Desididong tuldukan ni Ai-Ai delas Alas ang kabanata ng buhay niya na may kinalaman sa estranged husband na si Gerald Sibayan.
Sa episode ng Pinoy Pawstars ni Boss Toyo noong December 22, 2025, itinampok ang pagbebenta ni Ai-Ai ng engagement at wedding rings.
Tanong ni Boss Toyo: Ang mga singsing ba ay mula sa isang taong pinag-aral niya?
Ani Ai-Ai, "Pinag-aral ko siya as pilot. Pero yung college niya, siya yun. Siya yun, kasi National Team siya and ano rin, varsity player ng De La Salle."
Badminton varsity player si Gerald noon sa De La Salle University.
"Pero noong pinag-aral ko siya ng pilot, kasi gustong maging piloto."
Sa kasamaang palad, hindi raw nag-practice si Gerald ng pagiging pilot, lalo na nung lumipad sila patungong U.S.
AI-AI DELAS ALAS' SEPARATION IN A GIST
Nagkuwento si Ai-Ai kung kailan talaga sila naghiwalay ni Gerald.
"October 2024. Actually November 11 ko siya sinabi, pero October pa lang, hiwalay na kami.
"Yes, one year pa lang."
Ipinaliwanag din ni Ai-Ai ang sinabi niyang iko-convert ang "pain into hope" kapag nabenta ng mga singsing dahil may tutulungan daw siyang grupo.
"Pain into hope kasi ang pain, di ba, kunyari binili niyo ito, yung ibang mabibentahan ko niyan, itutulong ko sa Life Saver.
"Ang Life Saver is parang honorary member ako which is tumutulong sa mga cancer patients.
"So the pain, magkakaroon ng hope yung mga tao na... kasi pag binisita mo talaga yung ano, yung Jose Memorial [Medical Center], makikita mo na...
"Kailangan natin ng tulong ng kapwa-tao natin lalo na ngayon."
Read: Ahtisa recalls “worst” pageant experience; Miss Cosmo exec reacts
Ai-Ai DELAS ALAS' rings sold for PHP250K
Inusisa pa si Ai-Ai ni Boss Toyo kung sure na siyang ibebenta ang mga singsing.
Saad ni Ai-Ai: "Parang may closure na rin kasi.
"Alam niyo yun na bukod sa parang ayaw ko na ding maalala, parang may closure na rin.
"And maganda yung closure kasi may pupuntahan siyang magandang ano [cause]."
Prinangka naman ni Boss Toyo na hindi ganun kalaki ang value ng kanyang mga singsing.
Alam naman daw ito ni Ai-Ai.
Base sa mga larawan, ang isa ay eternity ring at at ang isa ay may bato sa gitna (hindi malinaw kung solitary o illusion) at pave setting para sa mas maliliit na bato.
Hindi binanggit kung anong klaseng bato o ilang carats o ano ang color.
Sa pagpapatuloy ni Ai-Ai: "Na-surprise lang ako kasi parang bilang, hindi naman, hindi naman malaki yung ano niya, yung income niya, but still, binilhan niya ako ng magandang singsing. Alam mo, yun ganun.
"Two to three years, okay siya. Pero kasi nag-cheat na rin siya ika-third year, so parang hindi na rin masaya."
Gaano ba sila katagal?
"Ten years kami. Ten years kami together. Seven years kaming kasal."
Matagal na rin daw ito pero nauwi pa rin sa hiwalayan.
Saad niya, "Oh, yes. Alam mo, doon ako medyo nawindang na, 'Ay, ayaw na niya?' Parang ganun. Hindi ako ready."
Nasaktan daw talaga siya sa hiwalayan, pero sa ngayon, may isa pang feeling na nangibabaw.
"Ay, oo naman siyempre, more of shock than pain.
"Pero siyempre, later on, iba-iba yung phase, e. Later on na yung pain.
"Pero sa una, shock ka kasi parang, 'Bakit ayaw na niya? Bakit ganito?' Yung, alam mo, maraming bakit."
Ayon pa kay Ai-Ai, wala siyang pagkukulang kay Gerlad.
"Alam ko alam ko naman nga na wala akong pagkakulang sa kanya. Kasi yung time na inano niya, yung time [na] nag-cheat siya is tinanggap ko pa rin siya. So ayun."
Ang initial price na sinabi ng komedyana ay PHP350K para sa dalawang singsing.
Naisara ang transaksiyon sa PHP250K.

