PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez enjoys the privacy of his married life

Tom Rodriguez wants to talk about the past.
by Arniel C. Serato
Published Dec 6, 2025
Tom Rodriguez happy for ex-wife Carla Abellana
Tom Rodriguez on keeping his married life private: "Tahimik at masayang buhay. Sobrang happy ako. Sa akin mas, mas gusto ko na na-differentiate ko yung professional na buhay sa pribadong buhay."
PHOTO/S: Arniel Serato

Masaya si Tom Rodriguez na nahihiwalay na niya ngayon ang kanyang pribadong buhay sa showbiz career niya.

Pahayag ng Kapuso actor: "Sabi nga, from my end siguro, boring sa lahat ng iba, pero tahimik at masayang buhay. Sobrang happy ako.

"Sa akin, mas gusto ko na na-differentiate ko yung professional na buhay sa pribadong buhay.

"Kaya ito. Mas sarap, mas sarap na kung ano meron ako ngayon, ito. Sarap talaga."

Paano niya ito nabalanse?

Ayon kay Tom, malaking tulong na nag-lie low muna siya ng ilang taon sa ibang bansa.

"Siguro nakatulong na umalis muna ako, na nagpahinga muna ako ng tatlong taon.

"So, yun, nakatulong din sya sa akin. Na mas na-appreciate ko yung trabaho din.

"Na sobrang grateful ako sa work. Na-miss ko rin yung ito, yung pag-arte.

"Kaya happy ako na may parang balanse ako ngayon, na nagagawa ko yung gusto ko sa trabaho ko.

"And at the same time, pag-uwi ko, sobrang tutok ako sa, sa family ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang nakaraan, lalo na ang masalimuot na hiwalayan nila ng ex-wife na si Carla Abellana.

Paliwanag ni Tom: "Hindi na kailangan. Siguro kaya, sabi nila, past is past, right? I believe in that.

"Yeah, andaming kunwari, andaming kung anu-anong narinig ko.

"Kung himayin mo yung totoo o hindi, parang para san pa? Bahala na.

"The people have made up their minds. Kung ano man yung inisip nila.

"Okay na rin naman ako. Hindi naman ako, di naman nakakaapekto sa totoong buhay.

"Kaya, para saan pa? Basta ako naka-focus lang ako ngayon sa buhay ko."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom pagkatapos ng presscon ng UnMarry, ang Quantum Films at Cineko Productions entry sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tom Rodriguez
Tom Rodriguez at UnMarry's media conference.
Photo/s: Arniel Serato
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gumaganap si Tom na asawa ni Angelica Panganiban sa pelikula na tumatalakay sa kuwento ng mahirap at masalimuot na proseso ng annulment.

Read: Angelica Panganiban cautious about Kim-Lakam legal issue

TOM RODRIGUEZ TALKS ABOUT HIS BABY, EX-WIFE

May one-year-old baby na si Tom sa kanyang American wife na hindi pa rin niya ipinakikilala sa publiko.

Kumusta na ang kanyang anak?

Kuwento ng aktor, "Sobrang lusog.

"Ang sarap, ang sarap lalo na sa stage, sa stage ngayon na nakikipaglaro na talaga sa akin.

"Kasi siyempre, one year, one year na siya."

May balak na ba silang sundan ito?

"Gusto ko pero hindi pa sapat na panahon. So, nasa Kanya yun."

Pakiramdam ni Tom, dahil sa tahimik na ang buhay niya at nailagay na niya ito sa ayos, unti-unti nang dumadaloy ang grasya sa buhay niya.

Sabi niya: "I'm thankful sa lahat naman, e. Kahit na, pag may taping man o kahit mga guesting, guesting lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy ako kasi alam ko lahat yun, parte, parang grateful sa binigay ni Lord, e.

"Kasi kahit walang akong taping, may marami akong time para sa pamilya ko. At yung mga pangangailangan ko sa buhay, nami-meet pa rin.

"Hindi ako nagugutom. May bubong kaming tinitirhan. So, I feel very fortunate."

Tungkol naman sa engagement ng ex-wife niyang si Carla, saad ni Tom, "I wish them well.

"That's the case. I wish them well. I'm glad everyone has moved on na."

Read: Tom Rodriguez, may mensahe sa engagement ni Carla Abellana

RELATED ARTICLES:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez on keeping his married life private: "Tahimik at masayang buhay. Sobrang happy ako. Sa akin mas, mas gusto ko na na-differentiate ko yung professional na buhay sa pribadong buhay."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results