Lakas-loob na inamin ni Will Ashley na ang kapwa niya Kapuso star na si Mika Salamanca ang babaeng nagustuhan niya sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.
Sina Will at Mika ay ex-housemates sa matagumpay na PBB: Celebrity Collab Edition.
Si Mika ang Kapuso Big Winner, katuwang ang Kapamilya na si Brent Manalo; at si Will naman ang Kapuso Second Big Placer, katuwang ang Kapamilya na si Ralph de Leon.
Read: Mika Salamanca, Will Ashley join efforts to help typhoon victims
Sa second episode ng YouTube vlog ni Mika ngayong Miyerkules, August 13, 2025, naging guest niya Will.

Pinamagatang "Will You Lie," sumalang si Will sa lie-detector test habang sinasagot ang mga inihandang tanong ni Mika sa kanya.
Nahati sa tatlong rounds ang mga pagtatanong ni Mika: easy, medium, hard.
Sa una ay kapansin-pansin pa ang pagiging kalmado at maagap ni Will na pagsagot sa mga tanong, hanggang sa umabot na sa huling tanong ni Mika mula sa hard round.
"May natitipuhan ka ba sa mga housemates, yes or no?" diretsahang tanong ni Mika kay Will.
Imbes na sumagot ay yumuko si Will mula sa kanyang kinauupuan at nagtulug-tulugan.
Natatawa niyang palusot, "Inaantok ako, inaantok ako."
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay inamin ng Kapuso actor na mayroon nga siyang nagugustuhan.
Pag-amin niya, "Well, I think everyone knows naman na about this. Kasi since first week [pa lang sa Bahay Ni Kuya] nasabi ko na, di ba? Yes."
Lumabas sa lie-detector test na "truth" ang sagot ni Will sa tanong.
Sundot na tanong ni Mika, "Sino?"
Nahihiyang sagot ni Will, "Sinabi ko na nga. I-replay niyo na lang dun sa Bahay Ni Kuya, guys."
Sabay kabig niyang "Ikaw," habang itinuturo si Mika.
Bahagya pang nalito si Mika sa naging sagot ni Will nang sabihin niyang, "I-replay niyo na lang daw, guys, kung sino yung answer niya doon sa [tanong]."
Pero sabi sa kanya ni Will, "Sinagot ko na, sabi ko ngayon lang. Sabi ko, ikaw."
Muling lumabas sa lie-detector test na nagsasabi ng totoo si Will.
Read: Will clarifies viral hug with Bianca in PBB Big Night
Mula sa likod ng camera ay maririnig ang sigawan ng mga kasamahan nila sa set na halatang kinilig sa pagtatapat ni Will.
Depensa dito ni Mika, "Hindi, ayun naman, e, ano lang naman yon, kumbaga ang pagkakagusto sa someone is paghanga lang naman yon, hindi something."
Pagpipigil naman sa kanya ni Will, "Huwag mo na i-explain, nagmumukhang defensive, e."
Mika reveals she also has a crush on A PBB housemate
Nang matapos ang lie-detector test ni Will ay si Mika naman ang sumalang, kunsaan si Will ang nagbato ng tanong.
Kagaya ni Mika, ang huling tinanong ni Will sa kanya ay kung mayroon ba itong nagustuhang housemate.
Sagot ni Mika, "Wala."
Lumabas sa lie-detector test na hindi nagsasabi ng totoo si Mika.
Pero agad niya itong binawi nang sabihing mayroon ngunit hindi na raw niya sasabihin kung sino.
Ani Mika, "Sabi ni Kuya [lie-detector technician] mali raw yung sinabi ko, so iiwan ko na lang dun. Tingan ko na lang pagka na-cross na natin yung bridge."
Read: BreKa hailed Big Winner Duo of PBB Celebrity Collab Edition
Will confesses having a crush on Mika inside PBB house
Sa episode ng PBB: Celebrity Collab Edition noong March 17, 2025, unang inamin ni Will na si Mika ang isa sa mga babaeng housemate na nakapukaw sa kanyang atensiyon.
"Na-meet ko na kasi siya twice... Kaya parang kumportable ako sabihin yung ganon," saad niya noon.
Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?
Nasundan pa ito sa Boys Night Out noong April 8, kung saan tinanong ng male housemates ang isa't isa, "What would you like to confess to any of the girl housemates?"
Sagot dito ni Will: "[Magko-confess] ako kay Mika kasi kilala ko siya sa social media lang.
"Siguro ang iko-confess ko sa kanya is I wanna be friends with you more kahit sa labas."
Sabi pa niya tungkol kay Mika: "Sobrang bumilib ako kung paano siya mag-isip, kung gaano siya ka-strong as a person, and kung gaano siya ka-understanding sa lahat ng bagay.
"Gusto ko lang na ma-prove niya sa lahat ng tao kung sino talaga siya, hindi lang sa kung paano siya nakilala sa social media."
