Muling nagpakita ng suporta si GMA Network Senior Vice-President Annette Gozon-Valdes sa Sparkle artist na si Shuvee Etrata mula sa mga natatanggap nitong batikos dahil sa kanyang political stand.
Usap-usapan nitong mga nagdaang araw ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate matapos mahalungkat ng netizens ang video niyang kuha noong March 12, 2025, habang naka-live sa TikTok.
Sa video, inihayag ni Shuvee ang kanyang pagkalungkot at pagkabahala sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaresto si Duterte nang dumating ito sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa kanyang biyahe sa Hong Kong noong March 11.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), dinakip si Duterte sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) na ipinadala sa International Criminal Police Organization (Interpol) Manila.
Read: Duterte charged with 3 counts of murder by ICC prosecutors
Pag-amin noon ni Shuvee, hindi niya napigilang maiyak nang mabalitaan ang nangyari sa dating Pangulo.
"Naiyak talaga ako kagabi, empath kasi ako. Kasi sa lugar namin, ang laki ng naitulong ni PRRD [President Rodrigo Roa Duterte].
"Like, ang drugs talaga, guys—ang laki niyan na thing. Ewan ko lang sa inyo pero nagpapasalamat talaga ako kay Duterte," pagbabahagi noon ng dalaga.
Sa hiwalay pang spliced video, bagamat walang direktang pag-amin ay tila ibinoto ni Shuvee si Pangulong Bongbong Marcos sa nagdaang 2022 national elections nang sabihin niyang "nabudol" siya nito.
Makaraang mag-viral, katakut-takot na batikos ang natanggap ng Kapuso actress mula sa netizens na hindi pabor sa naging pahayag niya sa kanyang old social media posts.
Read: Mika Salamanca apologizes, unfollows Kitty Duterte on Instagram
Sumabay rin kasi ito sa panawagan ng maraming netizens sa mga iniidolo nilang artista na gamitin ng mga ito ang kanilang impluwensiya na maninidgan sa mga mahahalagang isyu sa bansa.
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
Agad namang humingi ng tawad si Shuvee sa mga nadismaya niyang tagahanga.
Noong September 24, isang open letter ang isinagot ni Shuvee kaugnay ng mga natamo niyang kritisismo mula sa netizens.
Walang direktang personalidad o isyu na tinukoy si Shuvee sa kanyang pahayag.
Ang tanging malinaw ay humingi siya ng pasensiya sa mga nadismaya sa kung anumang nasabi niya noon na nakasakit sa iba.
Kalakip ang pangako niyang natuto na siya sa kanyang pagkakamali noon.
Idiniin din niyang nakikiisa siya sa mga kapwa Pilipino na dumadaing lalo na sa isyu ng talamak na korapsyon sa bansa.
Read: Shuvee Etrata addresses criticisms about her political stand
ANNETTE GOZON-VALDES extends support for Shuvee Etrata
Ang opisyal na pahayag ni Shuvee ay ini-repost ng top GMA executive sa kanyang Instagram Stories.
Kalakip nito ang mensahe ng pagsuporta niya rito anuman daw ang mangyari.
Caption ni Gozon-Valdes, "We know where your heart is @shuveeetrata, we are here for you 110%."

ANNETTE GOZON-VALDES DEFENDS SHUVEE ETRATA
May mga kumuwestiyon sa pagsuporta ni Gozon-Valdes sa anila'y maling paniniwala at panindigan ni Shuvee sa usapin ng war on drugs.
Para bigyang-linaw ang nauna niyang pagpapahayag ng suporta kay Shuvee, nag-post ang top GMA executive ng kanyang pahayag sa Facebook kagabi Biyernes, September 26.
Depensa ni Annette, may karapatan siyang ipangtanggol ang sinumang artista sa GMA-7 kapag ang mga ito raw ay hindi na makatarungang inaatake sa social media.
Diin pa niya, gaya ng mga normal na mamamayan, may sariling prinsipyo, paniniwala, at paninindigan din si Shuvee.
Ngunit hindi raw ibig sabihin nitong "die-hard" ang aktres sa sinumang politiko.
Mababasa sa post ni Annette (published as is): "Please allow me to clarify an article going around... I am ready to offer my support to Shuvee, any of our artists, or any of my friends when they are wrongfully and unfairly attacked.
"Shuvee is not 'die hard' for any politician. She has had very very few (and short) posts that have political color in the past.
"She gave her personal observation and opinions on what she believed to be good acts and bad acts done by the govt.
"If she personally observed that the negative effects of drugs was mitigated IN HER NEIGHBORHOOD, then let's respect that... just as we should respect her stand against the shutdown of ABS CBN."
Kaugnay nito, nakiusap din si Annette na igalang ang opinyon ng bawat isa.
Kalakip ang pag-asa niyang matigil na ang pamba-bash kay Shuvee at mas pagtuunan ng pansin ang pagsugpo sa mga korap na kawani ng gobyerno.
Read: Escudero, Villanueva, Estrada, Revilla face prosecution over flood control mess
Aniya (published as is): "Please, let's respect each other's opinions. Rather than spread hate and attack each other, we should unite against our common goals such as searching for the truth and ending corruption.
"Let's join forces to cancel corruption, not people who work hard for their family.
"Peace #HEARTOVERHATE #PANATAKONTRAFAKENEWS."

Read: Agot Isidro, Karen Davila angry over "basura" code for kickbacks
