Hindi napigilang maging emosyonal ng Kapamilya actress na si Bianca de Vera sa tagumpay ng pelikulang kanyang pinagbibidahan—ang 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Love You So Bad.
Lalo na’t ang pelikulang ito ang naging daan upang mapasama siya sa mga nominado para sa Best Actress sa katatapos lamang na 2025 MMFF Gabi ng Parangal.
Ginanap ang awards night sa Dusit Thani Hotel, Makati City, noong Sabado, December 27, 2025.
Bukod kay Bianca, nominees din sina Nadine Lustre (Call Me Mother), Angelica Panganiban (UnMarry), at Krystel Go (I’m Perfect).
Read: Angelica Panganiban after Best Actress loss: "Naghanda ako ng speech, hindi ko nasabi."
Sa huli, si Krystel ang itinanghal na Best Actress.
Read: Vice Ganda and Krystel Go's monumental wins at MMFF 2025 Gabi ng Parangal
BIANCA REVEALS ALMOST GIVING UP ON HER CAREER
Sa panayam kay Bianca ng ABS-CBN News na umere nitong Linggo, December 28, sinabi nitong hindi niya napigilang mapaluha nang amining noong nakaraang taon ay sumagi na sa kanyang isipan ang pag-give up sa kanyang showbiz career.
Pakiramdam daw noon ng aktres ay wala nang nangyayari sa kanyang karera at napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kasabayan.
Read: Dustin Yu says Bianca de Vera is girlfriend material
Nagbago lamang ang lahat nang dumating sa kanya ang oportunidad na maging housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na umere noong March 9.
Bagamat hindi naging Big Winner ang duo nila ni Dustin Yu, ang nabuong pagkakaibigan—at espesyal na pagtitinginan—nila sa loob ng Bahay ni Kuya ang naging daan upang mabigyan sila ng pelikulang Love You So Bad, kasama rin ang isa pang nali-link kay Bianca na si Will Ashley.

Read: Are Dustin Yu and Will Ashley open to do a project with Bianca?
Umiiyak na pahayag ni Bianca: "This day, this time last year, last Christmas, honestly, akala ko iyon na ang huling Pasko ko bilang artista kasi parang I was really about to give up.
"Parang feeling ko wala pa akong napapatunayan. Feeling ko napag-iiwanan ako. Feeling ko nahuhuli ako.
"But here I am now, di ba? Living my dreams now. I have my own movie."
Read: REVIEW: Love You So Bad, a solid rom-com and not just fan service
BIANCA: "DON’T STOP DREAMING."
Bagamat hindi niya naiuwi ang Best Actress award, sapat na raw kay Bianca ang nominasyon upang lalo siyang ganahan at pag-igihan ang pag-arte at sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.
Aniya, "To my parents, to Mommy and Daddy if you’re watching—na-nominate ako for Best Actress."

Read: Bianca de Vera reveals unique living setup with separated parents
Dagdag pa niya: "Kaya sa mga kabataan or people that are the same age as me or even older than me, don’t stop dreaming.
"Huwag kayong susuko sa pangarap ninyo. Huwag kayong susuko sa sarili ninyo.
"Because there are so many big things ahead of you. Your dreams are waiting for you. Kaya huwag kayong titigil."
