PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert

Netizen: "They look so happy and very much at peace."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 15, 2025
Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
Fans go kilig as rumored couple Daniel Padilla and Kaila Estrada are spotted together at an IV of Spades concert.
PHOTO/S: Screengrab on TikTok

Naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang rumored couple na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada nang maispatan silang magkasama sa isang concert.

Noong December 13, 2025, kumalat online ang video na kuha ng isang netizen, kunsaan makikita sina Daniel at Kaila na magkasamang nanonood ng concert ng OPM band na IV of Spades sa Mall of Asia sa Pasay City.

Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video, makikitang nag-e-enjoy ang dalawa habang umiindak sa kantang "Sino" ng lead vocalist ng banda na si Unique Salonga.

Pumapalakpak pa si Kaila habang nasa likuran at nakahawak sa kanyang balikat si Daniel.

“Kaila and DJ at IVOS concert. Kainiel is real!” mababasang caption ng nag-viral na TikTok video.

Isa pang netizen ang nag-upload ng video na makikita naman ang madalas na pag-akbay ni Daniel kay Kaila.

Dito, kitang-kita ang paglapit ni DJ sa pisngi ni Kaila habang kanya itong binubulungan.

#KaiNiel sweet na sweet yung dalawa oh," caption sa nasabing video.

NETIZENS' REACTION

Sa comments section ng dalawang video ay makikita ang galak ng fans nina Daniel at Kaila.

Komento ng isang netizen (published as is), "Ang nakakaganda kasi sa KaiNiel e hindi sila loveteam, real life couple sila, yung hindi fan service lang kaya ang sarap kiligin sa kanila."

Sabi pa ng isa, "They look so happy and very much at peace. Hay tulad nga ng sabi ni Daniel, 'lalabas at lalabas din yan, huwag niyo muna kami kulitin.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ng isa, "Ang saya lang nila tignan, kalmado lang at walang dapat patunayan. As a KathNiel fan, sige na nga magmu-move on na ako. Kaila Estrada na yan e."

DANIEL-KAILA SIGHTINGS

Hindi ito ang unang pagkakataong naispatan ng publiko na magkasama sina Daniel at Kaila.

Noong November 1 ay magkasama ring dumalo sa isang Halloween party ang dalawa dressed up as Gomez at Morticia Addams ng The Addams Family — ang tanyag na American Gothic cartoons na unang lumabas noong 1930s sa The New Yorker bago naging sitcom at movie franchise.

Pagkatapos ng party ay naispatan din silang magkasamang kumakain sa tila isang Chinese restaurant.

Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada's weekend sightings thrill fans

Ngunit bago ito, matagal nang bulung-bulungan ang tungkol sa espesyal na ugnayan nina Daniel at Kaila matapos nilang magkasama sa defunct action-drama series na Incognito.

Matapos kasi ang Incognito, ilang beses silang naispatang magkasama, dahilan para pag-isipang may relasyon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una ay noong July 2025, sa isa umanong movie at karaoke date kasama ang aktor na si Igi Boy Flores.

Noong September 14, isang netizen ang nag-upload sa Reddit at TikTok ng kuha niyang litrato nina Daniel at Kaila na muling magkasama.

Tila nasa elevator ng isang establisimyento ang dalawa.

Read: Netizens ask: Are Daniel Padilla and Kaila Estrada an item?

Lalo pang lumakas ang haka-hakang may namamagitan na nga sa dalawa nang makapanayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News si Daniel noong October 14.

Dito ay diretsahang tinanong ang aktor kung siya ba ay may bagong nobya.

Natatawang sagot ni Daniel, "Kain muna tayo."

Sundot ni MJ, iyan daw kasi ang naging headlines sa mga nagdaang araw, lalo na ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan kay Kaila.

Imbes na sagutin ni Daniel kung may katotohanan nga ba ang mga lumabas tungkol sa kanila ni Kaila, sinabi nitong hayaan na lang at antayin ang mga mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Huwag na nating i-pressure yung sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganun, i-showbiz pa yun, pero you get my point?

"Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na alam mo yun, hintayin ng tao.

"Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari."

Pakiusap pa ni Daniel sa mga patuloy na umiintriga sa closeness nila ni Kaila: "Huwag niyo na muna kaming kulitin, just let it be.

"Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay.

"And again, ayoko siyang maging showbiz, e. Well, di pa rin naman maiiwasan, di ba, pero may choice pa rin naman ako, di ba?"

Read: Daniel neither confirms nor denies relationship with Kaila

Si Kathryn Bernardo ang huling nakarelasyon ni Daniel Padilla.

Noong November 30, 2023, kinumpirma nilang hiwalay na sila matapos ang labing-isang taon nilang pagiging magkasintahan.

Read: Kathryn Bernardo discovers Daniel Padilla cheated on her from Andrea Brillantes herself—sources

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans go kilig as rumored couple Daniel Padilla and Kaila Estrada are spotted together at an IV of Spades concert.
PHOTO/S: Screengrab on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results