PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shuvee Etrata explains old video and post on Vice Ganda

Shuvee: "I was really against the shutdown of ABS-CBN. In fact, I was a fan."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 30, 2025
Shuvee Etrata explains old video and post on Vice Ganda
Shuvee Etrata (left) on Vice Ganda (right): "I really love Showtime. I'm really grateful for Meme for giving me that opportunity to be on Showtime. Dati pinapanood ko lang."
PHOTO/S: Shuvee Etrata/Vice Ganda on Instagram

"Taken out of context."

Ganito inilarawan ng dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata ang mga lumang video at post niya na naglalabasan ngayon online, na siyang dahilan ng pamba-bash sa kanya.

Kabilang na rito ang umano'y pagpabor niya sa pagpapasara ng ABS-CBN noong 2020.

Ilang araw nang usap-usapan online si Shuvee makaraang mahalungkat ng netizens ang lumang Facebook post ng Kapuso actress tungkol sa Kapamilya network.

Noong May 6, 2020, isang meme na may litrato nina Coco Martin at Vice Ganda na umiiyak ang ini-repost ni Shuvee.

May kasamang text ang meme na kunwari sabi ni Coco sa salitang Bisaya na ang translation ay: "Tingnan mo Vice, inaway mo kasi si Quiboloy, na-shutdown tuloy."

Sagot kunwari ni Vice sa meme sa salita ring Bisaya na ang translation ay: "Joke lang naman yun."

Ang caption ni Shuvee rito ay "I can hear vice" at sad face emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy na "Quiboloy" sa meme ay ang controversial founder ng organisasyong Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name at kilalang malapit na kaibigan at spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago ang ABS-CBN shutdown ay nagkaroon ng patutsadahan sina Vice at Quiboloy, kaya may ibang netizens ang gumawa ng meme na animo'y si Vice ang dahilan ng pagpapasara sa network gayong malayo ito sa katotohanan.

Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics

Ipinost ni Shuvee ang nasabing meme dalawang araw mula nang ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN dahil sa pasong prangkisa ng network.

July 2020, tuluyang ibinasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN nang mga bumotong kongresista sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa panayam ni Shuvee kay MJ Felipe sa TV Patrol nitong Lunes, September 29, nilinaw nito ang konteksto ng luma niyang post.

Shuvee Etrata explains old video and post on Vice Ganda
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, hindi totoong pabor siya sa pagpapasara noon sa ABS-CBN.

Kung tutuusin, isa raw siya sa mga nalungkot sa kinahinatnan ng prangkisa ng network.

Saad niya: "I was really against the shutdown of ABS-CBN, in fact, I was a fan.

"I even tweeted po na, 'ABS-CBN is a culture. You're taking something against,' I mean, 'you're taking something from us, the people.'

"Kasi for me, growing up, I've always watched ABS-CBN, and Ms. Annette knows about it.

"I even told her na may antenna [pa kami sa TV namin para makapanood.]"

Ang "Ms. Annette" na tinutukoy ni Shuvee ay si Atty. Annette Gozon-Valdes, ang GMA senior vice president for programming, talent management, worldwide, and support group.

Read: Shuvee Etrata addresses criticisms about her political stand

shuvee Clarifies Her Old Post and Video About Vice Ganda

Pagdating naman sa kanyang shared post noon, nilinaw ni Shuvee na hilig niya noon pa mang gumamit ng memes ng hitsura ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwaan lamang daw ito at hindi ibig sabihin na may galit siya sa It's Showtime host.

Dagdag pa ni Shuvee, taken out of context ang short clips na naglalabasan patungkol sa kanila ni Vice, maging ang jojowain o totropahin vlog niya noon kunsaan siya napa-eew nang lumabas ang litrato ni Vice.

Natatawang paliwanag dito ni Shuvee, "Nag-eew talaga ako kasi po, first, parehas kaming girl."

Sundot na tanong ni MJ Felipe, "Nagkausap na ba kayo ni Vice?"

Sagot ni Shuvee, "I sent a message regarding yung mga fake ano, yung mga lumalabas sa ano, kasi gusto ko lang din i-clarify yung side ko na, 'Meme, I was always honest about my feelings to you. I never lied.'

"I'll wait po. I'm here to wait naman po.

"And tomorrow we will see each other sa shooting [ng Call Me Mother]. So, maybe we can talk things out."

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang netizens din ang nakapansin sa hindi na paglabas ni Shuvee sa It's Showtime simula nang pumutok ang kanyang isyu—gayong madalas naman siya noong nagko-co-host sa Kapamilya noontime show.

Dahil ba sa isyu nila ni Vice kaya hindi na siya babalik sa It's Showtime?

Sabi ni Shuvee: "[Actually yung] pagbabalik, kasi ano yun, e, sa availability ng schedule.

"I really love Showtime. I'm really grateful for Meme [Vice] for giving me that opportunity to be on Showtime. Dati pinapanood ko lang."

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na naging malapit si Shuvee kay Vice mula nang lumabas ang Kapuso actress sa PBB house.

Noon pa man, bukas na si Vice sa pagsasabing mabilis niyang nakapalagayan ng loob si Shuvee kaya siya mismo ang nakipag-usap kay Atty. Annette Gozon-Valdes para kunin ang dalaga sa It's Showtime.

Bukod dito ay kasama rin si Shuvee sa PBB Celebrity Collab housemates na pasok sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry ni Vice Ganda na Call Me Mother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Shuvee explains reason for deactivating her X account

Samantala, sa gitna ng isyu na kanyang kinakaharap, noong Linggo, September 28, ay dineactivate ni Shuvee ang kanyang X account.

Aniya, marami na siyang nababasang negatibong komento rito kaya siya nagdesisyong pansamantala munang burahin ito.

"For my mental health kasi ano, e, medyo malala pero, actually, nami-miss ko na din siya.

"I always take constructive criticisms, but if it's really, you know, a hate, ayun yung parang hindi ko magi-gets, e," pagbabahagi niya.

Laking pasasalamat daw ni Shuvee sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng ingay at kritisismo na kanyang natatanggap.

Tanggap daw niyang simula pa lamang ito ng pagsubok na kanyang tatahakin at anuman ang mangyari ay babaunin daw niya ang lahat ng aral na kanyang matututunan sa bawat pagkakamali.

Sabi niya: "Masakit din kasi kapag sobra silang nadya-judge kasi hindi ko nasasabi yung saloobin ko.

"Parang pinagtutulungan ako ng lahat. Parang nagtataka ako, 'Ano bang maling ginawa ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'May tinapakan ba akong tao? May ninakaw ba ako? May ginawa ba talaga akong kamuhi-muhi?'"

Diin pa ni Suvee: "I will really say this, I've made decisions before, but I'm really confident to say that right now, you're facing the better Shuvee, one who decides and thinks for the betterment of others."

Wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Vice, ngunit kamakailan lamang ay isang hirit ang kanyang binitawan sa It's Showtime tungkol sa pekeng pagkakaibigan.

Sa segment ng "Laro Laro Pick," nakikipagkulitan si Vice sa isang contestant nang bigla siyang humirit tungkol sa nagsasabing idol siya o kaya iyong kunwa'y malapit sa kanya pero iba ang sinasabi pag wala sa harap niya.

Lumapit si Vice sa camera at saka sinabing: "Ginagamit-gamit mo lang ako. Uutuin niyo ako na kunyari idol niyo ako, tuwang-tuwa kayo sa akin, pero babati lang naman kayo.

"Kunyari lang idol niyo ako pero bina-bash niyo ako pag may mga eksena ako sa Facebook."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumingit ulit ang contestant at sinabing "love na love" niya si Vice Ganda.

"O, di ba? Pinagloloko-loko mo lang ako. Mga echosera kayo dito! Kunyari close-close tayo pero may mga post naman kayong chaka tungkol sa akin!"

Read: Vice Ganda's "kunyari close-close tayo" comment draws speculation

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang kasiguraduhan kung si Shuvee nga ba ang pinapatamaan dito ni Vice.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shuvee Etrata (left) on Vice Ganda (right): "I really love Showtime. I'm really grateful for Meme for giving me that opportunity to be on Showtime. Dati pinapanood ko lang."
PHOTO/S: Shuvee Etrata/Vice Ganda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results