PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval: “The best decision I ever made was to stay quiet.”

AJ Raval posts a message after her shocking revelation.
by Arniel C. Serato
Published Nov 14, 2025
AJ Raval thankful for keeping silence about her issues before
AJ Raval: "The best decision I ever made was to stay quiet. Protecting my peace feels too good. And thank you to those who understood me without me having to explain."
PHOTO/S: Courtesy: @kevindavisdphotog

Itinuturing ni AJ Raval na "best decision" sa kanyang buhay ang pananahimik noon sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Ang maprotektahan ang katahimikan ng kanyang buhay ay nakakagaan daw sa pakiramdam.

Kaya nagpasalamat siya sa mga taong naintindihan siya kahit hindi man siya nagpaliwag.

Buong post ni AJ sa kanyang Instagram ngayong Biyernes, November 14, 2025: "The best decision I ever made was to stay quiet. Protecting my peace feels too good [praying hands, heart emoji]

"And thank you to those who understood me without me having to explain [praying hands, face holding back tears emojis]"

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Hindi idinetalye ni AJ kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang mensahe.

Ngunit maaaring ang tinutukoy ni AJ ay ang hindi niya pagsasalita noon sa paratang na siya ang third party sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Posible ring tumutukoy ito sa pagtanggi niya noong may mga anak na sila ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa pagkadulas ng ama niyang si Jeric Raval noong August 2025, at kinumpirma nitong may mga anak na sina AJ at Aljur.

Read: Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ at Aljur

AJ RAVAL'S BOMBSHELL REVELATIONS

Nitong nakaraang November 12, 2025, sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si AJ at inaming may lima na siyang anak.

Ang unang dalawang anak ni AJ ay mula sa dati niyang karelasyong walang kinalaman sa showbiz.

AJ raval during her guest appearance at Fast Talk with Boy Abunda last November 12, 2025
AJ Raval during her guest appearance at Fast Talk with Boy Abunda last November 12, 2025
Photo/s: Courtesy: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tatlo naman ay mula sa kinakasama niya ngayon na si Aljur.

Aniya, “Aaminin ko na para matapos na."

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

KYLIE PADILLA KNOWS ABOUT ALJUR'S CHILDREN WITH AJ

Ilang oras matapos ang panayam kay AJ, ang ex-wife naman ni Aljur na si Kylie Padilla ang naghayag ng kanyang damdamin.

Matagal na raw niyang alam ang tungkol dito pero mas inisip niya ang kapakanan ng mga bata.

Masaya na raw siyang malaya nang makapag-bonding ang magkakapatid.

Buong post niya sa Facebook (published as is): “Ito lng po comment ko para matapos na

"matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata.

"Sobrang close sila at yun pinakaimportante.

“Happy that now di na kailangan magtago. Proud of you.

"Peace all around. Sana matapos na drama.”

Read: Kylie Padilla, matagal nang alam ang rebelasyon ni AJ Raval

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval: "The best decision I ever made was to stay quiet. Protecting my peace feels too good. And thank you to those who understood me without me having to explain."
PHOTO/S: Courtesy: @kevindavisdphotog
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results