Kasunod ng pagbubunyag ni Ellen Adarna na pinagtaksilan umano siya ng asawang si Derek Ramsay ay pinuri naman niya ang dating partner na si John Lloyd Cruz.
Ngayong Lunes, November 17, 2025, isinapubliko ni Ellen ang panloloko umano ni Derek noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.

Sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa relasyon nina Derek at Ellen, hindi maiwasan ng ilang netizens na ibalik ang nakaraan nina Ellen at John Lloyd.
Nakarelasyon ni Ellen si John Lloyd mula 2017 hanggang August 2019.
Si John Lloyd ang ama ng panganay na anak ni Ellen na si Elias.
Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna love story: A timeline
"Maiba naman, are you and JL [John Lloyd] ok?" tanong ng isang netizen kay Ellen.
Sa pamamagitan ng isang video ay sinagot ito ni Ellen. Ibinahagi niya ang video sa Instagram Stories.
Aniya, wala siyang masasabing masama kay John Lloyd dahil naging mabuti itong partner at ama sa kanilang anak.
Hindi raw huminto si John Lloyd na magpaka-ama kay Elias na pitong taong gulang na ngayon.
"JL" ang tawag ni Ellen kay John Lloyd.
Sabi ni Ellen: "With JL, wala talaga ako masabi. I have nothing but good things to say about him, you know.
"We had differences in the past but I respect him because he is a very good provider.
"He is honest and he is a very present father."
Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd
Ellen adarna on john lloyd cruz's efforts as a father
Pagbibida pa ni Ellen, noong nagdiwang ng 1st birthday si Elias ay pilit daw nagpunta si John Lloyd sa kanila para makasama ang anak sa espesyal nitong araw noong July 17, 2019.
Noong panahong iyon ay hiwalay na raw sila ni John Lloyd.

Ani Ellen: "Take note na noong naghiwalay kami ni JL, that was before Elias turned one year old, present siya.”
Makalipas ang isang buwan, matapos mag-one year old si Elias, naisapubliko ang breakup nina Ellen at John Lloyd.
Kuwento pa ni Ellen, noong kasagsagan ng pandemic ay nag-effort din si John Lloyd na makita ang kanilang anak.
"He would charter a private plane for Elias during [the] COVID [pandemic] just to see his son..." ani Ellen.
Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna celebrate Baby Elias's 1st birthday
Ellen adarna on daughter’s 1st birthday without Derek
Dahil sa positibong pahayag ni Ellen kay John Lloyd, hindi napigilan ng ilang fans na itanong din ang relasyon ni Derek sa anak nilang si Liana.
Noong October 23 nagdiwang ng unang kaarawan ang panganay na anak nina Ellen at Derek.
Kapansin-pansing absent si Derek sa party na inorganisa ni Ellen, base sa mga litratong ipinost ng huli sa social media.
Noong mga panahong iyon ay maugong na ang bulung-bulungang hiwalay na sina Ellen at Derek.
Kaugnay nito, tinanong si Ellen ng isang netizen, "Why did you let Derek miss your daughter's first birthday party?"
Hindi inurungan ni Ellen ang pang-uusisa ng netizen.
Ayon kay Ellen, inabisuhan niya si Derek na magpunta sa birthday celebration ng kanilang anak, ngunit nagmatigas daw ang aktor na hindi magpunta.
Pahayag ni Ellen: "He was sent an invite, but he chose not to go.
"He was doing frisbee or golf somewhere—so important, right?
"So there, he was sent an invite, and just two of his family came: his sister and his nephew. That’s it.
"He had a choice."
Read: Ellen Adarna laughs off rumor linking Sarah Lahbati to marital woes
THE ALLEGED "SIDE CHICK"
Sunud-sunod ang IG Stories ni Ellen tungkol sa isyu nilang mag-asawa.
Una na niyang ibinahagi ang "receipts" o screenshots ng aniya'y palitan ng mensahe ni Derek at ang "side chick" ng aktor noong "February 13, 2021."
Makikita rin ditong sinend ng "side chick" ang mga palitan nila ng mensahe ni Derek sa ibang tao, at saka nagkuwento na madalas daw siyang i-text at tawagan ng aktor.
Nagtataka raw ang "side chick" kung bakit kinukulit pa rin siya ng aktor kahit karelasyon na nito si Ellen noon.
Base sa timeline ni Ellen, siyam na araw na silang opisyal na magkasintahan ni Derek noon.
Hindi raw alam ni Ellen ang tungkol sa "side chick" ni Derek.
Nalaman na lang daw ni Ellen nang may magsumbong sa kanya tatlong linggo lang ang nakakaraan.
Patutsada pa ni Ellen, hindi niya maiwasang maisip na kung nagawa raw iyon ni Derek noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon, baka raw naulit pa ito noong sila ay mag-asawa na.
Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s alleged infidelity
