Nagbalik-tanaw si Ai-Ai delas Alas sa kanyang kasal sa estranged husband na si Gerald Sibayan matapos manood ng clips ng mga kasalan.
Sa compilation wedding videos na in-upload niya sa Instagram ngayong Biyernes, November 28, 2025, makikita rito na halos lahat ng grooms ay umiiyak kapag nakikita na nila ang bride.
Sabi ni Ai-Ai sa caption, napapangiti siya kapag nakakita ng grooms na umiiyak.
Napamura pa nga siya dahil nung kasal daw niya ay hindi ganoon ang reaksiyon ng kanyang groom.
Hindi man niya pinangalanan, malinaw na si Gerald ang tinutukoy niya.
Saad niya: "Pag nanonood ako ng mga ganito na umiiyak mga groom napapa-smile ako.. P.I kaya pala yung saken dati hindi ganito reaction hahahahahha [laughing in tears emojis] dapat pala ganito [laughing in tears, heart emojis]"

Read: FIRST LOOK: Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan wedding
NETIZENS REACT TO AI-AI DELAS ALAS' POST
Kabilang sa nagkomento rito ay ang aktres na si Amy Austria.
"[laughing in tears emojis] cute cute mo friend [hearts emojis]"
Sagot ni Ai-Ai: "@amyaustria_ventura hahaha kasi friend yung 2nd sobra yung 3rd wala hahaha ano bayan"

Ang tinutukoy ni Ai-Ai na "2nd" ay ang kasal niya sa ikalawang asawa na si Jed Salang noong April 3, 2013 sa Las Vegas, Nevada.
Read: Ai-Ai delas Alas and Jed Salang confirm wedding in Las Vegas
Ang "3rd" naman ay kasal nila ni Gerald noong December 12, 2017.
Read: Ai-Ai delas Alas weds Gerald Sibayan: "Yes, super I do, Father!"
Ang unang asawa ni Ai-Ai ay ang singer na si Miguel Vera. Naghiwalay sila noong 1996.
Read: Miguel Vera no regrets on failed marriage with Ai-Ai delas Alas
Sabi ng isang netizen, "Lahat umiiyak Miss Ai Ai"
Pagsang-ayon ni Ai-Ai, "oo nga hahahaa"

Tanong ng isang netizen, "Ganyan ba reaction ng bwisit mong ex nung wedding day nyo?"
Sagot ni Ai-Ai, "naku waley na waley hahahahahha"
Read: Sarah at Nadine, tumanggi sa malaking endorsements?
Kinumpirma ni Ai-Ai ang hiwalayan nila ni Gerald noong November 2024.
Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan
