Dinepensahan ni Sean Raval ang kapatid na si AJ Raval laban sa bashers.
Si Sean ay isa sa labinwalong (18) anak ng action star na si Jeric Raval.
Sa sideline ng presscon ng pelikulang Spring in Prague, na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at ng Macedonian actress na si Sara Sandeva, nakakuwentuhan ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Sean.
Tampok siya sa music video ng pelikula.
Bahagi si Sean ng Borracho Artists and Talents ng lawyer-movie producer na si Atty. Ferdinand Topacio.
Ano ang nararamdaman niya kapag may isyung ibinabato sa kanyang Ate AJ?
Tugon ni Sean: "Siyempre bilang kapatid po. nasasaktan. Pero you know, showbiz po, hindi naman po mawawala ang pagba-bash.
"And kahit hindi naman po sa showbiz, may marami pong basher."
Isa sa isyung ibinabato kay AJ ang paglilihim ni AJ sa publiko tungkol sa tatlong anak nila ng partner na si Aljur Abrenica.
Ayon kay Sean, hindi naman niya kailangang magbigay ng payo sa kapatid dahil alam niyang matatag na babae ang kapatid.
"Hindi ko naman po ina-advise-an kasi I'm super proud na bilang kapatid po ni AJ na, ano po, she's really tough, she's really strong.
"And siyempre, she could handle all the issues herself. And so wala naman pong advice na maibibigay sa kanya."
Ano ang mensahe niya para sa bashers ng ate niya?
Saad niya: "Maibibigay ko po sa bashers ng ate ko, move on.
"And number two, don't be judgmental without knowing yung full story po ng tao."
Ayon din kay Sean, close sila ng partner ni AJ na si Aljur.
JERIC RAVAL LOOKALIKE
Samantala, may mga nagsasabing si Sean ang pinakakahawig ng amang si Jeric Raval.
"Ah, I get that a lot po," pagsang-ayon niya.
Ano ang reaksiyon ni Sean tungkol dito?
Tugon niya: "Ah, siyempre masaya po ako.
"Pero siyempre, gusto ko rin pong sumikat bilang si Sean Raval, hindi po dahil kamukha daw po ng tatay.
"Siyempre may mga ganun pong comment pang ba-bash sa akin. Opo, 'Kamukha nga ni Jeric, ang tanong, ganyan po ba?' Ganyan, ganyan.
"So, marami pong comparison. So, para sa akin lang po bilang actor, returning actor din po, is a, I want to do my best and gusto ko pong makilala in my own image."
Cast member si Sean dati ng Kapamilya series na Since I Found You na pinagbidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera, at Arci Muñoz.
Ano naman ang gusto niyang manahin sa kanyang tatay bilang artista: ang maging ama ng 18 na anak o maging action star?
Sagot ni Sean: "Action star po kasi I want to be an action star.
"Hindi po dahil action star yung father ko. I want to be an action star kasi yun po talagang passion ko."
Ang Spring in Prague ay magkakaroon ng special screening sa Lunes, January 19, sa Gateway Cinema 12, Cubao, Quezon City.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa February 4, 2026.
Read: Jackie Lou explains the story behind "Si Aida, Si Lorna at Si Fe"
SEAN RAVAL AND HIS 17 SIBLINGS
Sa dami nilang magkakapatid, nagkaroon na ba sila lahat ng grand reunion?
"Ah, hindi po," diretsong sagot ni Sean.
"Nag-reunion naman po kami pero parang by batch po yun, e.
"Kung sino lang po ang available."
Read: Jeric Raval, 18 Anak: 'Senior Citizen Na!'
Magkakikilala ba silang lahat ng 18 na magkakapatid?
"Yes po," sagot niya.
Pang-ilan siya sa labing walong magkakapatid?
Sagot niya, "Sa 18 po? Hindi ko po alam. Ang dami po, e."
Maayos naman daw silang sinuportahan ng amang si Jeric.
Read: BLIND ITEM: Good-looking husband ni Star, may other woman
