PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang applauds PBB Gen 11 4th Big Placer Kai Montinola's vocals

Is Pokwang's comment about Kai a clapback at Fyang's supporters?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 10, 2025
Pokwang applauds PBB Gen 11 4th placer Kai Montinola's vocals
Pokwang (left) praises Kai Montinola’s (right) singing skills: "jusko ABS CBN bigyan nyo ng pagkakataon na mas sumikat itong batang ito! may talent sya infairness"
PHOTO/S: Pokwang on Facebook/Kai Montinola on Instagram

Puring-puri ng TV host-comedienne na si Pokwang ang Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 4th Big Placer na si Kai Montinola dahil sa maamo nitong mukha at husay sa pagkanta.

Ang PBB Gen 11 ang sinundang edisyon ng katatapos lamang na PBB: Celebrity Collab Edition.

Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights

Sa batch na ito ay si Fyang Smith ang hinirang na Big Winner.

Second Big Placer si Rain Celmar at Third Big Placer si Kolette Madelo.

Si Kai ang Fourth Big Placer.

Read: Fyang Smith is PBB Gen 11 Big Winner

Bagamat hindi nakuha ni Kai ang Big Winner title, kaliwa't kanang proyekto ang naibigay sa kanya paglabas niya ng PBB house.

Kabilang na rito ang pagkakaroon niya ng album at endorsements.

Bukod pa rito ang pagpasok niya sa mundo ng pag-arte nang lumabas siya sa finale episode ng defunct ABS-CBN drama series na Saving Grace at bumida sa isang MMK (Maalaala Mo Kaya) episode, katambal si Kyle Echarri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Pokwang applauds PBB Gen 11 4th placer Kai Montinola's vocals
Kai Montinola was PBB Gen 11 Fourth Big Placer.
Photo/s: Kai Montinola on Instagram

Pokwang IMPRESSED BY Kai's singing

Dahil sa talento sa pagkanta at pag-arte ni Kai, marami ang humahanga sa kanya, kabilang na rito ang Kapuso comedienne na si Pokwang.

Nitong Miyerkules, July 9, 2025, inihayag ni Pokwang ang paghanga at pagsuporta kay Kai nang magkomento siya sa isa nitong performance video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang entertainment site sa Facebook ang nag-upload noong June 30 ng video ni Kai habang kumakanta ito ng "Bituing Walang Ningning" ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa comments section ng nasabing post ay kabilang si Pokwang sa nagbigay ng komento.

Mensahe niya (published as is): "ayan ang talent!!!! jusko ABS CBN bigyan nyo ng pagkakataon na mas sumikat itong batang ito! may talent sya infairness..."

Isang fan naman ni Kai ang nagpasalamat kay Pokwang dahil sa pagpapakita nito ng paghanga sa Kapamilya young star.

Sabi ng fan, "Thank you for appreciating Kai po, Ms. Pokwang."

Mabilis itong nireplayan ni Pokwang.

Aniya, "Pinag-uusapan [kasi] siya sa dressing room namin kanina so hinanap ko, ayun totoo nga ang chika ng mga bakla, parang Barbie daw ang fez at kumakanta raw ng live."

Hirit pa ni Pokwang, "Sana makapag-guest sila sa TiktoClock since collab naman na [ang] GMA at ABS."

DID Pokwang ThrOw Shade at Fyang Smith?

Samantala, kung may fans si Kai na nasiyahan sa pagkukomento ni Pokwang, mayroon ding ilang netizens, partikular na ang mga tagahanga ni Fyang Smith, na napapaisip kung patama raw ba ito ng komedyana sa kanilang idolo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kamakailan lamang kasi ay pinag-usapan online ang pagpuna at pagbibigay ng payo ni Pokwang kay Fyang na maging humble.

Ito ay matapos mag-trending ng isang lumang video ni Fyang kunsaan pabiro niyang sinabing kahit ilang edisyon pa ng hit reality show na PBB ang dumaan ay wala raw makakatalo sa batch nila.

Read: Pokwang reminds PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith to "be humble"

Komento dito ni Pokwang (published as is), "my God iha 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha yan muna ang pag aralan naka ilang pbb season na ang nasaksihan ko pero iilan nalang silang active sa showbiz so iha please wag muna mag yabang bad yan."

Katakut-takot na pambabatikos ang inabot dito ni Pokwang, kunsaan maging ang walang kamuwang-muwang na anak niyang si Malia O'Brian, 7, ay nadadamay na raw.

Read: Pokwang mulls filing complaint against some Fyang supporters

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (left) praises Kai Montinola’s (right) singing skills: "jusko ABS CBN bigyan nyo ng pagkakataon na mas sumikat itong batang ito! may talent sya infairness"
PHOTO/S: Pokwang on Facebook/Kai Montinola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results