Walang mapagsidlan ang saya ng aktor na si John Lloyd Cruz sa tuwing nakakasama nila ng nobyang si Isabel Santos ang anak niyang si Elias.
Sa Instagram ni John Lloyd nitong Biyernes, June 13, 2025, ipinost niya ang black-and-white photo niyang kasama sina Isabel at Elias.
Sa larawan makikita ang bonding ng tatlo—nakahiga at nakasandal si Elias sa braso ng award-winning actor at si Isabel naman ay nasa banda niyang hita.
Bakas sa caption ng post ni John Lloyd ang kanyang kasiyahan sa mga sandaling kagaya ng nasa larawan.
Caption ni John Lloyd (published as is), "Sinubukan ko pero baka nga mas mainam na hayaan nalang wala kesa pilitin hanapin at hintayin ang mga letrang sasapat at tatapat sa sandaling to."

Si Elias ay anak ni John Lloyd sa dati nitong partner na si Ellen Adarna.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na malapit si Isabel kay Elias, base sa mga dati nang litrato na ipinakita ni Isabel o kaya ni John Lloyd kunsaan magkakasama silang tatlo.
November 2021 nang unang maiulat ang espesyal na ugnayan nina John Lloyd at Isabel, na kalaunan ay kinumpirma rin ng aktor.
JOHN LLOYD CRUZ AND ELLEN ADARNA
Higit-kumulang dalawang taon naging nobya ni John Lloyd si Ellen.
Read: John Lloyd Cruz grateful to girlfriend Isabel Santos
Noong August 2019, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na sina John Lloyd at Ellen, base sa impormasyon mula sa source mula sa kampo ng couple.
Sinabi rin ng source na "co-parenting" ang status ng relasyon ng dalawa noon.
Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna have reportedly broken up
April 2020 nakumpirma ang kanilang breakup nang magkuwento si Ellen tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Carlos Lemus. Pero hindi nagtagal ay nagkahiwalay din sila.
Sumunod na naging kasintahan ni Ellen ay ang aktor na si Derek Ramsay. Noong February 2021 nang aminin sa PEP.ph ng dalawa ang espesyal nilang relasyon.
Read: LOOK: Derek Ramsay and Ellen Adarna confirm relationship
Hanggang noong November 11, 2021, ikinasal sina Ellen at Derek sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan.
Read: Derek Ramsay Ellen Adarna married life
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna’s Co-Parenting Setup with Elias
Sa panayam ni John Lloyd sa Fast Talk With Boy ABunda noong October 2023, naitanong sa kanya kung paano ang co-parenting agreement nila ni Ellen pagdating sa anak nilang si Elias.
Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz's financial obligations to Elias: "He insisted on doubling it"
Aniya, “It’s a little bit of a challenge. Ayokong i-sugarcoat kasi ayokong mag-pretend.
"We’re co-parenting, but depende sa definition ng co-parenting.
“Ako, from my end, to simplify, paano ko ba siya [Elias] pinapalaki? Siguro yung to live without imposing.
"Gusto ko siyang tanungin and gusto ko siyang mag-develop ng sarili niyang capacity to decide on certain things.
“Siyempre yung mga bagay na hindi pa niya kayang desisyunan, yun ang role namin.
“Sa nakikita ko naman, napakasuwerte ko. Marami diyan, yung similar cases kagaya sa akin, much, much lesser yung time with the child or have a small time sa call.
"Kaya napakasuwerte ko, kaya ako ay nagpapasalamat kay Ellen, kay Derek dahil iniisip nila yung kapakanan ng bata.”
Simula nang magkahiwalay si John Lloyd at Ellen ay si Derek na ang tumayong pangalawang ama ni Elias habang ang bata ay nasa poder ni Ellen.
Read: Derek Ramsay takes on dad duties; picks up Elias from school
