Humingi ng paumanhin si Dustin Yu sa matalik na kaibigang si David Licauco makaraang magtampo ang huli dahil sa madalas niyang pagkawala.
Noong December 6, 2025, sa isang panayam sa media, naglabas ng hinanakit si David nang mabanggit ang pangalan ni Dustin.
Himutok ni David, kamakailan ay MIA (missing in action) o hindi na nagpapakita at nagpaparamdam sa kanya si Dustin.
Isang beses ay inaya raw ni David si Dustin na magpunta sa isa niyang restaurant, ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya sinipot ni Dustin.
Read: David Licauco expands business ventures for future family
Saad ni David, na may bahid ng tampo: "Miss ko na yung dating Dustin.
"Siya yung hindi nagpapakita. Kasi ako, dati pa man, sikat na ako noon pa man.
"Naging busy na ako sa showbiz, pero siya yung priority ko. E, ngayon, anong nangyari?
"Yung Maria Clara at Ibarra, sobrang busy ko rin noon, kung saan-saan ako, pero lagi ko siyang kasama. Kailangan niyang malaman yon."
Read: David Licauco almost quit showbiz before Maria Clara at Ibarra
Naging matalik na magkaibigan sina David at Dustin nang magsama sila sa Kapuso drama series na Mano Po Legacy: The Family Fortune noong 2022.

Simula noon ay tila hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Madalas ang kanilang bonding at pagbisita sa negosyo ng isa’t isa.
Noong 2024, muling nagkasama sa isang proyekto ang dalawa nang mapabilang si Dustin sa cast ng Pulang Araw, ang seryeng pinagbidahan ni David kasama ang loveteam partner nitong si Barbie Forteza.
Dustin apologizes to David as busy schedules keep them apart
Ang pagtatampo ni David ay nakarating naman kay Dustin.
Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted at IV of Spades concert
Sa panayam ni Dustin sa 24 Oras noong December 12, inamin niyang nakaramdam siya ng guilt nang mapanood ang video ni David na sinasabing nami-miss siya nito.
Agad daw niyang minessage si David upang kumustahin at ipaliwanag kung bakit hindi na siya masyadong napagkikita kamakailan.
Giit ni Dustin, naging abala lamang siya sa taping at pagpo-promote ng dalawa niyang MMFF (Metro Manila Film Festival) 2025 movies na Love You So Bad at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Ani Dustin: "Nakita ko yung interview niya. Sabi ko, 'If there's something na parang may napi-feel siya, you can talk to me anytime.'
"Sabi ko rin e, 'Sorry.' Part of me would also want to apologize kasi parang na-realize ko na noong time na yun, busy din naman siya.
"Pero ako kasi noon, hindi ako busy, so ako yung laging available. Ngayon, busy na kaming pareho.
"So, ayun yung gusto kong i-explain sa kanya—na yung schedule talaga namin tuluy-tuloy. As in, wala na kaming time para lumabas pa.
"Pero I get him. Super! Valid naman [yung tampo niya]."
Read: Dustin Yu evasive about real score with Bianca De Vera
Sa huli, may mensaheng iniwan si Dustin kay David.
Sabi nito, "Sorry, David. Bro, babawi ako. Promise, pagkatapos nito babawi ako. Mahal na mahal na mahal kita."
