5, lumabas ang espekulasyong may espesyal na relasyon ang dalawa nang kumalat sa social media ang screenshot ng pamamasyal ng isang lalaki at isang babae na parehong nakatalikod habang magkahawak-kamay.
Base ito sa ulat ng Insiderph.com na unang naglathala ng litrato mula sa Instagram account ni Vincent.
Kuha iyon sa isang beach sa Andalucia, Spain.
Read: Bea Alonzo says marriage is not everyone’s "endgame"
Hindi tinukoy ni Vincent ang babaeng kasama niya, pero hinihinalang si Bea iyon na nagbakasyon din sa Spain kamakailan.

Noong April 21 at 24, 2025, may mga Instagram post si Bea na kuha sa Andalucia at Sevilla sa Spain.
Nakasuot siya ng beige blazer, black skirt, at white rubber shoes.
Read: Bea Alonzo at Vincent Co, pinaghahandaan ang kasal sa Spain?
Tugma iyon sa suot na blazer at black skirt ng nasa litrato ni Vincent. Pati ang haba ng buhok ni Bea at buhok ng nasa litrato ni Vincent ay pareho rin.

Nasundan pa ito noong May 10 nang maaktuhan naman sina Bea at Vincent na magkasama sa Bangkok, Thailand.
Kasalukuyang nasa Suvarnabhumi Airport, pauwi ng Pilipinas, ang dalawa nang makunan sila ng litrato.

Pagkarating sa Pilipinas, naispatan muli sina Bea at Vincent na nagdi-dinner sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.
Read: Bea Alonzo spotted anew with rumored beau Vincent Co
WHAT PEP KNOWS ABOUT BEA-VINCENT'S RELATIONSHIP
Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP Troika, matagal-tagal nang nagde-date sina Bea at Vincent, hindi pa man nagba-viral online ang litrato nilang magkasama sa Spain.
Sinasabing masugid sa panliligaw si Vincent kay Bea, pero low-key lamang ang dalawa noon.
Ayon pa sa source ng PEP Troika, nang minsang magkasakit si Bea habang nasa Siargao ay pinasundo pa ito ni Vincent via chopper para makauwi agad sa Maynila.
Patuloy raw ang magandang pagkakakilanlan ng dalawa.
Isa pang source ang nagsabi, na nang tanungin nito si Vincent kung nasa dating stage na sila ni Bea, ang isinagot daw ni Vincent ay isang smile emoji.
Ayon naman sa isa pang source ng PEP, kumpirmadong sina Bea at Vincent na.
Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?
