May kuwelang hirit ang stand-up comedian na si Alex Calleja matapos makumpirma ang hiwalayang Gerald Anderson at Julia Barretto.
Ang kumpirmasyon sa hiwalayan ng dalawa ay nanggaling sa kinabibilangan nilang talent management agencies — Star Magic kay Gerald at Viva Artists Agency kay Julia — nitong Huwebes ng gabi, September 18, 2025.
Ayon sa dalawang talent management, maayos at sa magandang paraan nagwakas ang relasyon nina Julia at Gerald, kalakip ang kanilang pakiusap na huwag agad maniwala sa mga naglalabasang balita tungkol sa dahilan ng breakup ng dalawa.
Mas maigi raw maghintay ng pahayag mula mismo kina Gerald at Julia dahil sila lang ang nakakaalam ng katotohanan.
Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed
Marami ang nagulat at nalungkot sa balitang ito, lalo na ang mga masugid na tagahanga nina Gerald at Julia.

ALEX Weighs In on Gerald-Julia Breakup with HumoR
Para pagaanin ang kanilang nararamdaman, isang biro ang binitawan ni Alex Calleja sa kanyang Facebook account.
Read: Claudine Barretto backs Julia after breakup with Gerald Anderson
Kinonekta niya ang breakup nina Gerald at Julia sa mainit na isyung pinag-uusapan ng bansa—ang maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Mababasa sa post ni Alex (published as is): "Sabi na wala munang maghihiwalay dahil matatabunan ang issue sa flood control!
"Tigas ng ulo niyo Julia at Gerald!"

Mabilis na umani ng reaksiyon ang post na ito ni Alex.
Komento ng isang netizen (published as is), "babaha pa rin naman kahit hiwalay na sila… maalala pa rin yang flood control na yan."
Saad pa ng isa (published as is), "Pasensya na Gerald and Julia, focus muna tayo sa pagpapakulong mga kurakot sa flood control project."
Flood Control ProjectS Controversy
Patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng Senado at Kamara sa maanomalyang flood control projects.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
Lumalabas na bukod sa mga kontratista ay sangkot din sa korapsyon ang ilang senador, congressmen, at opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Read: Estrada, Villanueva willing to open bank accounts for scrutiny
Sa huling update ng imbestigasyon nitong Huwebes, September 18, naganap ang ika-apat na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa naturang isyu.
Dito ay na-cite for contempt ang contractor na si Pacifico "Curlee" Discaya III at si dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara dahil sa pagsisinungaling nila sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ide-detain at mananatili sina Discaya at Alcantara sa kustodiya ng Senado at ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms dahil sa hindi nila pagsasabi ng katotohanan.
Read: Curlee Discaya cited for contempt; Jinggoy Estrada "safe" again?
