PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mika Salamanca defends Brent Manalo’s clapback at Kira Balinger

Brent to Kira: "No one cares about Kira Balinger. That’s why you’re evicted."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 3, 2025
Mika Salamanca defends Brent Manalo over his clapback at Kira Balinger
Mika Salamanca on Brent Manalo's clapback to Kira Balinger (inset): "I understand na we could choose better words. Pero nung time po kasi na iyon, sobrang na-bombastic po kami ng lahat ng salita ng housemates na nasa harapan namin."
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Dinepensahan ni Mika Salamanca ang ka-duo niyang si Brent Manalo sa mga batikos matapos ang maanghang na pananalita ni Brent laban sa co-housemate nilang si Kira Balinger.

Sa June 23, 2025 episode ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition, naganap ang Big Tapatan sa pagitan ng Big 4 duos at ng house challengers.

Ang duo nina Brent at Mika o BreKa ang huling sumalang sa Big Tapatan kunsaan sinagot nila ang matatapang at diretsahang tanong ng house challengers, na binubuo ng mga na-evict na housemates.

Read: PBB Celebrity Collab: BreKa completes Big 4; DusBi evicted

Sa isang punto ay tinanong ni Ashley Ortega si Brent kung sa tagal nitong pananatili sa Bahay Ni Kuya ay naipakita na ba niya ang tunay na siya.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Kira, sabay tanong na, "Sa tagal-tagal niyo rito sa Bahay Ni Kuya, I still don’t know you. Who are you?"

Read: Kira Balinger reveals beauty hack inside Bahay Ni Kuya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas namang hindi nagustuhan ni Brent ang pagkatanong sa kanya ni Kira kaya mabilis itong bumuwelta.

Resbak ni Brent kay Kira: "Who are you to say that? No one cares about Kira Balinger. That’s why you’re evicted."

Mika Salamanca defends Brent Manalo over his clapback at Kira Balinger
Brent Manalo and Kira Balinger face off during PBB Big Tapatan.
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat may mga netizen na nakakaunawa sa pressure na kinaharap ni Brent nang mangyari ang Big Tapatan, mayroon ding nadismaya sa naging reaksiyon niya at gawi ng pagsagot nito kay Kira.

Tweet ng isang netizen (published as is): "Let’s be real—what Brent said was rude and below the belt. There’s no excuse for that, especially since it was said to a girl. We don’t condone that kind of behavior."

Saad ng isa: "Honestly, I was disappointed with his answer. Had the chance to prove himself but seemed triggered instead, which wasn’t admirable and definitely not something that adds to his charm."

Sabi pa ng isa: "it’s so crazy ’cause kira means well. she actually gave brent the chance to prove himself. sino nga ba siya sa bahay? sino si brent? but instead, he goes nuts and gets all emotional, spits nonsense, and attacks kira personally. sana all baliw."

Mika on Brent's clapback to Kira

Samantala, bago ang Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition sa Sabado, July 5, ay panibagong hamon ng pagpapakatotoo ang hinarap ng Big 4 duos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pumasok sa Bahay Ni Kuya ang TV host na si Boy Abunda para personal na iparating at itanong sa natitirang housemates ang opinyon at komento ng mga tao sa kanila sa outside world.

May tig-isang tanong na babasahin si Boy para sa bawat housemate, ngunit ang sasagot nito ay ang kanilang ka-duo.

Tanong kay Brent: "Netizens were divided sa iyong mga naging sagot sa Big Tapatan, lalo na sa clapback mo kay Kira, many were so disappointed."

Bilang si Mika ang ka-duo ni Brent, ito ang sumagot para sa Kapamilya actor.

Read: Pinay vlogger Mika Salamanca apprehended in Hawaii for violating quarantine rules

Ayon kay Mika, batid niya ang pagkakamali ni Brent sa pagpili nito ng mga salita kay Kira.

Ngunit sa isang banda ay naiintindihan din daw niya na dahil sa pagkabigla at pressure kung kaya't nasabi iyon ni Brent kay Kira.

Saad ni Mika: "Ako po, I understand na we could choose better words.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero nung time po kasi na iyon, sobrang na-bombastic po kami ng lahat ng salita ng housemates na nasa harapan namin.

"And I think, yun din po kasi yung bubog ni Brent and naging vocal naman po siya about doon dito sa loob ng bahay, and nagulat lang din po kami sa tanong na iyon."

Brent acknowledges WRONG choice of words

Matapos ang interbyu ni Boy sa BreKa ay binigyan ng pagkakataon ni Big Brother si Brent na ipagtanggol ang sarili.

Dito, inamin ni Brent na pinagsisisihan niya ang kanyang mga nasabi kay Kira.

Nadala lamang daw siya ng kanyang emosyon, bagay na pinagsisihan niya pagkatapos.

Saad ni Brent: "I hated every second of it.

"As much as possible, I stay away from reading comments, even the positive ones, kasi ayokong umakyat sa ulo ko din.

"If tatanungin ako, Kuya, kahit nasaktan ako doon sa comment, kahit constructive naman, medyo mahapdi, Kuya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mika Salamanca on Brent Manalo's clapback to Kira Balinger (inset): "I understand na we could choose better words. Pero nung time po kasi na iyon, sobrang na-bombastic po kami ng lahat ng salita ng housemates na nasa harapan namin."
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results