PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes opens up about confronting girl flirty with Coco

Julia Montes recalls confronting girl acting flirty towards Coco Martin.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 30, 2025
Julia Montes on confronting girl flirty with Coco Martin: "Kapag iyo, iyo!"
In her recent interview on a YouTube vlog, Julia Montes recalled the time she confronted an unnamed personality who was acting flirty toward her longtime partner, Coco Martin.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Coco Martin on Instagram

Nagulat si Julia Montes nang mag-trending online ang naging panayam sa kanya ni DJ Chacha tungkol sa babaeng pinagselosan niya sa karelasyong si Coco Martin.

Noong October 14, 2025, tinanong ni DJ Chacha ang aktres kung may pinagseselosan pa rin ba siyang mga nakakatrabaho ng kanyang partner na si Coco—kahit mahigit isang dekada na silang magkarelasyon.

Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline

Mabilis na sagot dito ni Julia: "Meron pa rin. Kasi meron pa rin namang ano [lumalandi]. Ang guwapo ni Coco, e."

Bagamat nagseselos, hindi raw ito sinasabi agad ni Julia kay Coco.

"Ang rule ko lang, huwag lang magkakamali, okay pa ako. Huwag lang ring magkakamali yung babae.

"Pero kapag nagkamali, naku, asahan mo na!" pagbabanta niya.

Dagdag pa ni Julia: "Nalalaman mo talaga [kapag nagkamali, e].

"Kasi ayun ang sinasabi ko sa buhay natin, dapat ang gagawin mo at bawat desisyon mo alam mong babalik sa yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi man ngayon, but time will come na meron talagang balik."

Sundot na tanong ni DJ Chacha, "May na-confront ka na medyo ‘Girl, kalmahan mo, work lang ito,' may naganun ka?"

Dito na ipinagtapat ni Julia na may isang pagkakataong ipinaramdam niya sa isang babaeng katrabaho ni Coco ang kanyang inis dahil sa madalas nitong paglapit sa aktor.

Sabi ni Julia: "Hindi ko siya kinausap pero pinaramdam ko sa kanya. Kasi wala nang point para kausapin ko siya, excuse me!"

Hindi na pinangalanan ni Julia ang nasabing babaeng kanyang sinungitan.

"[Hindi ko idedetalye] baka makilala niyo pa siya!" natatawa niyang sambit.

Read: Yassi Pressman assures Coco-Julia fans there's no reason to be jealous

Kasunod nito ang pagbabalik-tanaw ni Julia kung paano niya ipinaramdam sa babae kung sino siya sa buhay ni Coco.

Lahad ni Julia: "Super warm kasi ako. Alam mo kapag okay ako sa iyo at kapag hindi.

"Hindi ako plastic, hindi ako showbiz. Kapag hindi ako okay sa iyo, hindi kita papansinin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So nag-hi siya, 'Hi po.' E, ka-batch ko lang siya. Sabi ko, 'Excuse me, maka-po ka naman!' Ganun, with smile."

Gustuhin man daw ni Julia na hindi palagan ang nasabing babae ay hindi niya napigilan ang sarili dahil para sa kanya ay sumusobra na ito.

Saad niya: "Kasi sobra rin naman siya. Kumbaga, strike three. Sobra, sobra rin naman."

Pahabol ni DJ Chacha, "Buti hindi kayo nasira ni Coco, kung sobra-sobra na."

Saglit na napahinto si Julia, sabay tingin sa camera at mataray na sinabing, "Sorry, girl!"

Julia Montes on confronting flirty girl
Photo/s: Screengrab DJ Chacha on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Coco Martin says relationship with Julia Montes is going strong

JULIA reacts to viral "flirty girl" story with Coco Martin

Sa ginanap na 20th anniversary celebration ng Cornerstone Entertainment nitong Miyerkules, October 29, 2025, nakorner si Julia ng entertainment press, sa pangunguna ni MJ Marfori ng News5.

Dito ay naitanong ang naging rebelasyon niya sa babaeng kanya noong pinagselosan.

Pahayag ni Julia, inamin niya ito dahil kumportable na siya ngayong pag-usapan ang relasyon nila ni Coco.

Saad niya: "Siguro lang, kung ngayon kapag tinatanong na, mas open lang [ako] mag-share.

"Hindi naman dahil secretive kami before, but it's more of kaibigan ko na rin kasi si DJ Chacha. So, parang wala lang, kuwentuhan lang."

Sundot na tanong ni MJ, "Bakit importante na you put your foot down when things like that happen?"

Paliwanag ni Julia: "Dati pa naman, hindi lang talaga ako natatanong and siguro wala namang ganun.

"I mean, tinanong lang ako, sumagot lang ako kung ano yung ginawa ko or ano yung naramdaman ko, and then shinare ko lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nothing, nothing serious, nothing to be... parang ma-worry. So, wala namang ganun."

Dahil sa ginawang pag-amin ni Julia, ibig bang sabihin nito ay nasa "palaban era" na siya, na handang harapin ang sinumang babaeng magpapakita ng motibo kay Coco?

Tipid ngunit malamang sagot ng aktres, "No naman. Siguro lahat naman tayo, pag iyo, iyo. So, yun lang."

Read: Coco Martin treats her like a queen, Julia Montes swoons

JULIA AND COCO DATING HISTORY

Hinihinalang higit isang dekada na ang relasyon nina Coco at Julia.

Nagsimula silang maging loveteam sa top-rating primetime series ng ABS-CBN, ang Walang Hanggan, noong 2012.

Si Coco ay 29 noon, at si Julia naman ay 16.

Doon sila naging malapit na magkaibigan.

Bukod sa parehong laki sa lola, pareho ring self-made ang dalawa.

Read: Julia Montes reflects on turning 30

Sa paglipas ng mga taon, kahit na naitambal sila sa ibang onscreen partners, nanatiling malapit sina Coco at Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2019 nang muling napunta sa spotlight ang kanilang ugnayan, lalo na nang maging usap-usapan ang pagkakaroon nila ng anak.

Hindi ito kailanman kinumpirma ng couple kahit naging maugong ito sa showbiz circles.

Nanatiling low-key ang relasyon ng dalawa.

Noon lamang taong 2021, nang magbakasyon sila sa Boracay, unti-unting naging bukas sina Coco at Julia tungkol sa kanilang pagkakamabutihan.

May 2023, sa isang TV interview, nadulas si Coco nang ilarawan niya ang ugnayan nila ni Julia sa lumipas na "twelve years."

Nang tanungin ni MJ Felipe ng TV Patrol kung 2011 ang "anniversary" nila, sumagot si Coco ng, "Ang galing mo, ah!"

Read: Coco Martin opens up about relationship with Julia Montes

Simula nito ay mas bukas na ang couple sa paglabas-labas nilang magkasama kahit na may media.

Sabi ni Julia sa isang panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi nila itinatago ang relasyon nila ni Coco, sadyang low-key at "mahiyain" lang daw sila kaya't matagal nilang naamin ang tunay nilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her recent interview on a YouTube vlog, Julia Montes recalled the time she confronted an unnamed personality who was acting flirty toward her longtime partner, Coco Martin.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/Coco Martin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results