Kabilang na si Angelica Panganiban sa group chat ng mga ex-girlfriend ni Derek Ramsay.
Ito ang ibinunyag ng mismong estranged wife ni Derek na si Ellen Adarna.
Bisperas ng Pasko, December 24, 2025, nagkaroon ng question-and-answer session si Ellen sa kanyang Instagram Stories, kung saan isa-isa niyang sinagot ang katanungan ng kanyang followers.
Isa sa mga tanong ay tungkol sa posibleng pagiging magkaibigan nila ni Angelica.
Si Derek, na naging boyfriend ni Angelica, ay nakarelasyon at naging asawa ni Ellen.
Ngunit makalipas lamang ng apat na taon ay naghiwalay rin sina Derek at Ellen.
"May chance po ba na maging friends kayo ni Ms. Angelica P.?" tanong ng isang netizen kay Ellen.

Walang pag-aalinlangan itong sinagot ni Ellen.
Aniya, sa ngayon ay hindi ito imposibleng mangyari dahil magkausap na sila ni Angelica.
Sa katunayan, si Angelica ay nasa group chat na raw ng mga nakarelasyon ni Derek, na si Ellen mismo ang nag-create makaraan nilang maghiwalay ng aktor.
Pahayag ni Ellen sa video: “Actually, super chika na kami, dai. Kasama na siya sa [group chat].
"Manonood nga ako ng UnMarry. So relatable."
Ang UnMarry ay ang pelikulang pinagbibidahan ni Angelica na kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF). Tungkol ito sa mga mag-asawang dumaraan sa annulment.
Read: Angelica, Zanjoe tackle the subject of annulment in UnMarry
ANGELICA PRAISES ELLEN
Noong December 11, nagsimulang pag-usapan ng publiko ang pagkakaibigang posibleng mabuo sa pagitan nina Ellen at Angelica.
Ito'y matapos magkomento si Angelica sa ilang pagkakatulad nila ni Ellen. Nangyari ito nang makapanayam si Angelica sa isang vlog sa YouTube.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na pagdating sa mga naging karelasyon ni Angelica sa showbiz ay tila nakadikit dito ang pangalan ni Ellen.
Dalawa sa naging nobyo noon ni Angelica ay naging nobyo rin ni Ellen.
Nang matapos ang relasyon nina Angelica at John Lloyd Cruz, ang sumunod na nakarelasyon ni John Lloyd ay si Ellen.
Read: John Lloyd Cruz, Isabel Santos spotted with Ellen Adarna and son
Si Derek, na ex-boyfriend din ni Angelica, ay nakarelasyon at pinakasalan si Ellen.
Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house
Pagtatapat ni Angelica sa vlog, hindi sila personal na magkakilala ni Ellen pero nagkita na raw sila minsan.
Saad niya, "I met her once. Naka-hangout ko siya. Kami pa ni John Lloyd nun.
"Then, may boyfriend din siya noon, e."
Dahil nabanggit ang nakaraan ni Angelica ay hindi na rin naiwasang hingan siya ng reaksiyon sa masalimuot na pagwawakas ng relasyon nina Derek at Ellen.
Ani Angelica, "Parang, nadismaya in a way na parang, 'O, talaga ba?'
"Noong una, hinahanap ko yung pake ko talaga nung una. 'May pake ba ako?'
"Wala naman akong pake. Pero yan nga, parang may ano lang ako na, 'Talaga ba?'
"Ang alam ko kasi, ten years ang agwat namin, e, nung ex ko, e.
"So parang, 'Talaga?' Parang medyo.... kung 39 ako, so baka almost 50 na siya, so parang, tsk. Nagulat lang ako.
"Baka iyon yung term, nagulat lang ako na, 'Ah, hindi pala kumalma.'"
Read: Angelica Panganiban reacts to Derek Ramsay-Ellen Adarna breakup
Hirit pa noon ni Angelica, dahil sa paghihiwalay ng dalawa ay maaari na silang maging magkaibigan ni Ellen ngayon.
Aniya: "Feeling ko, marami kaming pag-uusapan, e.
"Wag lang niya i-screenshot, ha. Wag lang niya i-record.
"Hindi pa nga ako na-invite doon sa group chat, e."
Ang tinutukoy ni Angelica ay ang pag-i-screenshot ni Ellen ng palitan ng text messages umano ni Derek at ng isang babae, at ang pagre-record ni Ellen sa away nila ni Derek.
Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
Sabi pa ni Angelica tungkol kay Ellen: "Alam mo, I wish her well. Having two kids? Hirap nun.
"And nakikita ko yung ibang stories niya, dadaan sa algorithm ko. Mukha siyang okay na mom, di ba?
"Na parang you wish her well, di ba? 'Go, 'Te, galingan mo na, galingan mo diyan.'"
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
Sa huli, nagpahayag ng paghanga si Angelica kay Ellen dahil sa matapang nitong nagagawa a ng mga bagay na hindi raw niya noon nagawa sa relasyon nila ni Derek.
Read: Ellen Adarna reacts to Angelica Panganiban calling her “matapang”
