Isa sa hindi malilimutang karanasan ni Joshua Garcia habang nagsu-shooting sila ng pelikulang Meet, Greet & Bye ay ang staycations nila sa location.
Iba raw kasi ang nangyaring bonding moments nila ng mga gumanap na kapatid niya sa pelikula na sina Piolo Pascual, JK Labajo, at Belle Mariano sa bed-and-breakfast (BnB) stays nila.
Si Maricel Soriano naman ang gumanap bilang kanilang ina.
Lahad ni Joshua: "Yung mga BnB moments namin. Yung mga late-night talks. Late-night kulitan.
"Kaya yung BNB moments kasi, daming nangyari sa BNB. Nag-Monopoly kami dun.
"Tapos nag-ano pa kami, yung synchronized dancing, synchronized swimming ba yun?
"Sumasayaw kami kasi sobrang wala na kami.... nag-[swimming] pool kami. Ta's biglang nakaisip to si JK, tsaka si Belle, na nagko-choreo na sila.
"Kami ni Piolo, nagkukuwentuhan. Nagko-choreo ta's bigla pinapaaral na sa amin ta's biglang nagkaka-ganunan na kami.
"So, ito yung isang mga memories na hindi ko makalimutan."
In-upload ni Belle sa Instagram ang video ng naturang activity nilakahapon, November 12, 2025.
View this post on Instagram
Nagsimula nang ipalabas sa lagpas 500 theaters ang Meet, Greet & Bye kahapon din.

At ayon sa ulat, nakalikom ito ng PHP10.5-M sa opening day.
Read: Box office: Meet, Greet & Bye naka-PHP10.5M sa first day
Joshua garcia on the impact of his co-stars TO him
Ano naman ang impact sa kanya ng co-stars niyang gumanap ding kapatid niya sa pelikula?
Saad ni Joshua: "Pinakamalaking naging impact sa akin, nagbigay ng ano sa akin, I think si Piolo.
"Kasi siya yung nakita ko na magandang ehemplo sa lahat.
"Napaka-good influence si Piolo. Team player naman, mahaba ang pasensiya, iniisip niya lahat.
"Maalaga siyang tao sa lahat. Hindi lang sa aming mga artista, kundi [maging] sa staff."
Itinuturing naman niyang kapatid si JK.
"Si JK naman, the guy is so smart. Alam kong siya yung kaibigan ko na parang... kapatid pala.
"Siya yung kapatid ko na gusto ko siyang maging kapatid na habang nabubuhay ako. Ganun si JK. Kuwelang tao."
Si Belle, na itinuturing nilang bunso, ay maalaga raw.
Kuwento ni Joshua: "Si Belle naman ay maalaga. Ano siya, bunso, pero maalaga. So, pinaglulutuan niya kami.
"Lagi siyang ma-order and palagi niyang iniisip yung nararamdaman ng lahat.
"So, palagi niyang tsini-check kung okay ka lang, ganyan, and sobrang daldal.
"Yeah. Pero ano yan, charm niya yan, e, di ba?
"Ayun, kung hindi siya madaldal, hindi masaya yung set. Parang ganun."
Itinuturing naman niyang "nanay" nilang lahat si Maricel Soriano.
"And si Inay, of course, ang aming nanay, grabe yung ano niya sa... sobrang nanay lang talaga siya sa amin sa lahat.
"Ako kasi, hindi ako lumaki sa nanay ko, e.
"So, parang thankful ako nung nakilala ko siya, nakatrabaho pa siya, ta's nanay ko pa siya.
"At least, kumbaga, nagkaroon ako ng isa pang nanay na mag-aalaga at maasikaso.
"Sobrang alaga niya, totoo iyon, ha, at asikaso niya.
"Like, nakikita niyang pawisan lang kami, ta's biglang lalagyan niya kami ng bimpo sa likod, as in ano ha, bimpong pambata pa, na towel, ganun.
"Ta's bigla na lang siyang mag-i-spray ng baby cologne sa amin kahit ang sobrang pawis-pawisan namin.
"So yan, e, sobrang na-appreciate ko yun sa kanya, kasi hindi ko yun na-experience nung bata ako," pagbabahagi ni Joshua.
