Muli na namang napansin ng netizens ang topless photo ng transman singer na si Jake Zyrus.
Noong August 7, 2025, nag-upload ang partner ni Jake, ang Fil-Am singer na si Cheesa, ng larawan habang naliligo sila sa isang swimming pool.
Ang inilagay lang na caption ni Cheesa ay heart exclamation emoji.
View this post on Instagram
Nagkomento rito si Jake ng three hearts emojis.

Sa comments section ay nagpahayag ng suporta ang followers nila sa relasyon ng dalawa:



Pero may ilan na namang bashers ang nagkomento ng hindi maganda.
Ikinumpara muli ang singer sa dating child star, komedyante, at pumanaw na aktor na si Berting Labra.
Read: Sino si Berting Labra na ikinukumpara kay Jake Zyrus?

Isang netizen ang ipinagtanggol si Jake laban sa mapanghusgang netizens.
Ayon dito: "Why the comments are too much? Let them live the way they wanted, hindi kayo inaano. Tapos sabihin na maiimpyerno kasi ganito ganyan but look how rude some comments. Can we normalize being happy if people are happy with their lives?"

Read: Solenn Heussaff makes a "semi-comeback" in showbiz
JAKE ZYRUS AND HIS PAST TOPLESS PHOTOS
Unang nagpamalas ng kanyang confidence sa pagta-topless si Jake noong October 8, 2018.
Noong panahong iyon, workout photo niya ang kanyang ipinasilip.

Read: Jake Zyrus topless workout photo circulates online; mom Raquel Pempengco still fuming
At noong February 19, 2022, nagkaroon na ng lakas ng loob ang transgender singer na ipakita muli sa publiko ang resulta ng operasyon, may limang taon na ang nakaraan.
Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Jake, "Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao.
"Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.
“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.
“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.
“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sa’yo ‘to.
“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din ‘yun. Lahat 'yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat."

