PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boom Labrusca slams topless male performers at Sto. Niño fiesta

Boom: "...may santo tapos huhubad ka."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 19, 2026
Boom Labrusca slams topless male performers at Feast of Sto. Niño
Boom Labrusca (left) calls out shirtless male dancers at the Feast of Sto. Niño after viral Tondo videos spark online debate.
PHOTO/S: Boom Labrusca/Screengrab on Facebook

Sinita ng aktor na si Boom Labrusca ang mga lalaking shirtless na nakikisayaw sa taunang Pista ng Santo Niño sa Tondo, Manila.

Noong January 17, 2026, nag-post si Boom sa kanyang Facebook account upang ipahayag ang kanyang pagkadismaya matapos umanong makakita ng mga kalalakihang nakahubad habang nakikisali sa Pista ng Poong Sto. Niño.

Read: Claudine’s birthday greeting for ex Mark Anthony stirs netizens

Mababasa sa post ni Boom (published as is), “If sayaw dahil fiesta sayaw lang kaw naman may santo tapos huhubad ka haysss. Wrong venue kid.”

Boom Labrusca slams topless male performers at Feast of Sto. Niño
Photo/s: Screengrab Boom Labrusca on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi pinangalanan ng aktor kung sino ang kanyang tinutukoy, naniniwala ang ilang netizens na ang kanyang patutsada ay para sa mga kalalakihang nakisaya sa Lakbayaw Festival sa Tondo noong Sabado rin, January 17.

Boom Labrusca slams topless male performers at Feast of Sto. Niño
Photo/s: Screengrab on Facebook

Viral kasi sa social media ang mga kuhang video sa nasabing lugar, kunsaan makikita ang grupo ng mga maskuladong lalaki na naka-topless at sabay-sabay na umiindayog sa saliw ng musika ng isang banda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa kanilang hubad na pang-itaas, kapansin-pansin din ang kakaibang dance steps ng grupo, na ayon sa ilang netizens ay hindi naaayon sa tradisyunal na galaw ng mga deboto tuwing may prusisyon.

Netizens agree with Boom Labrusca’s sentiments

Samantala, kapansin-pansin namang maraming netizens ang sumang-ayon sa post ni Boom

Read: Juan Calma defends topless Sto. Niño fiesta tradition

Giit nila, ang ganitong kilos ay isang uri ng kawalan ng respeto sa debosyon at tradisyon.

Imbes na ang Poong Sto. Niño ang maging sentro ng parada at selebrasyon, mas napapansin umano ang hubad na katawan ng mga mananayaw.

Mababasang komento ng isang netizen sa post ni Boom (published as is): "Totoo naman to, bale yung pawis na katawan nalang ng mga sumasayaw yung nagiging atraksyon ng Tondo, hindi yung mismong fiesta. Lumalabas nalang talaga totoong motibo ng mga taong pumupunta jan. Mahiya kayo at matuto rumespeto."

Saad ng isa (published as is): "Nadale mo Boom! Let’s focus on our faith to Santo Niño not to the flesh who just wanted attention."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng isa (published as is): "Kung maayos mga to magisip bakit kelangan pa magbuhad? Kung deboto ka igagalang mo at maging disente. Sa kilos at gawa. Iba kasi minamarket nila, its too obvious, exposure for other agendas."

Hindi ito ang unang pagkakataong kinuwestiyon ng mga deboto at netizens ang paghuhubad habang nagsasayaw ang ilang kalalakihan sa Tondo, Maynila.

Noong 2024, sa kaparehong pista ng Santo Niño sa lugar, nag-viral din ang ilang video kunsaan makikita ang mga lalaking gumigiling sa kalsada habang nagaganap ang prusisyon.

May mga netizen na tumawag sa kanilang sayaw bilang “mahalay,” bagay na sinang-ayunan din noon ng parish church ng Tondo, makaraan nila itong tawaging isang “iskandalo.”

Read: Tondo Church on dance of shirtless men at Sto. Niño festival

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boom Labrusca (left) calls out shirtless male dancers at the Feast of Sto. Niño after viral Tondo videos spark online debate.
PHOTO/S: Boom Labrusca/Screengrab on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results