Pinag-iisipan ng comedienne na si Pokwang na sampahan ng reklamo ang bashers na idinadawit ang pangalan ng bunso niyang anak na si Malia O'Brian.
Si Malia ay pitong taong gulang lamang.
Nag-ugat ang bashing kay Pokwang nang payuhan niya si Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith na maging humble matapos mag-trending ang isang lumang video nito kunsaan pabiro niyang sinabing kahit ilang edisyon pa ng hit reality show ang dumaan ay wala raw makakatalo sa batch nila.
Ang batch nina Fyang ang sinundan ng katatapos lamang na PBB: Celebrity Collab Edition, ang kauna-unahang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA Network pagdating sa produksiyon ng reality show.
Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights
Komento ni Pokwang (published as is), "my God iha 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha yan muna ang pag aralan naka ilang pbb season na ang nasaksihan ko pero iilan nalang silang active sa showbiz so iha please wag muna mag yabang bad yan."
Read: Pokwang reminds PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith to "be humble"
POKWANG SAYS BASHERS DRAGGED HER DAUGHTER'S NAME
Sa X (dating Twitter), isang netizen ang nagsabing huwag na lamang masyadong dibdibin ng mga tagasuporta ni Fyang ang mga sinabi ni Pokwang dahil maliit lamang ang mundo ng showbiz.
Darating din daw ang pagkakataong makikilala nila ang isa't isa.
Ayon dito, "Fam, huwag na tayong mag-reply sa kung anuman ang ipost ni Ms. @pokwang27. Maliit ang mundo magtatagpo din sila at magkakakilala. Hindi man nya nabigyan ng pagkakataon na kilalanin muna si Fyang hayaan lang natin ang pagkakataon."
Sinagot ito ni Pokwang.
Ayon sa TV host, gaya ng kanyang paniniwala, maliit lang ang mundo ng showbiz.
Masuwerte na raw siyang nakatrabaho niya ang mga sikat sa industriya.
Saad niya: "Yes kagaya ng makatrabaho ko sila Nadine, Liza Soberano, Sandara Park, Kim Chu, Melai di ko malilimutan yon kasama sila Marian Rivera, Vilma Santos, Eddie Garcia, Tatay Dolphy, Gloria Romero.
"may chance sabi nyo nga maliit ang mundo, tama… buti nalang bago ako nalaos nakatrabaho ko lahat ng malalaking names sa industria, wait john lloyd, Aga, claudine B. bossing Vic pa at Juday, sarap malaos kapag ganyan mga naka work mo"
Isa namang netizen ang nagtanong, "sino ba si fyang?"
Tugon ni Pokwang, si Fyang ay isang personalidad na maraming nagmamahal na fans at dumating na sa puntong pati ang anak niyang bata ay dinamay.
Na-screenshot na din daw niya ang mga mensahe nila para sa gagawin niyang susunod na hakbang.
Dagdag niya, "sya yung may mga fans na nagmamahal ng sobra to the point pati si Malia na anak ko wish nila ng di maganda! na screen shot kona para kasuhan."

Hindi na makita sa thread ng post ni Pokwang ang mga mensahe patungkol sa anak na si Malia.
