PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin’s funny reaction to Joaquin calling Lella "babe"

Joaquin Arce and Lella Ford are both Kapamilya PBB celebrity housemates.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 26, 2025
Angel Locsin’s funny reaction to Joaquin calling Lella "babe"
Angel Locsin’s (left) hilarious take on stepson Joaquin Arce calling Lella Ford "babe" (right photo) delights netizens.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube/Angel Locsin on Facebook

Gulat na gulat si Angel Locsin nang ipapanood sa kanya ng asawang si Neil Arce ang latest episode ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0, kunsaan aksidenteng natawag ni Joaquin Arce si Lella Ford ng "babe."

Si Joaquin ay stepson ni Angel. Anak ito ng mister niyang si Neil sa dating karelasyon.

Habang si Lella naman ay anak ng TV host-actress na si Karla Estrada at nakababatang kapatid ng aktor na si Daniel Padilla.

Sa episode ng PBB nitong Martes, November 25, 2025, inanunsiyo ni Big Brother ang ikalimang weekly task ng teen housemates.

Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates

Ito ay ang paggawa nila ng anim na live shows na pagbibidahan ng mga nominadong sina Marco Masa, Krystal Mejes, Anton Vinzon, Eliza Borromeo, Heath Jornales, at Carmelle Collado.

Ang show na gagawin nila ay dapat may kinalaman sa kanilang buhay.

Makakatulong nila sa pagbuo ng karakter ang mga housemate na ligtas sa nominasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joaquin and Lella as Marco’s parents

Bawat housemate na nominado ay isa-isang pumili kung sino sa mga ligtas na housemates ang nais nilang mapabilang sa bubuuing show.

Si Marco ay pinili sina Joaquin at Lella na gaganap bilang kanyang mga magulang.

Agad kinausap ni Marco ang dalawa para sa mahalagang papel na gagampanan ng mga ito sa kanyang drama show.

Sabi ni Joaquin kay Lella, habang hawak-hawak ang script na isinulat ni Marco sa kanila, "Hatakin mo ako, babe. Ay, sorry."

"What does your mom call him?" tanong niya kay Marco.

Kapansin-pansin naman ang pagngiti ni Lella sa sinabi ni Joaquin.

Angel Locsin’s funny reaction to Joaquin calling Lella
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANGEL AND NEIL'S REACTION

Ang tagpong ito nina Joaquin at Lella ay napanood nina Neil Arce at Angel Locsin.

Sa Instagram Stories ni Neil, ibinahagi niya ang reaksiyon ni Angel nang ipapanood niya rito ang episode kunsaan aksidenteng natawag ni Joaquin si Lella ng "babe."

"Ano daw?" maririnig na boses ni Angel sa background habang pinapanood nila ang PBB.

Natatawa namang sagot ng kanyang mister, "Narinig mo? Wait, i-rewind ko."

Hindi pa ring makapaniwalang sambit ni Angel, "Ano daw? Wait. Teka lang! Ano sabi?"

Caption ni Neil sa caption ng kanyang video, "Uhhhhmmmmm."

Angel Locsin’s funny reaction to Joaquin calling Lella
Photo/s: Screengrab Neil Arce on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angel Locsin shows support for stepson Joaquin Arce

Bagamat maikli at boses lang niya ang narinig sa video, marami pa rin sa tagahanga ni Angel ang natuwa sa muling pagpaparamdam ng aktres, matapos ang matagal nitong pananahimik sa social media.

Saad ng isang fan, "Si Lella at Joaquin lang pala ang susi para magparamdam ulit sa social media ni Angel."

Sabi pa ng isa, "More Joaquin at Lella, baka sa susunod niyong pagpapakilig puntahan na kayo diyan ni Ms. Angel."

Dagdag pa ng isa, "Ang damoves lang pala ni Joaquin ang magpapalabas kay Angel. Kinilig bigla sa anak eh."

Read: Joaquin Arce grateful for stepmom Angel Locsin’s support

Hindi ito ang unang pagkakataong nagpahayag ng suporta si Angel para kay Joaquin.

Noong November 14, nag-post si Angel sa X (dating Twitter) para ihayag ang kanyang saya sa nakikitang paglago ng stepson sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Saad niya: “I don’t usually comment, but seeing Joaquin grow from a little boy into someone who helps, listens, and keeps the peace at home makes me proud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If he ever talks a bit loud or doesn’t respond, please forgive him—our son is completely deaf in his right ear.”

Read: Angel Locsin proud of stepson Joaquin Arce's maturity on PBB

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin’s (left) hilarious take on stepson Joaquin Arce calling Lella Ford "babe" (right photo) delights netizens.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube/Angel Locsin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results