Humanga ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa talento ng co-stars niya sa Meet, Greet & Bye.
Kabilang na rito ang apat na gumanap bilang anak niya sa pelikula — sina Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano, at JK Labajo.
Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ng TV5, naitanong kay Maricel ang tungkol sa mga ugali ng mga artista ngayon.
Dito ay binanggit ni Maricel ang ilang kabataang artista na hindi nagbibigay-pugay sa senior stars.
Saad ng award-winning actress: "A, hindi. Parang hindi naman natin puwede kasing lahatin, di ba?
"Pero parang most of them kasi hindi marunong magbigay-pugay. Hindi marunong mag-hello.
"Alalahanin nila, kung wala kami, wala sila. Dahil doon daw yun, e."
Kasunod nito ay binalikan ni Maricel ang kinamulatang ugali ng mga artista noon.
Aniya, "Kasi kami, nung mga nag-umpisa kami, sinasabi nila sa amin, 'Si Ate Guy [Nora Aunor] at si Ate Vi [Vilma Santos], pasalamatan ninyo, dahil kung wala sila, wala kayo.' Ganun.
"Kaya pag iyon sinunod mo, good ka. Good, di ba?
"Alam mo yung tinatakbo ng career mo. Alam mo yung tatakbuhin mo pa."
Read: Joshua Garcia not offended by Direk Cathy’s sharp tongue
MARICEL ON PIOLO PASCUAL: Napaka-professional ni Papa p
Isa sa labis daw hinahangaan ni Maricel sa pagiging professional ay si Piolo Pascual, na gumaganap bilang panganay niyang anak na si Tupe Facundo sa Meet, Greet & Bye.
Lahad niya: "Alam mo, ang lagi kong ginagawang ehemplo pagdating sa ganyan, si Papa P.
"Napaka-professional ni Papa P. Wala kang kaproble-problema. Laging naka-smile.
"Kahit pagod na kami, naka-smile pa rin siya. Hindi mo siya makitaan na naiinis, walang ganun.
"Laging, 'I love you, Ma.' 'I love you, Ma.' Lahat sila puro 'Ma, I love you.'
"Paano ba naman ako hindi mababaliw nun, di ba? Tapos ang guguwapo pa nila.
"Ang guguwapo nila. Ang lalaki nilang tao, e.
"Tapos, e, bigla na lang akong kakargahin porket maliit lang ako. Hindi ako makapalag, di ba?"
Kinilig naman daw siya sa mga anak-anakan niya.
Aniya, "Oo naman. Siyempre naman, di ba?
"Pero sabi ko... si JK lalo na. Napakalambing ni JK, sobra.
"Sobrang malambing."
Mapapanood sa mga sinehan nationwide ang Meet, Greet & Bye simula ngayong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025.

Read: Juan Ponce Enrile ipinagluksa ng ilang celebrities kahit buhay pa
