Idinaan na lamang sa tawa ng actress-TV host na si Kim Chiu nang hindi sinasadyang mabanggit ang pangalan ng nakaalitan niyang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu sa It’s Showtime.
Sa opening ng Kapamilya noontime show nitong Miyerkules, January 14, 2026, aksidenteng nabanggit ni Jackie Gonzaga ang salitang “lakambini” habang inilalarawan ang aura ni Kim na nakasuot ng mala-Filipiniana yellow dress.
Ang “lakambini” ay isang makalumang salitang Filipino na tumutukoy sa isang marangal at kagalang-galang na babae.
Read: Kim Chiu celebrates Christmas sans sister Lakam
Si Kim mismo ang nagbasa ng opening spiel ng programa, kung saan tampok ang umano’y pagpapalit ng branding ng It’s Showtime ngayong 2026
“Tuloy ang ligaya dahil simula pa lang ng taon. Ito na—what if ayusin natin ang branding natin this year?” ani Kim.
Tinanong pa niya ang kanyang mga co-host, “Kayo ba, ano ba ang branding niyo?”
Hirit ni Darren, “Branding mo ba ang pinya?”
Ito ay dahil sa kulay-pinyang kasuotan ni Kim.
Buwelta ng aktres, “Hindi, ang branding ko, a-attend ako ng SONA.”
Sagot ni Darren, “Ah, kasi nga bestie, kagalang-galang.”
Dito na sumingit si Jackie at sinabi, “Isa kang lakambini.”
“Oh, thank you,” sagot ni Kim.
Ngunit saglit na napahinto ang aktres nang mapagtantong may ibang kahulugan para sa kanya ang salitang “lakambini.”
“[Teka], parang mali yon!” natatawang sabi ni Kim.
Dito na humagalpak sa tawa ang katabi niyang co-hosts na sina Darren at Amy Perez, habang bakas din sa mukha ni Jackie ang pagkabigla sa kanyang nasabi.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ni Kim ang pagbabasa ng spiel na tila walang nangyari.
“All right, eto na, guys. Ang branding ba ninyo ay yung tipong strong-independent-woman na wellness era ang atake, o gusto niyo yung unbothered era?
“Puwede rin yung moisturize era, puwede rin yung I’m-in-my-happy-lane era, o I’m-in-focus-and-flourishing era,” dagdag pa niya.
“Ah, kaya pala mabulaklak,” biro ni Jackie, sabay turo sa mga burdang bulaklak sa dilaw na gown ni Kim.
Upang maiwasan na baka may masabi pang iba ang co-host, pabirong sagot ni Kim, “Huwag ka na lang magsalita, [Jackie.]”
KIM SUES SISTER LAKAM FOR QUALIFIED THEFT
Matatandaang bago magtapos ang 2025 ay isiniwalat ni Kim ang matinding hidwaan nila ng kanyang panganay na kapatid na si Lakambini, na ang palayaw ay Lakam.

Noong December 2, 2025, pormal na naghain ang aktres ng reklamong qualified theft laban kay Lakam sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Read: Kim-Lakam memorable moments in 2025 before their legal battle
Sa kanyang opisyal na pahayag noon, sinabi ni Kim na matapos ang ilang buwang internal review ay nadiskubre niya ang umano’y “serious financial discrepancies” sa kanyang business operations, na nagresulta sa pagkawala ng malaking halaga ng pera mula sa kanyang business assets.
Ayon pa sa aktres, masakit para sa kanyang magsampa ng kaso laban sa sariling kapatid, ngunit kailangan daw niyang gawin ito upang maprotektahan ang kanyang binuong brand at ang komunidad na patuloy na sumusuporta sa kanya.
Read: Lakam Chiu, VIP client umano sa isang sikat na casino
Dagdag pa niya, “Despite this painful situation, I remain committed to my work, my supporters, and the continued growth of my business ventures.
“I also continue to pray for healing and resolution for everyone involved.”
