Mariing itinanggi ni Davao City acting Vice-Mayor Rodrigo "Rigo" Duterte II na may kumakalat na resolusyon tungkol sa pagdedeklarang persona non grata kay Vice Ganda sa Davao City.
Ito'y matapos patutsadahan ng comedian-TV host si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Super Divas concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum noong August 8, 2025.
Sa concert, may isang segment na ginawang biro ni Vice ang kontrobersiyal na jet ski promise ni Duterte noon patungkol sa West Philippine Sea.
Ginawa itong joke ni Vice gamit ang viral Jet2holiday meme, isang promotional advertisement ng isang tour operator na nakabase sa United Kingdom.
Read: Vice Ganda warns against fake post about ex-President Duterte
Ang spiel ni Vice: "Nothing beats a jet ski holiday right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski.
"Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC.
"Promo applies to DDS [diehard Duterte squad] only. Pinklawans [Leni Robredo supporters] and BBMs [Bongbong Marcos supporters] are prohibited.
"Huwag niyo akong subukan, mga p*tang i*a niyo."
Read: Who are the key players in Rodrigo Duterte's ICC trial?
Umani ng iba't ibang reaksiyon ang hirit na ito ni Vice.
Marami sa mga tagasuporta ni Duterte ang nagalit dahil sa anila'y pambabastos ng It's Showtime host sa dating Pangulo.
Karamihan sa mga ito ay umapela na ideklarang persona non grata si Vice sa Davao at i-boycott ang mga endorsement ng komedyante.
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert
Davao City LGU addresses DDS clamor to declare Vice Ganda persona non grata
Isang resolusyon ang ngayo'y kumakalat sa social media tungkol sa umano'y pagdedeklara raw na persona non grata kay Vice.
Ngunit napag-alamang peke ang kumakalat na dokumento.

Itinanggi rin ito ng apo ng dating Pangulo, si Davao City acting Vice-Mayor Rigo Duterte II.
Si Rigo ang bunsong anak ni Davao City First District Representative Paolo Duterte.
Pahayag ni Rigo Duterte II, may mas mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang kanilang lungsod kesa gumawa ng resolusyon tungkol sa ginawa ni Vice.
Pahayag niya: "The members of the Sangguniang Panglungsod ng Davao have far more important matters to attend to than entertaining baseless, attention-seeking antics from performers desperate for relevance.
"Contrary to what this viral document suggests, the Council’s time and energy are devoted to crafting policies and programs that improve the lives of Dabawenyos—enhancing infrastructure, ensuring public safety, creating livelihood opportunities, and strengthening social services."
Tinawag din ni Rigo na "cheap insults and distasteful jokes made for clout" ang ginawang hirit ni Vice patungkol sa kanyang lolo.
Pahayag niya: "Davao City will not be distracted by cheap insults and distasteful jokes made for clout.
"Public figures like Vice Ganda, who use their platform to mock rather than uplift, reveal more about their own character than about the people they ridicule.
“If Vice Ganda wishes to be remembered for more than empty laughs and headline-grabbing jabs, perhaps it’s time to show the same hard work, discipline, and respect that Davao’s leaders and citizens demonstrate daily.
“Until then, Davao City will continue moving forward — with or without the approval of those who mistake insult for entertainment."
Si Rigo ang umaaktong vice-mayor ngayon ng Davao City dahil ang kanyang tiyuhin na si Baste Duterte, na nanalong vice-mayor nitong 2025 elections, ang acting mayor ng kanilang lungsod.
Si Baste ang pansamantalang humalili sa kanyang amang si Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao City.
Kasalukuyang nakapiit si dating Pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands, habang dinidinig ang kaso niyang crime against humanity dahil sa madugong kampanya ng kanyang administrasyon laban sa droga.
Read: EXPLAINER: What is ICC and why is it handling the Duterte case?
netizen, lawmaker defend Vice against critics
Sa kabila ng naging pahayag ni Rigo ay may ilang netizens at mambabatas ang dinepensahan si Vice.
Iisa ang naging naratibo nila—naiintindihan nila ang It's Showtime host at ang hirit nito sa concert ay parte lamang ng show, kung kaya't hindi raw tama na gawing big deal ito ng mga masugid na tagasuporta ni Duterte.
Saad ni Akbayan party-list representative Percival Cendaña: "Speaking truth to power is most potent when it makes people laugh. This means the message really got through. Laughter is not only the best medicine, it is also the best wake-up call.
"And if ever you are declared persona non grata, that’s okay. Because in our hearts, Meme, you are a wonderful person.
"Long live, Meme Vice! Thank you for making us laugh while opening our minds and standing firm on your beliefs."
Maging si Palace Press Officer Claire Castro ay nagbigay rin ng reaksiyon sa natatanggap ngayong batikos ni Vice.
Sa ginanap na press briefing sa Palasyo ng Malacañang ngayong Martes, August 12, hinikayat ni Castro ang publiko na huwag maging masyadong sensitibo.
Paliwanag niya tungkol sa ginawang pagbibiro ni Vice nang matanong ng media: “Unang-una kasi, concert naman yun. Parang show naman yun. So, hindi kailangang maging balat-sibuyas ang sinuman.”
Read: Vice Ganda calls out "toxic" fans of PBB housemates
Ang jet ski joke ay hindi naman na raw bago.
Ani Castro: “At ito naman talaga ay nangyari.
“Dyinok ni dating Pangulong Duterte yung tungkol sa jet ski.
“Sinabi pa niya na ang naniwala sa kanya sa sinabi niyang sasakay siya sa jet ski para sa West Philippine Sea, sinabi niyang stupid.”
Read: Claire Castro defends Vice Ganda’s "jet ski holiday" joke
Isang netizen naman ang nag-post sa Facebook, para magbalik-tanaw sa mga nagawa ni Vice sa komunidad dahil sa kanyang komedya.
Mapa-bagyo man o pandemya ay hindi raw nagpatinag si Vice sa pagtulong sa kanyang mga kababayan, bagay na hindi magawa ng ibang mga nasa katungkulan.
Post nito (published as is): "Dear Vice Ganda, first of all, thank you. Thank you for making millions laugh when times are hard. For raising millions of pesos in donations when typhoons hit.
"For speaking up when most celebrities chose to stay silent. For showing up in feeding programs, scholarship drives, and medical fundraisers without demanding a press release.
"Mas marami kang nagawang tulong sa mga Pilipino kesa sa ibang politikong lustay at kupitero.
"Dahil sa comedy mo, naka-raise ka ng 2million nung 2020 para tulungan ang mga COVID-frontliners. Nagpadala ka ng mga PPEs at mga foodpacks sa mga ospital.
"May mga artista at production staff na nung na-Covid, ikaw ang sumasagot ng hospital bill. Habang ang ilan sa mga opisyal de gobyerno, di na nga tumulong, nagawa pang pagkakitaan ang pandemya.
"Thank you sa halos 300 scholars mo na naka-graduate dahil sa mga jokes mo sa showtime, pelikula at concerts. Isa dun si Amy Nobleza na nag Magna cum laude pa.
"Thank you sa FUNDkabogable. Daan-daang pamilya ang nabigyan ng ayuda sa Cagayan at Isabela matapos manalasa ng Typhoon Ulysses.
"Hindi mo sinolo ang mga biyaya sayo. Present ka sa mga volunteer activities ng Angat Buhay Foundation. Nandun ka sa mga charity events for cancer patients and home for the elderly. Marami dyan, walang publicity. Wala sa headline.
"Salamat, Vice, hindi ka maramot."
Ikinumpara rin ng nasabing netizen ang naging hirit ni Vice sa kanyang concert sa mga naging biro at pagmumura noon ni Duterte na ipinagsawalang bahala lang daw kanyang mga tagahanga.
Lahad niya: "Ngayon, pag-usapan natin yung outrage ng mga DDS. Offensive daw ang jetski joke mo? Sabi ng mga taong nakitawa habang nagjojoke si Digong tungkol sa rape at murder victim na si Jacqueline Hamill, isang Australian missionary. Ang joke: 'Nauna dapat ang mayor.'
"Na-offend mo yung mga taong nakihalakhak nung minura si Pope Francis dahil nag-cause ng traffic. Ang joke: 'Pope, putang ina ka.'
"Mga taong nakipalakpak habang binabalahura ni Rodrigo ang Dios. Ang joke 'Who is this stupid God?'
"Pero nung ikaw na ang bumanat, the bar is suddenly set to sainthood. Gigil na gigil na sila sayo.
"Sila, pwede. Ikaw, hindi. Pero diba, kung kaya ng mga DDS palampasin ang kabastusan, ang blasphemy, at rape jokes ng isang presidente, pero badtrip sa jetski at ICC joke ng isang baklang naka-wig, anong tawag dun? Mga ipokrito."
NOT THE FIRST TIME
Sa kabilang banda, hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa kontrobersiya si Vice dahil sa ginawa niyang joke sa isang concert.
Matinding puna at batikos ang sinalo noon ni Vice mula sa publiko dahil sa masamang biro niya sa veteran Kapuso broadcaster na si Jessica Soho.
Nangyari ito sa major concert ni Vice na I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta noong May 17, 2013.
Bukod sa birong rape, nagbiro rin si Vice tungkol sa timbang ng Kapuso news anchor.
Bahagi ng biro ni Vice: “Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi.
"Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘E, nasaan yung apple?'”
Inulan ng kritisismo ang tinaguriang Unkabogable Star mula sa mga kasamahang mamamahayag ni Jessica sa GMA News at mula sa publiko.
Kinondena rin ni Jessica ang birong ito at sinabing: “Rape is not a joke.”
Naglabas ng official statement si Vice at humingi ng tawad sa kanyang pagkakamali.
Tinanggap ni Jessica ang sorry ni Vice subalit tumanggi siyang makipag-usap dito.
Hanggang ngayon ay wala pang pagkakataong nagtagpo ang landas nina Vice at Jessica, bagamat umeere na sa GMA-7 ang noontime show ni Vice na It's Showtime.
Read: Vice Ganda reflects on past rape joke about Jessica Soho
Samantala, habang isinusulat ang artikong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon si Vice tungkol dito.
