Spotted ang rumored couple na sina Janella Salvador at Klea Pineda sa Arté Tattoo sa may Makati City.
Mapapansin ding matchy-matchy ang outfits nila. Pareho silang naka-all black at naka-cap.

Sa Instagram Story ng Arte, makikita na parehong nagpa-tattoo sa kaliwang kamay sina Klea at Janella.

Hindi naman ipinakita kung ano ang design kaya hindi tuloy malaman kung matching din ang kanilang tattoos.
Read: Bea Alonzo’s birthday surprise with BF Vincent Co goes viral
NETIZENS REACT TO JANELLA, KLEA SIGHTING
May ilang netizens naman ang nagkomento sa post na ito.
Sabi ng isa, "Dyan na din ako mag-papa-tattoo pag may jowa na ako."

Sa TikTok post ni Klea, mapapanood na may umapuhap ng mukha niya.
Ang sabi ng fan na obviously ay nakasubaybay kay Klea: "Di nahuhulan kaninong kamay un post sa tiktok eto"

Mapapansin din sa background na kapareho ito ng dingding ng tattoo studio.
@kleacpineda ? original sound - nichetimbob
Read: Marian Rivera swarmed by fans in Vietnam
JANELLA SALVADOR-KLEA PINEDA CONNECTION
Naging close sina Janella, Klea, at Jasmine Curtis-Smith habang ginagawa nila ang Cinemalaya 2025 movie na Open Endings, na tumatalakay sa sapphic relationship.
Ang sapphic ay nangangahulugang "sexual attraction or activity between women."
Kasama rin nila sa pelikula si Leanne Mamonong.
Buwan ng July noong nagsimulang maugnay ang pangalan ni Janella kay Klea matapos maghiwalay ang Kapuso actress at partner niyang si Katrice Kierulf.
Noong July 18, inamin ng StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor na si Klea sa Fast Talk With Boy Abunda na nagwakas na ang tatlong taong relasyon nila ni Katrice.
Ayon kay Klea, hindi na nila natutulungang mag-grow ang isa't isa.
Read: Is Janella Salvador the third party in Klea-Katrice split?
Noong August, magkasama rin sina Klea at Janella sa ginanap na GMA Gala 2025 sa Manila Marriott Hotel at Newport World Resorts.
Read: Klea Pineda, spotted kasama si Janella Salvador after ng GMA Gala
Noong September 3, 2025, sa panayam nina Janella at Klea sa TV5 entertainment news reporter na si MJ Marfori, itinanggi ng Kapamilya actress na may kinalaman siya sa hiwalayang Klea at Katrice.
"Para lang maging klaro, sabi ko po, magsasalita ako at the right time. Ito na yun.
"Hindi po ako part ng breakup. Hindi po ako third party.
"I'd like to exclude myself from that," seryosong sabi ni Janella.
Pagdating sa ugnayan nila ni Klea, sabi ni Janella, "And ayun lang. Kung ano nakikita niyo ngayon, yun na yun."
Panay rin ang ngiti ni Janella nang usisain kung gaano siya kasaya.
Katabi si Klea, aniya pa, "Nakikita niyo naman kung gaano ako kasaya."
Nang tanungin naman si Klea ni MJ, "Are you together?"
Hindi nagbigay ng diretsong sagot si Klea: "Nakikita niyo online, kahit saan, yun na yun. Basta masaya kami... together."
Read: Janella Salvador calls out "homophobic" LGBT member
