Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na hindi pa rin siyang handang maging isang ina, kahit siya ay magdiriwang na ng ika-32 kaarawan sa October 31, 2025.
Sa panayam ni Nadine kay MJ Felipe ng TV Patrol noong Miyerkules, October 1, 2025, ibinahagi niya na bukod sa pagbubuntis ay takot din siya sa responsibilidad ng isang ina na buhayin at alagaan nang maayos ang kanyang magiging anak.
Ang pag-aanak ay madalas naman daw nilang pag-usapan ng longtime boyfriend niyang si Christophe Bariou.
Ngunit nananatili raw na buo ang desisyon ng aktres na ayaw pa niyang magsilang ng sanggol—bagay na naiintindihan naman daw ni Christophe.

Saad ni Nadine, "Nakakatakot maging nanay, honestly, like every time we [Christophe] talk about it.
"I’ve been working for as long as I can remember, and I can’t imagine having another responsibility other than my career."
Read: Nadine Lustre on pregnancy rumors about her every year: “I don’t know why, I don’t know how.”
Sa ngayon mas pinagtutuunan daw ng pansin ni Nadine ang kanyang showbiz career, maging ang mga negosyo na itinatayo nila ng kanyang nobyong si Christophe.
Aniya, "I am so focused with my career and, of course, this guy right, and our businesses as well.
"So parang hindi ako ready. So saludo talaga ako sa mga moms."
Nadine Lustre previously expressed hesitation about having kids
Hindi ito ang unang pagkakataong inihayag ni Nadine ang saloobin niya patungkol sa pagkakaroon ng anak.
Noong January 30, 2021, sa isang vlog interview niya sa celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo, una nang sinabi ni Nadine na mas gusto niyang mag-ampon kaysa magsilang ng sariling anak.
Read: Why Nadine Lustre prefers adopting over having a kid of her own
Nasundan pa ito noong April 16, 2023, sa panayam niya sa YouTube vlog ni Bea Alonzo, sinabi niya ang mga dahilan kung bakit ayaw niyang mabuntis at magkaroon ng sariling anak.
Sabi ni Nadine: "First of all, takot akong manganak.
"Yun talaga yung pinaka-reason ko kung bakit ayaw ko magkaroon ng kids na sarili.
"Takot ako mabuntis, takot ako manganak."
Naniniwala si Nadine na maaari raw siyang maging magulang sa ibang paraan na hindi nabubuntis.
Mas gugustuhin daw niyang mag-ampon na lang para maalagaan ang mga batang inabandona at hindi naaalagaan nang maayos.
Read: Nadine Lustre reveals reason why she doesn't want to have kids
