Pinalagan ni James Reid ang ilang JaDine fans na patuloy ibinabalik ang mga lumang litrato nila ng ex-girlfriend at ka-loveteam na si Nadine Lustre.
Isang video habang kinakanta ang sarili niyang bersiyon ng kantang "Yamaha" ng American singer na si Dijon ang ini-upload ni James sa kanyang TikTok account.
Sa comments section ng kanyang post, naglipana ang iba’t ibang sweet pictures nila ni Nadine.
Mula ito sa mga tila hindi pa rin maka-move on na tagahanga ng kanilang tambalan—ang JaDine.
Mayroon pang mga nag-comment ng litrato nina James at Nadine na kasama si Issa Pressman, ang kasalukuyang kasintahan ng actor-singer.
Karamihan sa mga ito ay nagsasabing mas gusto nila si Nadine para kay James.
Hindi ito pinalampas ni James.
Mensahe niya sa comments section ng kanyang post (published as is): "So many bitter people that can stand to see me this happy.
"I hope all of you here find love like I did that inspires you and gives you a reason to be your best self.
"Love is the answer."

Kalakip nito ang pagbabahagi niya ng sweet picture nila ni Issa nang magdiwang ito ng kaarawan.
Sa litrato, makikita si Issa na may hawak na cake habang nakahalik sa kanyang pisngi si James.

James responds to comments from JaDine fans
Ngunit imbes na matuldukan ay nagpatuloy ang JaDine fans sa pagku-comment ng lumang litrato nina James at Nadine.



May ilan ding nagduda na hindi umano si James ang nagkomento at nag-post sa picture nila ni Issa.
Hinala nila, maaaring si Issa ito dahil "nagseselos" na ito sa mga nakikita niya sa comments section.
Saad ng isang netizen (published as is), "himala, natrigger niyo ang nonchalant na si James Reid or si James ba talaga yan?"
"Nagselos siguro yung girl [Issa] sa mga pinagse-send niyo," hirit pa ng isa.
Mabilis itong nireplayan ni James ng, "Not at all. You're the ones who are jealous sending those pics. Think about it."

Isa pang komento ng JaDine fan ang binuweltahan ni James.
Komento ng fan (published as is): "Nakakatulog pa kaya gf nito ng maayos pagkakita sa mga comments?
Sagot ni James: "Yes she sleeps very well right next to me."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay naka-turn off na ang comments section ng TikTok post ni James.
JAMES-NADINE BREAKUP
Base sa mga komento, marami pa rin sa tagahanga nina James at Nadine ang hindi tanggap ang hiwalayan ng dalawa.
Noong January 1, 2020, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang breakup nina James at Nadine.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Kinumpirma ng dalawa ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng kanilang joint statement noong January 20, 2020.
Sa ulat ng PEP noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano'y third party sa hiwalayang JaDine.
Read: Issa Pressman, pinagbibintangang third party sa James Reid-Nadine Lustre breakup
Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa ni James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.
Read: James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman
Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.
Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup
Hanggang noong March 17, 2023, tuluyan nang inamin nina James at Issa ang kanilang espesyal na relasyon.
Samantala, masaya na rin ngayon si Nadine sa piling ng nobyo niyang French businessman na si Christophe Bariou.
Read: Nadine Lustre, 31, admits she’s not yet ready for motherhood
